#3

3 0 0
                                    

🚫WARNING!!! TYPOGRAMMATICAL ERRORS AHEAD!!!🚫

—Her Long Lost Someone

"Hey officer !! You must find my daughter before anything else. Or else .  .  .   or elseee, you'll be fired!! Dadating rito ang asawa ko maya-maya!! Sundalo yun! " nakakabinging matinis na sigaw ang umalingawngaw sa buong silid ng Police Station.

"Ma'am , kumalma muna kayo. Hindi pa po namin matetrace ang anak nyo kung wala kaming mga impormasyon patungkol sa pagkawala nito."  pormal na wika naman ng police officer habang tila kinakalikot ang mga papeles or mga papers na nasa mesa.

"Mga iresponsable!!! Mga police ba kayo?? O baka naman mga duwag lang, ha?? Tss, tatawagan ko ang pinaka-head nyo, para i-alis ka sa pwesto mong yan!!"  naiiritang tugon naman ng isang babaeng tila nasa middle 30's pa lamang, mala-porselana ang kutis, medyo sopistikada kung titignan, at nakasuot ng mga elegante at nagnining-ning na mga alahas na nakapalibot sa hubog nitong katawan.

Tumaas lang ang isang kilay nung police officer sa narinig. At bakas rin sa mukha nito , ang labis na pagkairita.

"Teka, Ma'am .  .  .  . Hahanapin na lang po namin ito ulit!! Tsaka pag may impormasyon na kami, ay irereport na lang po namin sa inyo. " tila naninigurado nitong sambit kasabay rin nito ang sunod sunod nitong pagtango.

"Tsss.  .  . Siguraduhin nyo lang!! Baka ako pa ang mag-fired sa inyo!!" tila mayabang nitong sambit  sabay hawak pa sa beywang .

"Officer, yung anak po ni lola ningning na lalaki  .  .  . Yung limang taon na pong nawawala. Matagal na rin po ditong naghihintay si lola.  Tulungan nyo naman ho sya."  biglaang sulpot naman ng isang babaeng dalagita na disenteng tingnan, habang akay akay nito ang isang matandang ,puti na ang buhok dahil of course sa katandaan ,may dala rin itong sanga ng kahoy ,at tila buto't balat na lamang itong nakasuot ng gusot at punit punit na maruming damit.

Bakas rin sa mukha nito  ang  paghingi ng tulong  sa paghahanap sa matagal ng nawawalang anak . 

"Nagugutom ho ba kayo??" tanong ulit ng dalagita sa matanda , ngunit sa halip na tumango ito ay inilayo nya na lamang ang kanyang mukha na para bang senyales ng ayaw.

"A-anak , m-mahal kita. Anak, m-mahal k-kita." paulit-ulit na wika nito .

"Tss. . . " tila nandidiri namang tugon ng babaeng mayabang — or should i say mayamaan~~

"Miss, nandito ka na naman?? Ilang beses ko na bang sinabi sayo na hindi na mahahanap yang anak nya. Tsaka umalis na kayo rito, may gagawin pa kami."  tila napupuno nitong sambit sabay titig ng mariin sa dalagita na sa ngayo'y pilit pa ring tinutulangan ang matanda.

"Ana.. k m-mahal k-kita." paulit-ulit na wika nito.

"Pero po, matagal nang naghihintay dito si lola, ilang years na!!! Tingnan nyo, buto't balat na lamang. Nakakaawa naman, at natitiis nyo pa bang tingnan lamang sya sa labas sa lagay na ito???" naaawa nitong katwiran habang akay-akay pa rin ang naghihinang matanda.

"Excuse , Miss!! How dare you to just ignore my case!!! I have my daughter kidnapped, and yet . . You imply that you must find that stupid son of hers before me?!?! " nangangalaiti namang wika nito sabay nandidiring duro sa dalaga at sa matandang akay akay nito.

" P-pero si lola, matagal na sya dito. . . " naawang tugon naman ng dalaga  sabay tango.

"Tss. . . And the hell I care  with her!! She's not my business anymore!! Mga mahihirap lang naman kayo ,walang pera para bayadan tong mga officers!! Tapos ganyan pa kayo makaasta!! Tss, kahuli-hulihan kayo kesa sa akin!! Mas mataas ako sa inyo, nasa putik pa kayo, haha!! Magkaiba ang estado natin , so back off !!" tila nanmamaliit nitong pahayag sabay tingin sa dalaga't ,matanda ng nagmamataas na tingin.

" S-so, porke... Mahirap kami o si lola, ibig sabihin nun..di namin, deserve ng katarungan?? Hustiya ??"  tanong naman ng dalagita na lalong ikinainis ng babaeng mayaman.

"Yes, kasi we're completely different. Baka dahil sa kabobohan nyo, akala nyo lang na kinidnapped yang anak nyo.. tss, hindi nyo lang alam . . . Baka nagbibisyo lang yan, nagpakalayo, o di kaya'y kriminal!!!  Omgg!!! Delikado, haha!!" sarkastikong, at tila pang-aapi naman ng babae sa dalagita .

"M-ma'am , wag naman po kayong g-ganyan. . . Baka nawala talaga, hindi nati——"  naputol ang sasabihin ng dalaga ng muling sumabat ito.

"Ganyan?! Tss, hay hay hay. . . Di nyo lang alam ang buhay! Alam nyo bang marami na ang naging kaso ng pagpatay, pagnanakaw, drugs, at pagkikidnapped?? And most of them ay tanging mahihirap lamang ang nakakagawa. Dahil gusto nilang yumaman, in other words ..nang dahil sa kahirapan , ay gusto rin nilang matikman ang pagiging mayaman." pagmamalaki nito sabay flip pa ng buhok.

"Hindi naman lahat ganun, Ma'am. Hindi pa rin natin ala—" pagpuputol na naman ng babae sabay lapit sa dalagita.

"Yan ang rason nyong mga mahihirap!! Haha!! Mga kriminal!! Officer palayasin nyo nga ang mga pesteng ito, sagabal lang yan sa trabaho nyo bilang pulis!! Pati na rin yung mabahong matandang yan!! Tss" naiiritag sumbat naman ng babaeng mayaman sa police officer, at tanging tango lang ang tugon nito. . . Which means——

"O-officer, tulungan nyo naman po si lola!! Paki-usap pooo!!!" nagmamakaawang wika naman ng dalagita ngunit tila wala itong naririnig.

"Tss, alis!! Mga kriminal!!"

Marahang tumayo ang officer ,ngunit tila hindi nagpatinag ang matanda.

"HINDI KRIMINAL ANAK KO!!! M-MA...BUTI ANAK!!! KO!!" tila nagagalit nitong sigaw sa babaeng mayaman , at dahil dito..hindi na  matiis ng matanda na palu-paluin ng maliit na sanga ng punong-kahoy ang babaeng punong-puno ng yabang.

Tila may malay rin ito at naiintindihan pa ang mga sinasabi sa paligid, ngunit utal utal pa rin ito .
Sunod sunod na mahinang palo ang natanggap nito sa ngayon , at sigaw ng sigaw lamang ito. Kaya agad ring naalarma ang police officer at ang dalagita naman ay nagpupumilit rin na tumigil na.

"MABAIT ANAK KO!!!"

"MABAIT ANAK KO!!"

"ARAAAYYY!!! OFFICER, TIGILAN MO NGA YANG MATANDANG YAN!!! ARAAAYYY!!!" tila nasasaktan nitong wika habang nakataas ang kamay para maprotektahan ang sarili.

"LOLA, HUMINAHON PO KAYOO!!" suway naman ng dalagita ngunit ang matanda nama'y di nagpatinag.

"Honey, nasa bahay na si Claudine pero what's happe——"  tila tumigil ang lahat ng narinig nila ang isang malalim at manly na boses sa kanilang likuran.

At parang tumigil rin ang kani-kaniyang mundo sa nakita at tila narinig. Isa itong lalaking nasa middle 40's na, pero nananatili pa rin dito ang kagwapuhan at ang tila katisoyan nito, napakalinis rin ang pagkagupit nito . Nakasuot rin ito ng casual clothes, at may magandang katawan na halatang-halata ang magandang katawan nito.

"Ohh, honeyyy!! Helppp mee, these monsters are currently abusing me!!! Oh my gosshhh, baka ma-injured pa ako!!" Interruption ng babaeng mayaman sabay arteng nasasaktan.

"D-di masama a-anak ko!!" patuloy pa ring wika ng matanda sabay nanlalasik na tinignan ang babaeng na ngayo'y nagiinarte pa.

"I-inaaa . . . " naluluhang sambit nito sabay yakap sa matanda na mas ikinagulat ng lahat sa silid ng police station.

ONE-SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon