GRADE TWO (Dito ko napagtanto na wala ako ni ga-buning talent sa Math)

194 11 11
                                    

——————-  GRADE TWO (Dito ko napagtanto na wala ako ni ga-buning talent sa Math)  ——————- 


Noong inilibot kami ni Kris, yung kulot-kulot na Service Maintenance ng School, papunta sa mga rooms namin 'pag Grade Two na kami, saka lang namin naisip na magkakahiwa-hiwalay kami ng abnoy na si Gruta at ng nognog na si Mark. Malungkot pero 'di pa naman uso txt noon kaya swerte na lang kung magkikita kita pa kami sa school oh kung magkakaklase pa rin kami sa susunod na taon oh kung san na mapapadpad pagkatapos.

Pagdating ng Grade Two, mas naging active si Nanay na dumalaw dalaw sa school. kinuMare nya yung matandang adviser namin, si Mrs. Rosa Rosita Rosales (Hinde ko alam kung joke time lang yun ng parents nya na pangalanan sya ng ganun kasi over kill sa floral design oh talaga lang uso yung name killing nung 30's). 'Di ko alam kung dahil doon kaya may special treatment sya sa'kin tuwing binubully ako ng bungal pa noong si Mickey (Michael Joseph S) oh ng katsokarats ni Kewell na si Jeff S. Oh kapag pinatatakas nya ko sa paglilinis pag cleaners ang row namin dahil tinangay ko hanggang grade two ang pagiging sakitin. Oh talaga lang mukha akong bugbuging batang kaawawa noon kaya laging sa'kin yung simpatya ng teachers.


Noong Grade Two ko natutunan na may mga nilalang pala na kahit grade two palang eh magulang na, user friendly, at tipong mapang lamang sa kapwa. Nakilala ko si Kewell (kung ikaw man 'to, at nababasa mo 'to ngayon, nagkakamali ka! 'Di ikaw to.. kapangalan mo lang! =))


 Kung paano ko sya naging kaibigan? Hindi ko rin alam. Ang alam ko, 'pag bata ka, kung sino yung una mong makatabi sa Seat Plan, wala kang choice kundi kaibiganin sya. All i know eh binibwusit na namin sila krisanda S. at Camille A. oh ni Mellissa Y. ('Di ko na maalala) sa kabilang desk at nag papahabol sa kanila tuwing recess. Nagtatago sa rebulto ni Francisco Balagtas sa harap ng grade one rooms at kinakawawa ng mga amasonang kaklase 'pag nahuli. 


Sanggang dikit kami noon. Magkasamang ginugulpi ng damulag na si Allan (na may buhok na sa kili-kili eh grade two pa rin) kapag sinusumbong sa kanya ng kasing damulag nyang kapatid na si Sherryll.


Magkasamang naglalaro ng Thumb Tucks. Itinutuwad yung thumb tucks sa sahig at patagalang paikutin ('Di ko maimagine kung gaano lang kasimple ng mga libangan dati). Mag kasamang nag ca-cardiac arrest 'pag nadadagan ng mga kaklase sa Wrestling pag walang teacher. 

Walang laban ang sapaw attitude ni Gruta kay kewell

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Walang laban ang sapaw attitude ni Gruta kay kewell. Nakuw! Sisiw si Gruta sa Narcicistic skills ni kewell! Kung alam mong mag paikot ng thumb tucks, wala ka kay kewell kasi kuya raw nya nag pauso noon sa mundo. kung may bentilador sa bahay nyo, naku! Wala ka kay kewell kasi ultimo daw banyo nila may ceiling fan. Kung pwede lang awardan ng plake na "ako ang magaling at ako ang sikat",  siguro mas naging fulfilling yung Grade Two nya. Ampait ng kabataan ko. Lol. 


Kung 'di ako nag kakamali mga P12 or P10 lang ata baon ko noong Grade Two. Mura pa cost of living noon. Piso lang pamasahe ko sa jeep noon kasi malapit lang yung bahay namin dati. Kasabay ko pa si Jervie S. na nag lalakad hanggang kanto ng Mojon makapili lang ng maluwag na karatig Jeep para masakyan. Gusto lagi namin sa harap para tipong fieldtrip lang ang dating. P3 lang ang sopas sa canteen sa tabi ng opis. at P9 lang ang tanghalian. 


Uso pa noon yung pisong samalamig na nilalagay sa plastic ng yelo at punong puno ng food color pati na ng maliliit na sago na ginagamit pang sumpit pag inaasar ka ng kaklase mo. kendi na tatlo piso (minsan nga apat pa). Bubble gum na bilog-bilog at ibat ibang kulay (yung pula ang best seller) na parati kong binibili kina mang Jerry na apat pa piso. Intermediate pad na anim piso, art paper na P.75 isa at Totserol na binibigay 'pag wala ng panukli..lahat tinda ng adviser namin sa classroom (pero syempre discreet lang, tsaka 'di pa nila naiisip na mas patok itinda ang tocino at longganisa ng mga panahon na'to. lol.)


At dahil simple pa pamumuhay noon, yung baon ko, 'di ko na halos nagagastos. nilalagay ko sa panyo at isinisilid sa magkabilang bulsa na tenga ng backpack ko na may nakadrowing na Dinosour. 'Di ko napansin na napuno ko na pala sya, kaya pala 'di na masyadong makalansing pag naglalakad at tipong bumigat lalo. 


Malalaki pa ang barya dati. yung piso, tipong pwede mong gamiting pang bakat pag magdodrowing kayo ng Earth sa Science subjects, at Octagon pa yung Dos (Dalawang Piso) noon. Nauso rin yung bilog na Dos nung grade six pero mas classic yung Octagon. Hindi ko na matandaan kung ano binili ko sa naipon ko or kung nakulimbat ni kewell yung iba (again, kung ikaw man si kewell, di ikaw yung tinutukoy ko, guni-guni mo lang. =)) bilang may pagka malikot nga yung kamay nya pero parang mas madali makaipon noon kesa ngayon. 

Hindi ko alam kung kasagsagan lang noon ng WWF kaya war freak mga kaklase ko tuwing recess, or idol lang talaga nila si Undertaker at Yokozuna kaya isinasabuhay nila 'pag may nakikitang ka-rambulan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ko alam kung kasagsagan lang noon ng WWF kaya war freak mga kaklase ko tuwing recess, or idol lang talaga nila si Undertaker at Yokozuna kaya isinasabuhay nila 'pag may nakikitang ka-rambulan. Pinaka sikat sila Jericho r, Patrick l, Rodolfo G, at Jacquez pagdating sa shooting ng WWF. dapat knock out kung knock out! Tapos nagdadaganan sa tabi ng teacher's table. walang aangat hanggat hindi nagkukulay violet yung sinawimpalad na mapunta sa ilalim, oh kundi pa mahampas ng patpat ni Mrs. Barredo na terror adviser ng kabilang klase.

Naalala ko yung kauna-unahan kong award sa buhay styudyante ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naalala ko yung kauna-unahan kong award sa buhay styudyante ko. Lunes noon. kasabay ng Flag Ceremony ang Recognition Day at pag gagawad ng ribbon sa mga batang naging masunurin at bumili ng totserol sa teacher nila. tinangay ko sa school si nanay. Proud mag sabit ng ribbon. Ang hirap kaya maging....Best in Religion!. 


Kamoteng yan! wala kasing recognition para sa mga Academic Subjects sa skul namin. Pero yung mga misyonerang madre mula sa Cathedral na nag tuturo sa'min ng Religion tuwing miyerkoles eh nag bigay ng gawad pagkilala sa mga bulilit na nagpasiklab ng galing sa Katolisismo. 


Hindi ko alam kung bakit active ako 'pag nag tatanong na kung sino parents ni mama Mary or kung paano irecite ang "Our Father", pero siguro wala pa rin akong niga-buning interes sa Academics noon.


 Nawala ko na yung maliit na Sto.Nino na isinabit sa'kin sa stage noong mga panahon na yun. Sayang! Pang Bragging Rights ko pa naman sana na may nabitin sa iskaparate naming batang  "Best in Religion"  noong Grade Two! Lol

Batang 90's ka rin ba? Kwentong bata noong 90's EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon