II.

32 3 1
                                    

II. Once Upon A Time...

Azalea Grace Natividad.

"Azalea, pwede paki arrange naman itong mga Science Books?" Tanong ng aming Librarian. May edad na din. Halos ika ika na nga siya kung lumakad. Kaya naispan kong tulungan siya dito sa Library kapag free time.

Agad ko naman itong tinanggap, hindi ko na ito nabilang. Basta sobrang bigat.

Bawat hakbang ko nanginginig ang tuhod ko. Nakakainis naman bakit ba kasi hindi ako mahilig mag exercise. Psh. Umakyat ako ng hagdanan para maabot ang kataas taasan ng shelf at isa isang inayos ang mga libro.

"Nandito ka na naman?" Narinig kong humahalakhak si Mark. Kahit kailan talaga.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Nandito ako para tumulong. Eh ikaw? As far as I know hindi ka mahilig magbasa."

Kunyari siyang nag hahanap ng libro. "Hindi naman libro ang pinunta ko dito." Tumingala siya ng nakangiti. Ngayon ko lang naappreciate ang kagwapuhan ng Best Friend ko. 

"Ano pinunta mo dito? Para maghanap ng chix?" Sarcastic kong sabi. Psh, chix nga ba? Wala nga siyang interes sa mga babae dito.

I saw him smirked. "Chix ka diyan. Isa lang chix ko no."

"Sino?" Pag hahamon ko.

"Ikaw."

Muntikan na ako masamid dahil sa sinabi niya. Nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam. Para bang kinakabahan? Agad kong iniwas ang tingin ko. Inayos ko ulit yung libro na wala sa sarili.

"Err..do you need help?" Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Ngumiti ako ng hilaw. "No. I can do this on my own."

"Alright, if you need me. I'll be here." Ayan ang paborito kong sinasabi niya. Hindi ako nag sasawa.

Umiling nalang ako dahil sa mga pagpapantasya ko. Mababaliw na ata ako.

Pero ang pinagtataka ko talaga kung bakit walang natitipuhang babae itong si Mark? I mean, maraming nagkakagusto sakanya na magaganda. Yung iba pa parang mga model. Di kaya beki itong BFF ko? Naku! Sayang lahi!

Napansin ko sa peripheral view ko na nakatingin sa direksyon ko yung mga kalalakihang kunwari gumagawa ng homeworks. Tila bang, ako yung pinag uusapan nila? O assumera lang talaga ako?

"Get down from there." Serysong utos ni Mark. Tinignan ko siya, seryoso nga siya. Nawala bigla ang masiyahing Mark kanina.

"H-huh?"

Nagdilim lalo ang aura niya. "I said get down." Ulit niya. Dahil sa takot, sinunod ko siya. Agad akong bumaba. Nagulat nalang ako sobrang lapit namin sa isa't isa.

Nagpalitan kami ng tingin. I was mesmarized.

"Binobosohan ka ng mga lokong yun. Ako na mag tatapos nito. Kumain kana, alam kong di ka pa kumakain." Malamig niyang sabi pero ramdam ko ang sweetness niya.

"Oh. Kumain kana." Inabot niya saakin yung plastic.

"Galing kay Felix." As usual.

Nag exchange kami ng hawak. Napunta sakanya yung mga librong kanina kong hawak.

"Thank you, Bae."

Tumango lang siya ng seryoso. "Geh, kumain kana. Baka lalo kang pumayat nyan."

Walang tao sa canteen dahil oras ito ng klase, pag bukas ko ng topperware. Menudo na walang gulay. Na touch ako dahil di talaga ako fan ng gulay. Napaka swerte ko nag karoon ako ng Boyfriend na tulad ni Felix!

HopelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon