Chapter 22: Love

10 0 0
                                    

Ian Jay's POV

Kung iisipin .. maraming kailangan na isaalang alang sa pakikipagrelasyon Gaya na Lang  Ng....

"Sasabihin ba natin sa mga kaklase natin o Hindi? Tanong ni aira habang kumakain kami nung nakaraan linggo.

Sasabihin nga ba?? Kaya Lang Kasi . Pag sinabi namin.... Baka paghiwalayin Kami Ng section. Bawal Kasi dito sa school Yung ganun eh.

"Siguro sabihin na Lang natin sa mga kaclose natin Gaya ni Aaron... Ganun din sayo" nag aalangang Kong sinabi.

" Ahhh sige" sagot nya.

Ang ganap tuloy ay kapag nasa room kami .. casual Lang Ang pag uusap namin.  Nothing more .. nothing less.

Pero sinabi ko na sa mga kaibigan ko sa basketball team pati sa parents ko.

Kaya naman siguro naming itago Yung ganto eh. Kapag college na siguro pwede Ng malaman Ng iba. Malapit naman na eh. Isang buwan na Lang bakasyon na.  Parang nung isang araw Lang nung sinagot ako ni Melaira tapos ngayon nakaisang linggo na kami.

At sa lumipas na mga araw na iyon.... Masasabi ko na sobrang swerte ko Kay melai. Napakamapagmahal nya Kasi at... Korni.  Pero nakakatawa hahahha.

Sabi nila kapag nasa isang relasyon na saka nila makikita Yung ugali nung karelasyon nila ..wag naman Sana.

Tug! Tug! Tug! Tug!

Kalampag Yan sa table.

Grabe makakalampag Ng teachers table hahahha Parang sa kanila eh.

"Okay arroyo...dahil isang buwan na Lang magbabakasayon na---" si Mia Yan.

" Aaaaaaaa"

" Huhuhuhuhu" iyak iyak Ng mga kaklase Kong masaya naman talaga dahil malapit Ng magbaksyon.

" Yes!hahahha" Yung Iba naman na Hindi natago Yung excitement nila.

"Putang*na Hindi pa tapos magsalita si Mia nag iingay na naman kayo" galit na Sabi ni Rico

HAHHAHAHAHHA magugulat na Lang talaga ako baka isang araw Hindi na sya magmura. Panigurado mamimiss ko Yung pagmumura nya hahahahaha.

"So ayun nga...dahil malapit Ng mag bakasyon...magkakaroon Tayo Ng budel payt" pagpapatuloy ni Mia. Seryoso na sya Kaya medyo nagseryoso na Yung Iba naming kaklase.

Ako naman kasi kapag ganyang announcement tahimik Lang talaga ako. Bihira nga akong makipag usap Lalo na sa mga babae eh. Karamihan ay puro mga lalaki Lang.

Si melai naman.

Hahhhahahah Ewan ko ba dun...kababaeng Tao nakataas na nga Ang paa nagse-cellphone pa Ng palihim. Madalas syang ganyan...Kung Hindi nagse-cellphone ay nakikipagdaldalan. Pero kapag nakinig naman Yan sobrang seryoso Hindi makausap Ng maayos.

Naalala ko nga nung mga unang araw nung nag uusap usap sila Ng mga katabi nya.

"Ang ingay mo melai hahahaha ganyan ka ba talaga??kanina nung naglelesson si sir Kung ano ano sinasabi mo pero kapag si Sir abunda nq Hindi ka naman nagsasalita" si Aaron

" Oo nga hahahhah naririnig Kita kanina eh" si shun naman.

" Hahahhaha tahimik ako"

" San banda?" Tanong ni Aaron

" Dati...hahahha Hindi pa kasi tapos eh"

If I Only Knew...Where stories live. Discover now