VIII.

21 4 1
                                    

VIII. I can't breathe.

Mark Eric Tuan.

"Just kidding!" Bawi ko. Nakita kong parang nabunutan sila ng tinik. Actually, yung joke ko half meant true.

Tumawa si Jackson. "Akala ko naman totoo! Nice one! Kinabahan ako doon ha!"

I smiled. Napansin kong kanina pang tinitignan ni Jackson ang oras sa relo niya.

"Mukhang may hinahabol kang oras huh?" I asked. Dahan dahan siyang tumango.

"Oo, major ko kasi next class. And I need to go," inayos niya ang kanyang sarili.

Akmang aalis na siya pero tinignan niya kaming dalawa ni Grace. "Are you sure na okay lang kayong dalawa?"

I nodded. "Oo naman! Bakit naman kami hindi magiging okay diba Grace?" She looks uncomfortable.

"Uh..oo naman."

"Okay? Kayong bahala." For the last time sumulyap siya saaming dalawa at tuluyang umalis.

Matagal kaming hindi nag imikan. And I must say, I miss this girl so freaking much. Halos mabaliw ako sa LA dahil sa sobrang miss ko siya pero feeling ko mababaliw ulit ako dahil kanina ko po siyang gustong yakapin ng sobrang higpit. But, I shouldn't do that. 1 year din akong nawala. Walang komunikasyon. God knows how much I love her.

"S-sorry about sa nangyari dati.." nakayuko niyang sabi.

Tinignan ko lang siya. Hindi ako makapaniwala na she's finally infront of me.

"Sorry, naging manhid, bulag at insensitive ako noo-"

"You don't have to apologize. Past is past. Kalimutan mo na ang nangyari noon." Feeling ko iba meaning ang naintindihan niya. I want to test you Grace.

Ngumiti siya, alam kong pilit lang ito. "Oh. Okay. I need to go." I didn't say a word. Pinanood ko lang siyang naglakad palayo saakin. Hinampas ko yung table dahil sa mga nasabi ko. I need to be patient. If she really wants me, gagawa siya ng paraan. Like what I did in the past.

Natapos ang araw at ngayon magkasama kami ni Jackson. Nandito kami sa bago kong condo. Regalo saakin ni Dad nung nakagraduate ako ng High School.

"Kumusta kayo ng Dad mo?" Jackson asked habang pinapanod akong gumagawa ng dinner namin.

"We're okay. Ganoon pa din, magkasundo parin kami sa lahat ng bagay."

Tumango siya. "That's good to hear. You know what? Wala na akong narinig tungkol sa step dad at bro mo. It's like they have never existed before." Nagtungo siya sa salas ko at naupo sa white sofa.

Nagkibit ako ng balikat. Ako din naman wala na akong balita sakanila. Why should I? Wala naman silang pake saakin? Why wasting your time on someone who doesn't care about you right?

Hinugasan ko ng mabuti yung mga carrots at hiniwa ng maayos.

"I can see that you and Grace are close?" I asked calmly. Habang hinahalo yung Apritada. (Whatever the spelling is.)

"Well, you can say that. Why?"

"Do you like her?" Did I just asked him that? Mark why?!

Napalingon kaagad saakin si Jackson. Nagulat. "Wait, wait, wait...don't tell me pinag seselosan mo ko? Bro, you asked me a favor right? Nabantayan siya habang wala ka?" Tinakpan ko yung niluluto ko at hinarap siya. Napakamot ako sa batok ko.

"Yeah, I know. Nacarried away lang ako. It's just that.....I missed her so much." Pabulong kong sagot. Umiling siya.

"Don't tell me, uulitin mo yung mga ginawa mo dati? I thought you changed?"

"No, wala na akong planong ulitin 'yon. I learned. And yes, I changed. At nagbago din ang nararamdaman ko towards Grace, lalong nadadagdagan." Sa tingin ko talo na agad ako sa larong ginawa ko.

Umiling si Jackson. "Oh boy, this isn't good." Tumayo siya at pumalakpak. "Alright! I'm starving! Can we just eat?"

"So, what are your plans? Pansin ko nagiging cold ka sakanya." Jackson, habang nakahilata sa sofa.

"Gusto ko lang malaman na kahit iba na yung pakikitungo ko sakanya. Ako parin ang lalapitan niya. I don't wanna be her second option again, alright?"

"Okay, ikaw may gusto. Basta labas na ako dyan. Inosente ako."

"Anyways, nawala na ba ang pagiging playboy mo?" Change ko ng topic. Agad namula ang mukha niya. God! Halos masamid ako sa sarili kong laway!

"Let's not talk about this. I'm tired." Pag iiwas nito. I smell something's fishy.

"Tired? O umiiwas? C'mon tayo tayo lang ang makakaalam. Nawala na ba ang pagiging playboy mo?"

Masama niya akong tinignan. "Once a playboy, always be a playboy. Okay, pagod na ako. Let me sleep. My god."

I can really tell that he's inlove. Jackson Wang is inlove.

Azalea Grace Natividad.

Kapag naalala ko yung usapan namin ni Mark kanina parang ang layo na ng agwat namin. Which really made me sad. Pero no, hindi ako mag gigive up. I know the real Mark is in there. Pinapairal niya lang ang pride niya. Alam kong may tampo pa din siyang nararamdaman saakin.

Kinabukasan, tanghali na ako nakapasok dahil nalate ako ng gising. Pagtapak ko palang sa loob ng Campus, halos lahat ng mga babaeng nakakasalubong ko ay kinikilig. Hindi naman Valentine's Day ngayon ah?

Nang mapadaan ako sa Canteen, napa-automatic walk backwards ako dahil sa ingay na nang gagaling doon. Halos mapuno yung canteen ng mga babaeng studyante.

"May feeding program siguro." Bulong ko at lumabas ng Canteen. Hindi naman uunlad ang Pilipinas kapag nakipag sisikan pa ako doon at tsaka mahahaggard lang ako doon.

"OMG! Azalea? Nakita mo ba yung bago nating kablockmate?!" Halos mahimatay si Jenna sa kilig. Napakunot noo ako.

"Huh? Hindi?"

"Nasa canteen siya ngayon! Like omg! Sobrang approachable niya grabe! Hindi snobber nag papicture pa nga ako sakanya oh!" Agad niyang nilabas ang phone niya at pinakita niya saakin.

Halos malaglag ang panga ko nang makita kong kasama niya si Mark sa picture. "S-sure ka bang h-hindi siya snob?"

Tumango siya ng ilang beses. "Oo, bakit? Mag papicture ka? Tara samahan kita!" Akmang lalabas siya pero agad ko siyang pinigilan.

"H-hindi na. Okay lang."

"Sure ka? Sige, makikigulo lang ulit ako doon ha? Bye!"

Wala ako sa sariling naupo sa upuan ko. Ang dating Mark na hindi kayang lumingon sa ibang babae na ngayon ay pumapayag ng mag papicture kahit kanino? He really did changed.

Medyo nasaktan din ako, yung dating lalaki na ako lang yung nakikita na ngayon nag eentertain na ng iba. What have I done?

Lumabas muna ako ng room at medyo humupa na yung dami ng studyante. Habang pababa ako ng hagdanan dahil sa katangahan ko muntikan na akong madulas pero may agad na humawak sa braso ko.

"Watch your step." Kalmado niyang sabi pero kitang kita ko sa kanyang mga mata ang pag aalala.

Siya parin ang Mark na nakilala ko at siya parin yung Mark na Best friend ko. Nakita ko si Jackson na nakangisi saamin. Naalala ko yung bet namin kahapon. Di ko pa pala ginagawa. How unfair kung di ko ginawa.

Walang pasabi na yinakap ko si Mark ng mahigpit. He stiffened. Narinig ko ang pag mumura ng mga bagong nahuhumaling kay Mark. I don't care. I just missed this guy so much.

"I really can't breathe."

I feel so safe and secure in his arms.

Because hugging someone taller than you is the best feeling ever because you feel protected.

HopelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon