V.

21 3 2
                                    


V. I'm done.

Mark Eric Tuan.

***

That day was the last time I've seen my bestfriend. Madalas na din akong hindi pumapasok sa mga classes ko, buti tinulungan ako ni Jackson na iexcuse ako sa mga teachers ko.

3 AM na at nakahilata padin ako sa higaan. Parang dati, sa mga ganitong oras nag papantasya ako at gumagawa ng storya namin ni Grace, in my head. Pero ngayon puro mukha ni Grace na umiiyak ang nakikita ko. Ang lakas talaga ng tama ko sa babaeng yun.

Mga 7 AM nagising ako dahil sa hindi ko alam na rason. Naisipan ko di'ng pumasok na, dahil wala naman ako mapapala kung mag kukulong ako dito sa dorm. Kinukulit na din ako ng mga kadorm mates ko na pumasok na.

Pag pasok ko palang sa gate, naka agaw na kaagad ako ng atensyon sa mga studyante. Mas lalong naging maingay sila. Meron din sumigaw na namiss niya daw ang presence ko dito sa School.

Namiss din kaya niya ako?

"Mark!" Jackson.

Hindi ako umimik. "Kumusta? Buti naisipan mong pumasok. Hindi ko na kasi alam kung ano pa ang klaseng paliwanag ang gagawin ko sa mga Teachers mo." Napakamot ng batok si Jackson.

Bahagya akong ngumiti. "Thanks dude."

Sabay kaming naglakad sa hallway ni Jackson at marami din nakikisabay saamin, halos mapuno na yung daanan dahil sa mga studyante. Hindi namin sila pinansin.

"Okay ka na ba?" Jackson asked.

"I-i guess?" Not sure..yet.

Inakbayan ako ni Jackson at mas lalong dinikit ang tagiliran niya saakin. "It's okay not be okay, dude."

"So, how is she? Sino kasama niya? Okay lang ba siya?" Para ba akong sabik na sabik sa pag tatanong.

Kakatapos lang ng 2 minor subjects namin at ngayon pupunta kami sa Canteen para mag tanghalian.

"Woah! Woah! Easy there! Atat ka? Hindi naman halata na miss na miss mo siya no?" Sarcastic na sagot ni Jackson at agad naman akong inirapan.

Natawa ako sa inakto ni Jackson. And he's right I miss her so so much.

"She's good! And you know she misses you like, so so much."

Biglang nag light up ang ekspresyon ko para bang nanalo sa loto?

"Sinabi niya sa'yo?" I asked seriously pero deep inside kinikilig ako. I know its sounded so gay.

Agad naman siyang umiling. "Hindi, nakita ko lang."

Agad din naman nagbago ang emosyon ko. Bigla ako nawalan ng pag asa.

Humalakhak siya. His signature laugh. "You should've seen your face! Perrrrrfect!" He giggled.

"Stop that! You're freaking me out dude!" Suway ko. Kahit kailan talaga ang ligalig nitong lalaking 'to.

Tumawa siya.

Napatigil ako tila bang nag slow-mo ang paligid. Nakita ko si Grace. We locked gazes. Agad akong umiwas ng tingin.

"E-excuse me...I need some air.." iniwan ko si Jackson na nag hihintay para maka order.

Sht! Ang hirap! Daig ko pa ata ang mga babaeng nag papanick.

Sabi nila, kapag nag mahal ka kahit matalino ka magiging bobo at tanga ka. Mas mahirap bobo't tanga ka na pero wala parin love life. Sigh.

Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang daliri ko. I feel so frustrated at the same time...alone.

Nakakamiss din pala yung mga nakasanayan mo na. Mahirap din pala.

HopelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon