#10

3 0 0
                                    

Misfortune
▪️◾◼️◼️◾▪️

"Pssttt, pstt, nagugutom na kayo diba?? "  Sitsit ng isang matabang lalaking pinalilibutan ng mga nagniningning na mga alahas, at dahil dito'y masasabi nating ,ang lalaking ito ay ang may-ari ng isang mamahaling restaurant .

Umagang-umaga pa lang ay agad rin nakuha  ang buong atensyon ng mga palaboy-laboy o mas tinatawag na pulubi na nakakalat sa gilid ng kanilang  mala-nagniningning na restaurant ,na kilala rin bilang 'Crystalline's Restaurant'.

Kaya nang sitsitan sila nito'y  ,kaagad naman silang tumayo at lumapit ng mabilisan sa may-ari .

"Shh---ay , nakuuu naman!!!! Wait--ang sobrang lapit nyo!! Lumayo- layo naman kayo!" Tarantang wika nito sabay senyas na alis habang ito'y tila nandidiri.

Medyo umabante naman ang mga ito , at nilahad ang kani-kanilang kamay na tila humihingi ng pasensya at awa galing sa may-ari. Kaya dahil rito ay, napangiti nang malawak ang may-ari sabay pasok sa kanyang sariling restaurant.

Susunod na rin sana ang mga ito, ng harangan sila ng guard . Puno ng pagsisisi ang lahat na nasa labas , at ang iba naman ay napa-upo na lamang sa kagipitan .

Kaya nung lumipas na ang labing-dalwang minuto ay sa wakas , nagmamartsa ang may-ari, kasama ang mga tauhan nito na may dala dalang mesa at isang banner na naging dahilan ng kalituhan ng mga palaboy-laboy.

Saka na lamang nila nalaman ang punto ng may-ari nang naayos na ng mga tauhan nito ang dala dala nilang mesa at banner na may nakasulat na  'LibRe pAgkaiN pAra Sa mGa PuLubi'.

"Pumila lang kayo, at makukuha nyo na ang masasarap na inihain naming pagkain . But before that, maghintay muna kayo kasi kukunin muna namin yun 'kay??"   Matamis na sambit ng may-ari at dire-diretso itong pumasok sa loob , sumunod rin sa kanya ang kanyang mga alipores na naka-apron at naka-mask.

"Itay, makakakain na tayo ng disenteng pagkain! "  Ani ng maliit na batang pulubi sa kanyang itay na tanging masayang ngiti at mahinhing tapik  lamang sa ulo ng anak ang tugon.

"Toni, maghanap ka ng plastik ! Baka may maitira pa tayo." Ani naman ng buntis sa kanyang maligayang asawa.

Mga positibong at masasayang tugon ang maririnig sa mga ito. At dahil maagang-maaga pa ay ,at di pa open ang restaurant nito ay wala pang masyadong tao ang nalilito sa kanila.

*TING , TING (Tunog kaserola,hihihihi) *

"AYAN NA TONI,DANNY, DALIII!!" masayang sigaw ng buntis sa asawa at kapatid habang dali-dali itong pumila sa harap ng mesa.

Mabilis naman na sumunod ang iba dahil sa pagkatakam nito at pagnanais na makatikim nito. Di naman makubli ng may-ari ang mga ngiti nito habang nakatingin sa mga pulubing dali daling pumipila.  Yung mga alipores naman ng may-ari ang may hawak ng medyong malaking kaserola na may lamang ulam.

"Ayan na! Ayan na!!" Maligayang wika naman ng mga bata na tila hindi na rin maitago ang sayang nasa mga puso nila.

Nauna naman sa lahat ang batang halatang kanina pa nagnanais na makatikim nito. At ang amoy nito na parang pabango sa kani-kanilang mga ilong na tiyak na nagpapaadik at nagpapakalam ng kanilang mga sikmura . Nanguna rin sa harap nila ang may-ari at nasa likod nito ang kanyang mga alipores.

"Itay, ako una hehehe, ako una, hahaha!!!!" Masayang ulit nito sabay lingon nito sa likod ,sa kanyang itay .

*BLAG, BLAG, BLAGGGG*

"ARAYYYYY,ITAY NAIIPI------" naputol ito nang....

*BLAGGSZZHHH*

"P*TANGINAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!! SH****TTTTTTT!!!!!! G*GOOOOOOOOOOO!!!!!!!!! T*NGINA NYOOOOOOO!!!!" Galit na galit na sigaw ng may-ari nang natapon ang laman ng kaserola sa apron at sa mamahaling branded na damit nito.

ONE-SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon