X.

21 4 1
                                    

Alright, sorry po kung mas nauna yung Chapter 5 instead of 4. Currently, wala po kaming net ngayon. Napublish ko lang siya ng sunod sunod nung nasa NAIA na ako. Sorry po kung nalito kayo.

X. First.

Azalea Grace Natividad.

I can't stop smiling sa nakita ko sa roof. Three white roses and a letter. Isa lang ang alam kong Pisces. Sana hindi ako nagkamali. He still cares. I knew it.

2 days din akong hindi pumasok dahil sa nangyari sa paa ko. At fresh pa din yung mga kalmot sa braso ko, pinahiran ko nalang ito ng ointment. Dumiretso kaagad ako sa room, naupo muna ako sa upuan ni Mark which is beside the window. Pinapanood ko yung mga studyanteng naglalakad papasok ng building nang makita ko si Mark na bumaba sa kanyang kotse. He really looks handsome.

Napansin ko sa di kalayuan kay Mark, may dalawang babaeng kinikilig. Nag tutulakan para mabigay ang kanilang letters. Nang madaanan sila ni Mark, hindi na sila nag paligoy ligoy pa, kinalabit nila ito at may sinabi. Matagal silang tinignan ni Mark, at tila parang may sinabi ito at naglakad papalayo sakanila. Leaving those girls broken hearted.

Kumunot noo ko. Same old snobber Mark.

Hindi siya nagbago. He's in a state of changing. Di ko mapigilang ngumiti.

Nabigla ako sa pagbukas ng pintuan. Nagulat din siya pero agad din niya itong binago. Sinarado niya yung pintuan at agad akong tumayo sa pwesto niya.

"Sorry.." Tumango lamang siya. Hindi siya makatingin sa mata ko.

Did I mention na kami lang ang tao dito sa classroom? Gosh!

Naupo ako sa pwesto ko at ganun din siya. Mga 6 chairs ang pagitan namin. LDR lang.

I want to keep myself busy dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pinag papawisan yung palad ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Is this it? Ito na ba yung tinutukoy ni Jackson?

Lingon lingon din!

Lumingon ako sakanya and we locked gazes. Nag taasan ang dugo ko sa aking mukha. Agad kong iniwas ang tingin ko.

"Nag sorry naba sila sa'yo?" Binasag niya ang aming katahimikan. Nilingon ko siya at nakatingin parin siya saakin.

"S-sinong sila?"

Dumapo ang tingin niya sa braso ko. Agad kong tinakpan ito dahil sa mga kalmot.

"Yung gumawa sa'yo niyan."

Huh? Alam niya yung nangyari?

Dahan dahan akong umiling.

"Naging masaya ka ba nung wala ako?" Natigilan ako sa tanong niya. Nag momoist ang mga mata niya. Nasasaktan pa din siya.

I smiled, painfully. "Hindi ka pa din nagbabago, snobber ka pa din."

Tagos ang tingin niya saakin. "Ikaw din hindi nagbago..." tumigil siya at pumikit ng mariin.

Hinintay ko ang idudugtong niya.

"Sinasaktan mo parin ako."

Bumukas ang pintuan at nagpasukan yung iba naming blockmates na nag aasaran, napatigil sila nang makita nila kaming dalawa lang ang nasa loob.

Agad tumayo si Mark at lumabas. Sinundan ko siya ng tingin, diretso lang siya sa paglalakad parang nagmamadali.

"Anong nangyari dun?" Tanong ng isa naming kaklaseng lalaki.

Natapos ang klase na hindi pumasok si Mark. Nasaan kaya yun?

Nanlaki ang mga mata ko dahil kasama ni Jackson yung dalawang babaeng nanugod saakin 2 days ago. Naiiyak silang pareho.

"A-anong ibig sabihin nito--"

"Shush BFF! May gusto lang sabihin ang dalawang ito sa'yo." Namumula si Jackson.

Nag tinginan pa yung dalawa. Parang napilitan lang. "W-we're sorry...Grace..." humarap silang dalawa kay Jackson at para bang nag mamakaawa.

"Please, huwag kayong bumitaw sa partnership sa business ng parents ko, please!"

"Oo na! Hindi na basta kapag inulit niyo yung ginawa niyo kay Azalea hindi lang ako ang makakaharap niyo. Leave." Tumakbo kaagad yung dalawang babae palayo.

Pinandilatan ko ng mata si Jackson. "What? Namblockmail ka?"

Umiling siya. "Hindi ako! Inosente ako! Isisi mo sa Bestfriend mong madrama!"

"Sa tingin mo Jackson? Bakit hindi agad inamin ni Mark saakin?" Tanong ko. Ano ba namang klaseng tanong 'yon?!

He made faces. "Maybe, ayaw niya sigurong mariject. That's the main reason kung bakit may torpe sa mundo. Rejection."

Hindi tulad dati sabay kaming kumakain ni Jackson ngayon pumasok na siya sa klase niya. Marami kaming ginawa ngayon sa school dahil sa nalalapit na Parade. Nag volunteer kasi ako na mag design ng Truck na gagamitin para sa Parade. Mga 9 PM na kami natapos.

"Sure ka bang kaya mo umuwi ng mag isa?" Tanong ni Paul.

Agad akong tumango. "Oo naman. Kaya ko na, sige enjoy kayo ha." Tinalikuran ko na sila at nag simulang maglakad.

Meron kasing kasiyahan sa bahay ng kablockmates namin, hindi na ako sumama dahil pagod na pagod na ako at gusto ko ng matulog. At dahil din gabi na, mag alala pa sila Mommy.

Malakas ang simoy ng hangin. Niyakap ko ang sarili ko. Meron sa part ko na dapat sumama nalang ako sakanila dahil ngayon pakiramdam ko na may sumusunod saakin. Feeling ko lang siguro? Pero hindi talaga, hindi ako nagkakamali. May sumusunod talaga saakin. Naka school uniform pa naman ako ngayon! Curse this skirt!

Nang dumaan ako sa may eskinita na lagi kong dinadaanan, may nakasalubong akong dalawang lalaki. Napatigil ako at bumalik sa dinadaanan ko kanina. Nanginginig na ako dahil sa takot, alam kong sinusundan nila ako. Kaya mas binilisan ko ang lakad ko.

Ramdam ko ang pamumuo ng luha ko. No, Azalea this is not the right time to cry. Agad kong kinuha yung cellphone ko at si Mark yung unang nakita ko kaya agad ko itong dinial. Pero hindi niya ito sinagot.

"Mark, I need you right now." Bulong ko habang mas lalong binibilisan ang aking lakad.

Nang biglang may humablot saakin papunta sa madilim na lugar. Tinakpan niya ang bibig ko. Bumuhos ang luhang kanina pang gustong lumabas. Natatakot na ako. Linapit ng kung sino man ang bibig niya sa tenga ko. Bumilis ang tibok ng puso ko.

Nakita ko yung dalawang lalaki na mukhang hinahanap parin ako. Teka? Kung hindi siya yung nang hahabol saakin? Sino 'to?! Isang rapist ulit?!

Dahan dahan niyang tinanggal ang kamay niya sa bibig ko. Hinarap ko siya. Mas lalong di ko napigilan ang sarili ko. Yinakap ko siya ng sobrang higpit. He hugged me back. Bumalik yung times na down na down ako at yung feeling ko na tinalikuran ako ng mundo pero siya nandito sa tabi ko. Hindi siya nagdalawang isip na iligtas ako at samahan ako...ulit.

Lalong niya hinigpitan ang pagkakayakap saakin. "It's gonna be okay. As long as I'm here with you. I promised na hinding hindi kita papabayaan remember?" He whispered. And with those, lalo akong umiyak.

Mark Eric Tuan.

Ilang minuto din umiyak si Grace. She was really scared. And now, we're inside my car. Infront of her house.

"P-paano mo ko nahanap?" She asked.

Yumuko ako. "I followed you." Mahina kong sagot.

"You still care about me don't you?" May kasiguraduhan sakanyang tono. She's confident. I'm nervous.

I opened my mouth. No words came out. I was looking for the right words pero wala akong maisip. This is what Love can do to me. I can't really put into words what I feel right now.

I heard her sighed. Tears falling down her face. She smiled, fake. "Who am I kidding?" Walang pasabi na lumabas siya ng kotse ko. Agad din akong lumabas at hinarap siya.

I kissed her. Slow and passionate. She was shocked, I can tell. I'm tired of explaining so I decided to do this. I know she will understand.

Our first kiss was all lips. She's my first kiss. I wonder if I'm also hers?

HopelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon