#1

7 0 0
                                    

🚫WARNING!! TYPOGRAMMATICAL ERRORS AHEAD!!🚫🚫

—Hello Kitty

"Oh my goddd, si Marcleo Campo yan diba?! "

"T-tas tingnan mo n-ngayon .  .   . "

"Balita ko girl, na-bankrupt yung negosyo ng magulang nya!!"

"G-grabe!! K-kaya pala sya ngayon nakasuot ng Hello Kitty na bag !!! "

"Uyy pre!! Pinagkakaguluhan yan diba ng mga babae?? Tingnan mo, g*go!! Kahihiyan!! HAHAHA!!" natatawang sabi ng mga lalaking nadadaanan nya.

"G*goo!! Yan diba yung umagaw sa ex mo!!! HAHAHA!! T*ngina, tingnan mo ngayon!!! HAHAHA, mahirap na!!"

"Ohhh myyyy!! Si Marcleooo!! Anyareee?! Ba't parang humirap sya ngayon??"

"No choice ata bes sa susuotin na bag!! Balita ko mahirap na sila ngayon!!"

Mga rinig na rinig na chismis at bulungan ang nayayanig habang naglalakad ng mag-isa ang tinaguriang School Heartthrob ng pinaka-famous na paaralang Omega High. Marcleo Campo, ang pangalan ng matipuno, mayaman, at gwapong lalaki na palagi nilang hinahangaan noon.

Ang tanong, paano na nga ba ngayon?? At bakit noon lang??

"Oh my gosshhh, HELLO KITTY !! HAHAHAHA!!"  natatawang sumbat rin ng iba habang hiyang-hiya itong lumalakad sa hallway ng paaralan nila.

Napupuno ang buong paaralan ng mga chismis tungkol dito. Samantala ang binata naman ay tila nahihiya na rin ,sa kadahilanang magiging public dirt daw ito sa lahat ng mga social media accounts.

Napakuyom na lamang ang binata sa naisip na epekto sa kakahiyang ginawa niya.

"Uyyy, Cleo!! Ano na ang nangyarii!?? HAHAHA, dapat humiram ka na lang sakin ng bag!! Ayy!! Ginagamit ko pala !! Sa pinsan ko na lang!! Superman pa kesa naman sa Hello Kitty!!! HAHAHAHA!!" natatawang insulto nito sa kanya, na sinundan rin ng mga tawa sa paligid.

At dahil na rin dito ay di nya napigilan ang galit na nakalukob sa dibdib nya. Kaya napamura na lamang ito sabay tingin ng masama sa nagsalita nito.

Napahinga ng malalim ang binata nang makaabot na sya sa comfort room ng mga lalaki.

'Sa wakas, na-overcome ko!!'

Hinuha nito sabay pasok sa cr , ngunit sakto pa lang ng pagpasok nito ay sinalubong na sya ng katatawanan.

"HAHHAHAHA!!! T*NGINA, EPIC MO MARCLEOO!!!! HAHAHAHAHA!!!  "  nakakabinging tawa at tila pang-iinsulto  ng isang babaeng naka-eye glasses at jinky na pagkakatali ng buhok.

"Sheeettt ka!! Emara Klea nga sabi!! "

"T*ngina ,oo na!! Natapos mo na yung dare na Hello Kitty!!"

"Uyyy, girlll!!! Si fafa Raph—i mean yung kuya mo!! Akin na!!"

ONE-SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon