3: W

13 1 0
                                    

May 24, 2027




"Ano okay na, busog ka na?" tanong ni Gallen habang pinupunasan ang bibig ko. Tumango ako at ngumiti na parang bata, minsan ko lang kasi makitang soft si Gallen. Madalas masungit at cold ito sa ibang tao lalo na sa akin.


"Kumain ka na, sorry sa abala." Sabi ko na ikinairap niya. Di kaya magkasakit kami sa mata neto kakairap naming dalawa.


"Wala iyon. I told you, you should ask for help when you need it."


Napangiti naman ako ng malaki sa sinabi niya, mabait din naman pala siya paminsan minsan.


"Malaki ang ngiti naten ngayon Boss B ah," pangangantyaw ni Cassius habang binubuksan ang Jim Beam. Binatukan ko siya gamit ang kamay kong walang benda kaya't napatawa ang mokong, inabutan niya ako ng isang tagay kaya naman nilagok ko agad iyon.


"Lakas naten diyan Boss B!" Sali pa ni Cail sa pangiinis sa akin. Inirapan ko na lang sila at kinuha ang phone kong nagvvibrate. Notification pala ito sa isang groupchat kasama ang teacher namin noong nakaraang taon.



missdaria: Magenroll na kayo bukas! Mauubusan na ng slot sa klase ko, sige kayo di niyo ko magiging teacher.



Sa school kasi namin, pwedeng ikaw na ang pumili sa gusto mong maging homeroom teacher, basta hindi ka mauubusan ng slot. Grade 12 palang kami this coming school year pero sinasanay na kami na parang pangcollege. Sa Reevoi International Institution pala kami nagaaral. Yes, pagmamay-ari ito ng magulang ni Gellann at Gallen kaya naman sikat sila doon.


"Uy Gel, kita mo sabi ni Miss Daria?" tanong ko kay Gellann na lumalaklak na ng alak.


"Lowbat ako sismars. Bakit ano sabi?" Pinakita ko sa kaniya ang chat ng aming favorite na teacher.


"Ay shockers! Binanggit nga pala ni Mama sa akin na nagbukas na raw ang enrollment!"


"So paano 'yan, uwi na tayo bukas?" tanong kong muli, "Wait, let's ask Kuya." sagot niya sabay hawi sa akin para makita niya si Gallen na nakikipagkwentuhan.


"Kuya uwi na ba agad tayo para makapagenroll?" Lumingon si Gallen sa gawi namin at tumango.


"Mauubusan tayo ng slot," maikling sagot niya at humarap nang muli sa mga kaibigan.


"Ano ba 'yan pang one week pa naman ang baon kong swimsuit!"


Humalukipkip si Gellann at sinenyasan si Byrdh na pumunta sa tabi niya.


"Bon, ikaw ulit magddrive pabalik Manila?" tanong ko. Umiling siya at itinuro si Gallen gamit ang kaniyang nguso.

Always & Forever, Gallen ReevoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon