Chapter 28: Reasons why

6 0 0
                                    

Ian Jay's POV

Hindi na ako nakapag focus sa pakikinig sa mga professor namin. Wala talaga kasing pumapasok sa utak ko eh.

Iniisip ko pa Rin Yung mga sinabi sa akin nila Angelo at Yung sinabi ko Kay melai.

Napakagago ko talaga. Paano ko ipapaliwanag Yun?!!!!

Matapos magdiscuss Ng last subject ay Wala akong sinayang na oras. Bumaba agad ako at Hindi na nagpaalam pa kila Angelo.

Nadatnan ko si Melaira na kausap Ang mga kaklase nya pero sa labas na Ng room nila.

Hinintay Kong matapos Ang pag uusap nila bago ako sumingit. Napansin ko na nakita na ako ni melai Hindi nya Lang talaga ako pinapansin.

"Hal usap Tayo" Sabi ko. Nakatingin Lang ito sa akin at saka ngumiti.

Ang creepy Ng ngiti nya' potek. Parang mangangain.

"Uy Mauna na ako ah... Ingat kayoooo sa pag uwi" paalam nito sa kaibigan nya.

" Ikaw din Lai" Sabi nito.

Nag umpisa na kaming maglakad papunta sa

Sa....

Saan ba magandang mag usap????

"Saan tayo?" Tanong nito.

"Uuwi na" Sabi ko

"Ah"

Mas maganda na siguro dun sa malapit sa terminal. Walang masyadong Yao. Makakausap ko sya Ng maayos.

Tuloy tuloy Lang ako sa paglalakad habang hawak ko Ang kamay nya. Hindi ko sya nililingon dahil baka galit talaga sya.

Nng narating namin Ang lugar na iyon ay huminto ako at hinarap sya. Nkayuko Lang ito. Hawak ko pa din Ang kanang kamay nya.

"Hal" Sabi ko.

Paano ko ba uumpisahan???

Nag angat sya Ng mukha at napansin ko Ang namumuong luha na handa na sa pagpatak Mula sa lbi nya.

"Uy Hal sorry na" Sabi nito.

"Ayaw mo na ba?" Sabi nito at hinayaan Ng matulog Ang mga luha sa Mata nya. Naglandas it papunta sa kanyang pisngi pababa.

"Ano bang sinasabi mo?" Kinakabahan ko Ng tanong. Ayokong umabot kami sa ganoong sitwasyon.

" Akala mo ba Hindi ko.... Napapansin??? Ha??"

Pahinto hinto sya dahil kumukuha Ng sapat na hangin.

" Palagi k- ka Ng.... Nagagalit sa akin" pagpapatuloy nya habang umiiyak.

Parang ayokong tingnan. Nanghihina ako.

"Hal Hindi totoo Yan"

"Paliwanag mo Yung.... Kanina... Ian" Sabi nito at Hindi mapigilan Ang pagtulo Ng luha.

" Hal .. sorry... Hindi ko nasabi sayo na  inaya ako nila Angelo sa bar... Tapos... Kaninang umaga... Hindi ko na Alam Kung ano Yung mga sinabi ko sayo" Sabi ko dito.

Niyakap ko ito para gumaan khit ppaano Ang bigat na nararamdaman nya.

"Hal patawarin mo ako.... Hindi n mauulit toh... Saka.... Pagod Lang talaga ako minsan Kaya Kita napagttaasan Ng boses"

" Napapagod din ako pero Hindi Kita ginanun" seryoso nang Sabi nya.

Humiwalay ako s pagkakayakap at hinarap muli ito.

"Pasensya na talaga hal" sabi ko habang hawak Ang kamay nito.

"Sabihin mo Lang pag ayaw mo na... Itigil na natin ito" Sabi nya sabay naglakad papunta sa sakayan Ng bus.

If I Only Knew...Where stories live. Discover now