Kabanata Uno

840 8 0
                                    


After 25 years...

Nakaupo ang isang dalaga sa isang malaking bato habang ang mga paa naman ay nakalusaw sa tubig. Tabing ilog ang tinitirhan nila kaya simula nang matuto siyang maglakad ay araw araw siyang nasa batuhan para pagmasdan ang nakapaligid sa kanya.

Natures... She really loves natures..
The sounds of her surroundings made her calm... Living alone in the middle of the forest was very hard for her since her late grandma died..

Tuluyang napapikit ang dalaga nang dumaan ang malamig na simoy ng hangin at magsilipad ang mga ibon na namamahinga rin sa taas ng mga puno. Ang katahimikan ng paligid na may halong mga huni ng ibon, lagaslas ng tubig, nilalapad na mga dahon ang nagsisilbing musika sa kanyang pandinig.

She was only fifteen nang magkasakit ang kinikilala niyang lola. Almost five months niya itong inalagaan mula sa karamdaman. Doon rin ipinagtapat ng matanda ang lahat ng tungkol sa pagkatao niya, her family, her town, and the reason why she had been separated from them from a long years of living.

At first, she can't accept the fact na siya pala ang dahilan kung ba't hindi na niya masisilayan ang taong nagluwal sa kanya dito sa mundong ibabaw. Na pinagtangkaan siyang ipapatay at ipatapon ng kanyang ama at pamilya.. But lately, she accepted it. Ayaw niyang magtanim ng sama ng loob kahit kanino dahil yon palage ang pangaral sa kanya ng pinakamamahal niyang lola.

"Apo, masyadong mababa ang buhay ng tao para magalit at magtanim ng sama ng loob sa kapwa. Hindi ka rin naman sasaya pag namuhi ka sa mga taong ang gusto ay ipahamak at mawala ka sa mundo. Matuto magpatawad apo. At syempre, matuto magmahal ng buo at tunay. Yong walang hinihintay na kapalit. Yong kusa mong ibibigay ng buong tapat ang puso mo. Dun ka lang liligaya ng tuluyan..." Yon ang kahuli-huliang kataga na narinig niya sa kanyang mahal na lola bago ito mamaalam sa kanya.

Isang bahay kubo ang tinirhan nila ng lola niya. At tulad nga ng kantang "Bahay Kubo", sari-sari mga ang mga halamanan nila sa likod-bahay. Nagtataka nga rin siya kung saan nakukuha ng lola niya ang mga pananim nito. Malawak ang lupaing kinatatayuan ng munting bahay kubo nila, kaya nagtanim din ang matanda ng kamoteng kahoy at gabi. Ewan niya pero naka-survive sila without eating rice. May mga puno ng mangga, niyog, langka, star apple, lanzones, makopa, cacao, bayabas, guyabano at papaya sa paligid ng bahay kubo nila.

Namumulot lang sila ng tuyong kahoy para panggatong.

"Desired Pleasure"Where stories live. Discover now