• Kabanata 1•

10 0 0
                                    

Flashback

Im with my best friend, Lisa. Kumukuha kami ng mga shells para gawing kwintas or bracelets at maibenta sa mga dayuhan. Ganun lang ang trabaho namin ni Lisa. Sabado ngayun kaya pwede kami magtagal sa paghahanap ng shells. Lisa is my long gime best friend since magkapit bahay lang naman kami at magkaibigan ang mga magulang namin.

"Lisa! Dito maraming sea shells oh!" sigaw ko sa kanya sa di kalayuan. Tumingin ito sa akin at sumigaw rin

"Madami rin dito!" sabi nito at nagpatuloy sa pag kuha doon.

Nagpatuloy na rin ako sa pag kuha. Hanggang sa di ko na malayang lumalayo na pala ako. Nakakita ako ng malaking pader na gawa sa malalaking bato. Nakaharang na ito sa Dinadaan ko. Nasa dulo na pala ako ng isla.

'ano kaya ang nasa likod ng pader na ito.?' nasa isip isip ko.

Baka marami pang sea shells sa likod ng pader na ito. Binitawan ko ang bag na dala ko, dun ko kass ni lalagay lahat ng napupulot ko. Sinubukan kong umakyat. Pero nahulog lang ako. Ang hirap umakyat dahil madulas din ang mga bato.

Hindi ko na lang pinagpatuloy,ang balak kong umakyat. Ki uha ko na lang ang mga sea shells na nasa pwesto ko. Nakita ko si Lisa na tumatakbo papunta saakin. Kasama si Marco.

"Ami! Ami!" sigaw nito.

"Andyan na daw ang mga mangingisda." Napangiti at napalundag ako sa tuwa. Andyan na ang tatay.

Tumakbo kami pabalik sa amin. Nakita kong nagkakagulo na sa mga nagdadatingang mga bangka.

"nanay!" sigaw ko. Ngumiti ito saakin. Papunta narin ito sa mga bangka. Tumakbo ako kay nanay at sabay namin hinanap si tatay. Hindi ko alam kung nasan na si Lisa, siguradong hinahanap niya narin ang tatay niya.

Sabay sabay kase na ngingisda ang mga nandto Isla Antonio. Yung ibang isla dito ay ginagawang Resorts. Pero itong maliit na islang ito ay para saamin lang. Mahalaga saamin ang isla Antonio. Dito kase kami nakakakuha ng hanap buhay. Masaya ang mga tao dito. Nagkakaroon kami ng salo salo. At mga sayawan. Sigurado akong mamayang gabi mag kakaroon ng salo salo para sa pagdating ng mga mangingisda.

Nakita namin si tatay sa pangatlong bangka. May dala dala siyang mga timba na puno ng mga isda. Lumapit kami dito. Tinulungan na ni nanay si tatay na kuhain lahat na nakuha.

"mahal. Ang dami mo nakuha ah?" Sabi ni nanay.

"oo, mahal. Madaming mga isda sa gitna ng dagat sa apat na araw ba naming nangisda doon." sabi naman ni tatay.

"tatay!" sabi ko. Ngumiti naman si tatay saakin. At sinalubongan ako ng yakap.

"nak! Namiss ka ni tatay." sabi ni tatay saakin habang buhat buhat ako. Niyakap ko ito pabalik.

"miss din po kita tay." sabi ko.

"halatang miss na miss ka na ng anak mo huh?" sabi ni mang karding.

"Oo nga po e. Ah... mang karding sainyo na ang isang timba ng isda dyan." sabi ni tatay kay mang karding. Matanda na ito at wala narin nagaalaga sa kaniya.

"Ay sige. Maraming salamat, Berto. kaya napakaswerte mo. Kase mabait ka." sabi ni mang karding. Nginitian ito ni tatay. Bumababa na ako kay tatay dahil tutulungan ko si nanay s pag buhat ng mga timba.

"ahh walang anuman mang karding. Basta magiingat kayo lagi." rinig kong sabi ni tatay.

Pumunta na kami sa bahay at tinulungan ko pa si mama magluto.
Hinanda ko na ang mga sangkap.

"Ay nak, bili ka nga sa tindahan nila aling solly mo ng kamatis at pangpaasim narin. Mag sisinigang tayo." sabi ni mama kaya sinunod ko naman. Bago ako lumabas at pagsabay narin si tatay ng isang gin. Magiinom daw sila ni Tito Jose.

Malayo konti ang tindahan saamin, kaya habang naglalakad papuntang tindahan ni aling solly. Binilang ko ang bawat paghakbang ko. Nang sa ganon ay hindi ako maboring habang naglalakad papunta doon.

Pagdating ko sa tindahan ay agad akong bumili. Nabilang ko ang papunta kala aling solly, at 253 ang lahat ng hakbang pero nagbago ito pabalik, Bumaba. Pag pasok ko sa bahay agad ko binigay kay tatay ang dalawang gin. At dumeretso sa kusina, naabutan kong naghihiwa pa lamang si nanay at nakita ko rin si lisa natinutulungan si nanay. Pero maya maya tinawag siya ng nanay niya. Kaya umuwi muna ito.

Pagkatapos ni nanay magluto, Kumain kami saglit at pumunta na sa bella falls.

Nauna na ako kay lisa sa Bella's Falls habang hinihintay. Nakipag laro muna ako kay Puti, Hindi talaga namin alam ang pangalan ng asong ito kaya binigyan na lang namin ng pangalan kulay itim ito pero tinawag naming puti.

"Puti, catch!" sigaw ko at ibinato sa naglalakihang mga puno. Hinabol agad ito ni puti. Habang lumalayo hanggang gindi ko na ito matanaw. Hinintay ko siya makabalik pero hindi ko na siya mahintay na makabalik dahil ilang mimuto na ang nakakalipas wala parin ito. Sinundan ko na lang ang direksyong pinuntahan niya.

"Puti!" Sigaw ko.
"Putiii!!" sigaw ko pa. Habang nasa kakahuyan.

Hindi ako tumigil sa paghahanap ng may mahagip ako sa likod ng puno na isang buntot.

"Puti" mahinahon kong sabi.

Tumakbo agad ito saakin. Ako naman ay sinalubong. Wala ang bolang pinaglalaruan lang namin kanina. Hinaplos haplos ko si puti.

"Tara na. Kanina pa kita hinihintay." sabi ko dito.

Pabalik na sana kami ng biglang kinagat ni puti ang teka ng shorts ko. At tila bang may gusto siyang ipakita saakin. Kaya sinundan ko ito. Dahan dahan dahil may mga ugat ng puno na ang lalaki.

"puti, san tayo?" bulong ko.

Sumunod ako. Nang makalapit kami sa puno may narinig akong mga hikbi at pagsisingot. Habang lumalapit lalong lumalakas ang hikbi at pag ungol.

"Mommy" rinig ko.

Humikbi ulit at nanatiling umiiyak. Kaya hindi na ako nagdalawang isip na puntahan ito. Pag kapunta ko sa likod ng puno. Nakita ko ang isang bata na kaharap ni puti. Umiiyak ito. Naupo ang mga tuhod nito ang nagsilbing patungan para matago ang muka nito.

"Mommy" sabi pa nito.

"bata" sabi ko dito.

"Ahhh!!" sigaw nito. At lumayo saakin.

Nakita ko ang kabuoan nito. Kita kong maganda at mamahalin ang damit nito. Blue na tyaleko ang polo naman nito at kulay white. Isang red na ribbon naman ang isa din sa nagpaganda sa suot nito. Ang bottom naman niya ay short na kulay light brown. Lumapit ako sa kaniya konti. Lumayo naman ulit ito.

May salamin itong bilog. Natawa ako. Nobita?! Nasan si Doraemon? Tumawa ulit ako ng malakas. Pinagmasdan lang ako nito. Tumatawa parin ako, nagseryoso ang muka niya. Tumigil ako sa pagtawa pinilit ko.

"Who are you?" aniya. Inglishero pala ito. Mayaman nga.

"Im trexia." sabi ko at inabot ang kamay para sana makipagshake hands. Pero nilayo nito ang kaniyang kamay. Suplado. Iyakin naman.

"lead me to the exit way." sabi nito.

Inirapan ko ito at nagcross arms sa kaniya. Tumaas ang isang kilay nito saakin.

"Sino ka para sundin ko." sabi ko dito.

The Line On Us (Asuncion's Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon