#7

2 0 0
                                    

Death Trick-or- Death Treat

Biyernes ngayon at ito rin ay ang pinaka-espesyal na araw since ito ay araw ng mga patay. And of course madami na namang magpapatalbugan sa kanilang make-up ,as well as sa kanilang mga costume designs.

Pagsapit ng gabi, ay madami kang makikitang mga bata ,binata, at mga dalagitang naka-ready na para manakot at magtrick-or-treat.

And of course, isa na ko dun ..na ngayo'y ,nakasuot na ng mahabang puting bistida at makapal na make-up. Niready ko rin ang aking mahabang itim na buhok ,para gamitin sa pananakot mamaya. Niready ko rin ,of course ,yung basket na lalagyan ng mga sweets ,mamaya rin kapag magtrick-or-treat kami.

Sumapit na ang alas sais kaya, diretso kaming pumunta sa sementeryo para manakot muna and of course i-display tong panggrand final na make-up at costume .

On the way na kami dun, and marami rin kaming mga nakakasalubong na mga bata  na nakamaskara at nakamake-up na. At dahil uso rin samin ang trick-or-treat, ay marami samin ang nagdadala na ngayon ng maliit na basket with pa-scary design pa.

"Waaaaaahhhhh!!!!"   pambungad na pananakot  ng batang nakamaskara sa mga dumadaan sa pinaka-entrance ng sementeryo.

"Lexi, tara na!!! Trick-or-Treat na tayo!!!"  rinig kong tawag sa akin ng kaibigan ko .

"Waiiitt, papunta na ko dyan!!" agad ko namang sagot at dali daling pumunta sa kanya.

Pagkatapos magpatalbugan ng mga make-up at costume sa sementeryo ay, iba na naman ang naging trip namin.

"Lexi!!! Sabi daw nina Sam , may bagong lipat daw rito!! Mayamaaann, bahay daw nila yung malaking abandonadong mansyon ,dun sa pinakadulo ng baranggay naten."  excited nitong pahayag sabay hila sakin.

Whuuttt?! Gabi na atsaka nasa dulo pa yun. Tas ang creepy kaya nung mansyon na yun, kahit pangmayaman kung matagal nang nandyan ay..malamang tinitirhan na yan ng engkanto.

"Uyyyy, nakakatakott!!! Ayaw koooo!!!" pagpupumiglas ko dito.

"Nu ba!!! Killjoy ka naman ihh!!! Di yan, you knowww ..malay mo hindi na lang sweets ang ibigay sa tin hihihi baka moneeeeeeyyyy na yannnnn!!!" pagpupumilit nito sa kin sabay hila ulet.

Pero may point sya hihihi, mayaman daw nakatira dun eh. So why not?? Baka mamaya'y isang libo na yung ibigay samin hehehe. Pwede na yan ,idagdag sa alkansya ko.

"May point ka, so why not??"  tila nababaliw kong sambit sabay hila naman sa kanyang kamay.

Matapos ang ilang minuto ay, hindi pa rin namin ito nahahanap . Ni anino nito'y, ka'y hirap hanapin.

"Lexi, juskooo...ang hirappp!!! Kanina pa tayo rito naghahanap pero wala pa rin!!" nanlulumong sambit ni Harley habang pawisan kaming naghahanap dito.

Dahil sa ilang minutong lumipas  sa paghahanap, ay sumuko na lamang kami rito. Malayo na rin ang nailakad namin at wala na nga kaming matantong mga bahay sa kakalakad. Parang natatanggal na rin ang mga make-up namin, dahil sa mga pawis na tumatagaktak sa buong mukha namin. Sayang sayang lang rin. At habang naglalakad pabalik ay tila may natanto kaming isang malaking mansyon, pero sobrang layo nito at sobrang malayo rin ito sa mga bahay.

"ITO YUNG HINAHANAP NATIN KANINA!!!!"
masayang sigaw ni Harley sabay hila sakin papunta dun.

Dali dali kaming pumaroon . At dahil hindi nakasara ang gate nito ay agad kami ritong nakapasok.

*TOK. TOK. TOK*

Sunod sunod na katok ni Harley sa mala higanteng pintuan habang nag-aayos ito, and of course ako rin.

Ang haggard na kasi ng fezlak ko, pero of course dinodouble check ko rin yung make-up ko kung katakot takot pa.

*TOK. TOK. TOK*

Patuloy pa ring katok ni Harley dito. Pero habang kumakatok ito ay ,tila mayroon akong naririnig na something weird...sa loob.

I mean--- parang palo or something. At dahil roon ay di ko mapigilang ilapit ang aking tenga sa mala higanteng pinto nasa harap namin.

*TOK. TOK. TOK*
.
.
.
*CHOP.CHOP. CHOP*
.
.
.
*TOK. TOK. TOK*
.
.
.
*CHOP. CHOP.CHOP*
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Anong sadya nyo mga iha??"  halos akong mapatalon sa nagsalita...

"WAAAAAHHHHHH!!!" panakot na sigaw ni Harley ngunit tila ang babaeng bumungad sa aming harapan ay walang emosyon.

May katandaran na ito, medyo puti ang buhok, at kung ngumiti ayy.....somewhat creepy!! At nakasuot rin sya ng gloves, apron na may... Waittt !!!

"Mukhang sa akin pa talaga natakot yang kasama mo."  natatawang wika nito sabay lingon sa akin.

Parang sya yung nasa granny na mobile game,kung tutuusin.

"TRICK-OR-TREAT!!!"  sigaw naman ulet ni Harley sabay tingin sa akin ng masama.

Haysstt, eh nakakatakot eh.

"Ahh, okay trick-or-treat pala!! Hehehe, kakatapos ko palang kasi magchop ng  karne." mahinang saad nito sabay itinabi ang malaking kutsilyong nakatago kanina sa kanyang likuran.

Nandidiri kasi ako rito kaya iniwas ko na lamang ang aking tingin. Pero i sigh as a relief na lang kasi butcher pala ang trabaho nya. And dahil inilapag nya lamang ang kutsilyong hawak nya ay ,safe naman kami rito.

"Mga iha, may trick na lang ako sa inyo!!"  usal ulit nito sabay tingin sa ming dalawa.

Nagkalapat naman ang aming mata ni Harley with confusion. Trick?? Walang treat??

"Sige mga iha, ito na lang..pagmalaman nyo ang trick o maguess nyo ito ay may treat kayo. Pag hindi ,pag malunod kayo sa trick na ito ay wala na." masayang saad nito sabay tapik sa ulo naming dalwa.

Tumingin naman ulit sakin si Harley, kung tatanggapin ba daw namin ang alok. I slowly nodded as a sign of agreement sa matanda .

Malay mo ,madaming chocolates ang ibigay ! Based pa lang sa pananalita ay mukhang may maibibigay talaga.

"Sige ho, tatanggapin ho namin . " magalang na tugon ni Harley sa matanda.

"Tumingin kayo rito sa kutsilyong ito ng ilang segundo, at dapat mahula nyo kung anong trick ito."  wika nito sabay duro sa malaking kutsilyong inilagay nya malapit sa higanteng pinto.

Ginawa na lang namin ito pero nacoconfuse pa rin ako sa mga pangyayari. Anong ibig sabihin nito?? Wala naman akong ketaas taas na IQ para mahulaan kung ano ito.

*TIK. TOK. TIK. TOK*

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Uhmmmpppppp..." tsskk, nadiDISTRACT ako sa sound na yan ha.

Di ko pa nga nahuhulaan to, tas ididistract pa ko ng tunog na yan.Walang galang ah.

.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Tapos na ang segundong binigay ko senyo."  gulantang wika ng matanda pero bago pa ko lumingon rito ay agad ako nitong hinila at marahas nitong tinakpan ang bibig ko.

Nanlalaki kong tinignan si Harley na ngayo'y walang malay na.  Tinignan ko naman ang gate para makatakas ngunit tila pinangunahan ako ng takottt, sobrang takott nang may natanto akong lalaki loob, gitna ng saradong gate.

"Guard ko sya at wala na kayong takas!!!! HAHAHAHA!!!!" halakhak nito , nagaasam pa sana ako na makatakas kaso....

Tila nawawalan na rin ako ng lakas para tumakas pa. At tuluyang binalot ng dilim ang aking mga paningin.

ONE-SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon