GRADE FOUR (Pariwara moments)

203 11 7
                                    

GRADE FOUR (Pariwara moments. kung may isang School Year na pwedeng sunugin sa kalendaryo dahil wala kang natutunan, ito 'yon!)

 kung may isang School Year na pwedeng sunugin sa kalendaryo dahil wala kang natutunan, ito 'yon!)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Wala talaga kong matandaang makabuluhang bagay na nangyari noong Grade Four. Ang alam ko lang, ito yung Growth Gap Year ko. Stagnant ang buhay noong grade four. Walang matinong teachers at walang matinong Subjects. Yung room namin parang Headquarters ng mga Hapon nung World War II. 


Bukod sa lumang luma na eh napapaligiran ng kasukalan at patubig, katabi ng tambakan ng basura ng skul na Smokey Mountain 'pag umaga at playground ng mga batang malalakas ang immune system 'pag hapon. Minsan lang ako nag tangkang magbabad sa smokey mountain kasi hindi ka "in" pag 'di ka pa nakapag laro doon. 


Hahatakin ka ng mga kaklase mong sabik sa Amoeba at Salmonella. Doon nag tutumbling tumbling yung ibang grade four. parang isang sangay ng isla kasi yung helera ng rooms namin dahil nakalutang sa patubig. yung kay mam Tanjuangco yung pinaka dulo at yung sa kabilang dulo eh abandonandong room na balot sa agiw, tinambakan ng mga lumang silya, libro at kwadro, nakakandado, at tad-tad ng momo stories. sa dulo nun eh isang lihim na lagusan papunta sa likod ng grade six na minsan narin naming sinuong nila yambot. 


may isang makitid na patiyo lang na nag dudugtong sa isla ng rooms ng grade four patungo sa main road papuntang kabayanan. Isolated yung rooms namin. parang pag nag kasunog kami yung unang unang magiging casualties kasi kami yung pinaka malayo sa Gate ng skul na nasa pinaka bungad pa. 


Mabait din naman yung adviser namin, si Mrs. Santiago. Syempre kinumare rin sya ni nanay at na-immune sa pag-sugod nito tuwing may aberya. Parang noong may sumibol na bakat ng kuko sa pisngi ko bunga ng ka-abnormalan ni RA Yadao, sugod ang nanay. Eh tiyempong nandoon si Mrs. San Pedro, ang sadistang teacher ng grade four. 


"ay, maluko nga yan ah, akin na't ako nang papalo." eka nya kay mam Santiago habang iwinawisawas yung pang-kamot ng likod (na hugis kamay) na ginagawa nyang latigo 'pag nag paparusa na ng mga walang muwang na bata. ipinabukas ang mga palad ni yadao at naging piping saksi kami kung pano lumatay doon ang patpat ni Mrs. San Pedro "Pak!" .. "PAK!!"


Ngiwi na lang si Yadao sa sakit at derecho sa desk nya para mag mukmok. hindi ko sigurado kung may masamang karanasan si Mrs. San Pedro noong kabataan nya kaya ginagawa nyang insekto ang mga styudyante oh kung dahil din ba doon kaya mukhang T-Rex yung kabilang braso nya, pero ilang beses na rin akong nakalasap ng magic pang-kamot nya. 


Yung kay mam Mercurio dati eh classic na patpat lang talaga, pero yung kay mam San Pedro kakaiba, kasi literal na pangkamot na hugis kamay na may tatak pa atang "Made in Baguio". Tahimik ang klase 'pag sya na ang next subject. Tipong bentilador lang ang maingay. Home Economics. Natuto kaming gumawa ng table matt, door matt, uminom ng pain reliver, mag-dasal at ipanalanging mai-adya kami sa bangis ng kanyang pang-kamot. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Batang 90's ka rin ba? Kwentong bata noong 90's EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon