Chapter 1: first day of school

124 2 0
                                    

Alam ko na mapagbiro Ang tadhana palagi ko kasi yang naririnig sa telebisyon o sa mismong taong kausap ko.

Pero....

Hindi ko naisip na.....

Napakamapagbiro talaga Ng tadhana...

Kung Alam ko Lang...Kung Alam ko Lang Sana.

.. .. .. .. .. .. ..

Pero pangako ko sayo na...

Magiging masaya ako.

******************************

Melai's POV

Senior high school life.

Eto na self. Mag aaral ka ulit. Maboboring. Mabobobo. Mahihirapan. Magkakaroon Ng puting buhok. Papagalitan ng teacher. Magsasalita sa harap ng mga kaklase. Kakabahan.  Bibili Ng mga gamit sa school. Uutusan Ng mga Hari. Uupo sa loob Ng mahabang oras para manood at makinig Ng orientation. At higit sa lahat Ang walang katapusang paglilista  ng mga  crush na never crinushback. Tsss.

Hindi na ako nagtataka Kung bakit Hindi man Lang ako nagugustuhan Ng nagiging crush ko. Una kasi ay dahil Hindi nila Alam na crush ko sila. Pangalawa masyadong imposible na icrushback ako kasi kadalasan ay artista o Kaya ay miyembro Ng K-pop. At Ang huli....ay dahil Hindi nila ako type. Tsss (ulit:>)

Nasa tapat ako ngayon Ng gate sa kabilang kalsada. Ibig sabihin ay tatawid pa ako para Lang makapasok Ng gate.

Maraming estudyante. Babae. Lalaki. Bakla. Tomboy?????Ewan ko Lang baka Hindi pa halata.

Karaniwang  nakikita ko ay may nakalagay  na liptint o Kaya ay blush on o anumang kolorete sa mukha. Karaniwang pa sa mga estudyanteng nakita ko na may design sa mukha ay Ang mga junior high school. Dinaig nyo pa ako ah.

Tsss (paki ko sa inyo -,-)

Nakatingin pa din ako sa gate at nagsisipasukang mga estudyante. Maaga pa ko sa alas syete na syang umpisa Ng klase namin.

6:26 pa Lang. May kalahating oras pa ako para mag Muni Muni  sa paligid.

Ang totoo Nyan dito na ako dati nag aaral noong Junior high school ako. Nakapagtapos ako Ng with high  honors at mga best in subject noong moving up. Wellllll . Pero Hindi ako Yung tipo Ng Tao na Gaya Ng iniisip nyo. Masipag Lang talaga akong pumasok at mag aral.

Ang bago Lang ngayon ay Ang bagong gawang building sa loob Ng school. Sadyang ipinagsiksikan Yun Ng Kung Sino mang hinayupak na nangangasiwa Ng school.

Nasa apat na hektarya Ang lupa Ng school. Ibig sabihin Lang ay talagang malaki. Ang Hindi ko Lang maintindihan ay Kung bakit puro building na to the point na kailangan pang putulin Yung Ibang puno. Pero over all maganda Ang school na toh.

Yung canteen naman. Malalawak din. Pinag samang dalawang classroom tapos may apat na canteen na nakapalibot sa buong school. Nagbebenta Ng junk foods , drinks,at marami pang iba at Hindi mawawala dyan Ang makasaysayang 'kwekdog' na piso Isa pero Ang laman ay kapirasong hotdog na binalutan Ng napakakapal na coating at Ang Suka at sauce nila na pwde nang pag tiyagaan.

May isang library na Hindi ganoon kalawak pero masasabi Kong ayos naman kasi bihira akong magbasa Doon

'mas gugustuhin ko pang magbasa Ng wattpad or comic books kesa Doon hahahahah'

Patuloy pa din Ang pagpasok Ng mga estudyanteng excited Lang naman pumasok kapag mga unang buwan pero tatamarin na Rin kalaunan at Ang Iba ay nagka cutting classes pa.

If I Only Knew...Where stories live. Discover now