Flashback
Dumating ang unang araw ng pasukan, ika-tatlong baitang na ako. Naglalakad kami ni lisa papuntang eskwelahan namin. Tuwang-tuwa siyang sinuot ang bigay kong bag sa kaniya. Ako kase ang bumili ng bag niyang iyon., Nung nakraang linggo. Ginamit ko ang binigay na pera ni nobita. Tinago ko saakin ang isang libo pang tira.
"Ang ganda talaga ng bag ko, ami. Salamt talaga." sabi nito na walang tigil natinitignan ang bag. Ngumuti lang ako.
"Hi Trexia!" sigaw ni robert. Isa sa magiging kaklase ko. Naging kaklase ko rin nang nakaraang taon. Naka-bike ito papasok sa eskwelahan.
"Sabay na kita." Huminto ito sa aking harapan. Inirapan ko lang ito nagpatuloy sa paglalakad. Isa sa mga makukulit ang robert na iyon.
"Hi trexia, Hi lisa" bati naman ni alex saamin. Siya naman ang Vise President sa aamin noon.
"Kamusta bakasyon?" sigaw nito. Nasakabila kase ito ng kalsada.
"Ok naman." Sigaw ko naman. Tumungo naman ito at tumawid na para makapasok sa gate.
"xia!" sigaw ni nico. Ngumiti naman ako nang lingunin siya. Bigla niya na lang kaming inakbayan ni Lisa.
"Ba't niyo naman ako iniwan, huh?" Pagtatampo nito. Tumawa ako ng makita ko siyang nakanguso, habang sinasabi ang mga yon.
"E? pano ba naman kaseng kutong lupa ka! antagal-tagal mong maligo." Pasigaw na sabi ni Lisa. Ito nanaman sila. Inirapan ko na lang ang mga ito.
"Ikaw kase, hindi ka naliligo." Nang aasar na bigkas nito kay lisa. Namula naman sa inis si Lisa. Hinampas naman niya si nico sa braso at inirapan na lang. Nang makarating na kami sa main gate namin nakita ko naman si mang Nestor ang guard sa school namin.
"Magandang umaga po mang Nestor." bati ko. kumaway namn si Lisa kay mang Nestor. Si nico naman ay nakipag-apir kay mang Nestor.
" Magandang umaga rin, trexia." sabi naman ni mang Nestor.
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Madaming bumabati saamin. Ewan ko ba kung abt ganon sila sa akin. Pag nakikita ko silang nakatitig sa akin ay nababsa ko mula sa mga mata nila kung paano sila namamangha saakin.
"Sige, dito na ako xia, lis, bye. mayang uwian, ah. Wag niyo kase akong iwan." Paalam ni Nico saamin. Tumungo na lang kami at nagkaway na para magpaalam. Hiwalay kase ito ng room saamin ni lisa.
Pagpasok namin sa room, may nakita na kami na mga kaklaseng bago ang muka para saamin angiba naman ay naging kaklase ko na nung nakaraang taon. Nakita ko rin na kalahati na ng mga upuan ang may roon ng nagmamay-ari.
"Hi trexia. Ganda mo talaga kaya ang daming nagkakagusto sa'yo, e." Pagsalubong ni rio saakin. Inirapan ko naman ito.
"Heh! Wag mo kong bolahin, Rio" sabi ko naman. Pumunta na ako sa dulong upuan. Best part kase para saaakin ang dulong upuan, katabi ang bintana. Nakikita mo kase mula dito sa binta ang tanawin sa labas at dito rin makikita ang pagsikat ng araw. Ang pag simoy ng hangin na bumabangga sa aking mga balat at makikita mo rin ang mga punong na tilang sumasayaw dahil sa hangin. Naramdaman ko ang katahimikan at kapayapan habang naka Earphone. Nakikinig ng mga paborito kong mga kanta.
kumunot ang aking noo ng may nagtanggal ng earphone ko. Kaya iritang tumingin ako sa kung sino man ang nagtanggal pero nawala rin ng makita ko si lisa. Napansin ko ang mga bulungan. Nagpupunta sila lahat sa binta at parang may sinisilip duon. Niyugyog-yugyog naman ako ni lisa habang di mapakali ang mga ulo sa pagtingin sa bintana.
"Ami, tumingin ka sa bintana dali." sabi nito at di na mapigilan, kumaripas na ito ng takbo sa bintana at nakigulo narin sa mga nakasilip don. Tumingin sa akin si lisa at pinapaunta ako don, pero inirap ko lang ito. Ilalagay ko na sana ulit ang Earphone ko nang hilahin na ako ni lisa papunta sa bintana. Wala akong nagawa kundi ang tignan ang kanina pang tinitignan nila.
BINABASA MO ANG
The Line On Us (Asuncion's Series #2)
Romance"I want to cross that line of us. And start a new beginning." - Third