4: A

10 0 0
                                    

June 21, 2027

Stormn's Point of View



"Stormn late ka na," napabalikwas ako sa aking pagkakahiga ng mambulabog ang aking butihing kapatid. Karipas ang takbo ko papuntang banyo para maligo't makapagbihis, ang hirap pa naman isuot ng necktie namin!

Pagkalabas ko ng banyo nakita kong malaki ang ngiti ni Kuya Winterr.

"Anong problema mo? Late na ko tapos di mo man lang ako ginising ng mas maaga!" Sita ko sa kanya habang isinusuot ang itim kong medyas. Halos all black kasi ang suot ko ngayon kaya black rin ang gamit kong medyas.

Reevoi International Institution's uniform consists of two types: type one which is the black sailor longsleeves, black pleated skirt, baby blue necktie and white sneakers, type two is the baby blue longsleeves, white slacks and baby blue sneakers. Dahil first day palang ng klase, ang most appropriate na suotin ngayon ay ang type one na uniform. Though I prefer the second one kasi mas comfortable.

"8am palang," bunyag niya habang hagikhik ang tawa. I rolled my eyes at him while heavily sighing. "Bonak ka ba?!" Galit kong utas.

Tawa parin siya ng tawa so I gathered my things and went outside my room na. 10am pa kasi ang oras ng pasok ko kaya I have two more hours to kill, saglit lang din kasi ang byahe papunta sa eskwelahan. Sumunod siya sa akin habang bumababa ako ng hagdan, dirediretso ako sa pinto kaya't pinigilan niya ako.

"Oh san ka pupunta?" Aniya.

"Yayayain ko na lang magbreakfast sila Gellann, impakto ka eh." Sagot ko habang umiirap.

"Sorry na Stormy ko, huwag ka ng magalit kay Kuya." Sabi niya ng nakapout habang pinipisil ang pisngi ko.

"Sige na, sige na. Una na ko, ingat sa trabaho Kuya." Hinalikan ko siya sa pisngi sabay yakap. Inggit nanaman kayo dahil may Kuya akong mabait at pogi 'no! 

"Ingat Lil Sis, wag ka na maglakwartsa ah!" Pagpapaalala niya ngunit sinara ko na ang pinto at dali daling tumakbo sa garahe.

Jeep Wrangler lang na may black matte ang aking sasakyan, hindi sobrang fancy katulad ng Rolls Royce Ghost ni Kuya. Pinatunog ko ito at nagsimula ng magdrive papunta sa favorite breakfast place namin nila Gellann. Walang iba kung di, Mcdonalds! Iyon kasi ang pinakamalapit sa school.

"Gel nasa Mc D's ako, breakfast?" Naglalakad na ako papasok nang tawagan ko ang aking matalik na kaibigan.

"G lang, tawagan ko na rin sila Chey." Tumango ako kaya't napatawa dahil di nya nga pala ako nakikita. Nagbye na ako at dumiretso sa kiosk, I picked my usual order na iced coffee with vanilla, sausage mcmuffin with egg and 3 hashbrowns.

Umakyat na ako sa second floor after getting my order, laking gulat ko pa ng makita sila Elicir na nagtatawanan sa isang table. Napangiti ako ng maalalang nilipat nga pala ngayon ang training nila kaya malamang galing sila sa school kanina. Yes may moment nanaman kami ni El!

"Boss B!" Sigaw ni Cail sa akin habang senyas sa bakanteng upuan sa harap niya, medyo nag alangan pa ako dahil ako lang ang nakauniform but whatever. Hanggang Senior High School lang kasi ang may uniform sa school namin, pag college feel free to wear anything na.

"Aga natin ah, may date ka 'no." Pangangantyaw ni Cassius so I chuckled. "Sana nga eh, kaso mga kaibigan ko nanaman ang kasama kong kumain." Sagot ko habang kumakagat sa aking pagkain. "San si Ja?" Dagdag ko pa kaya napaismid si Cail na kaharap ko, umirap ako sa kanya dahil nang iinis nanaman.

Always & Forever, Gallen ReevoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon