Elementary days: Gory Stages of Evolution. =))

387 15 9
                                    

Back track to memory lane: Buhay Estyudyante


ELEMENTARY YEARS Batang 90's

Ako 'yong halimbawa ng tipikal na batang Pinoy na lumaki at ipinagkasya ng mga magulang sa mababa at mataas na paaralan. Kaya hindi ako naniniwala na mas magagaling 'yong nakatapos sa pribado kesa sa pampublikong paaralan dahil hindi naman sa taas ng tuition nababatay kung magkakakotse ka balang araw oh kung magdidildil kayo ng asin dahil puro pagtitinda lang ng tosino  ang inatupag ng guro mo mula sa public school. Nakadepende pa rin 'yon sa'yo.


Masarap magaral sa Public School kasi mas marami yung school population, kaya mas marami kang makikilala, makakabarkada, makaka-away, makakasumpitan ng sago sa canteen, makakakopyahan sa Math 'pag 'di mo na alam magsubtract ng improper fractions, at makakapalitan ng note book na may nakasulat na Joseph (Pinaka Sablay noong Gr. IV) loves Leona ("Halimaw sa Banga" ng klase).


Masarap mag aral sa Public School kasi mararanasan mo'ng tipikal na nararanasan ng ordinaryong batang pinoy: Mag-agawan ng upuan dahil kaunti lang yung na-provide ng DECS (DepEd na ngayon), mapingot, masigawan, hambalos ng walis, kurot, mabigwasan ng libro, at gawing stress ball ng lukring na teacher, pumuga sa likod ng room habang busy sa pakikipag-bonding session yung teacher mo sa kumare nyang teacher ng kabilang klase habang pinagkwekwentohan yung kagalit nilang teacher nang kabilang room.

Masarap magaral sa public school kasi naranasan ko sya. Lalo na kung doon ka nag-Elementary. Parang pagpapraktis lang ng sayaw tuwing Linggo ng Wika oh kapag may school program; Masarap na mahirap na masakit sa ulo, at itatawa mo nalang pag naalala mo.

 Parang pagpapraktis lang ng sayaw tuwing Linggo ng Wika oh kapag may school program; Masarap na mahirap na masakit sa ulo, at itatawa mo nalang pag naalala mo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

——————————————————————————————————

B.M.E.S. (Barasoain Memorial Elementary School)

Yung School namin na'to bukod sa tampulan ng panlilibak at stereotyping ng mga matapobreng discriminative sa mga public schools, eh nababalot din ng pang Holloween na kwento minsan. Tipong sementeryo raw dati at may mga nagpapakita at nagpaparamdam na kung ano lalo na doon sa gawing Grade One at Grade Four rooms na balot sa kasukalan. Hindi uso sa'kin ang kwentong momo pero may encounter din ako.


Bukod sa panahon pa ata nila Balagtas at Plaridel yung mga kwarto namin na puro matandang kahoy ang sahig at dingding at sinauna pa yung disenyo ng hagdan lalo na doon sa stage (lahat narenovate na ngayon), eh mapuno, masukal at madidilim din yung sulok-sulok ng Campus. Kaya siguro nauso yung momo rumors.


Ang naaalala ko lang, natatakot kaming mag C.R. na kami lang, lalo na yung dambuhalang C.R. sa likod ng Grade Five rooms (nademolish na ata ngayon) at yung tagong C.R. sa likod ng Grade 6 rooms kasi 'di ko sigurado kung sa momo nga oh sa takot na ma-Methane Gas Poisoning sa sobrang sulasok ng amoy ng C.R. na laging may iniiwang ebidensya sa krimen yung gumamit na kun'di lusaw eh lumulutang pa sa bowl. *flush*. =))


——————————————————————————————————

Ang mga sumusunod na eksena ay hango sa totoong buhay at kung isa ka man sa mga mababanggit dito na-barubal at na-baboy ang pangalan, nagka-kamali ka. hindi ikaw ang tinutukoy ko sa mga sinulat ko. hindi tayo naging mag-kaklase, kaya kalma lang! =))

Circa 1992-1998 (Ang Tanda ko na. Syet! =))

-JMDC =)


Batang 90's ka rin ba? Kwentong bata noong 90's EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon