A/N: Hello! Nagparamdam na ako mga beshie waps!! Sorry for the long waitings! (Pasensya na sa wrong grammar! Bulok lang sa english si author!). Sorry for this short chapter na ginawa ko.
........
Dan's P.O.V
"Wow! Tingnan mo Dan ohh!! Ang gaganda ng mga nagtataasang building dito sa school. Ang daming puno sa paligid pati na rin halaman. Ang sarap pa nang simoy ng hangin, tapos ang relaxing pa ng lugar. Para kang wala sa school. Tingnan mo doon ohh, ang lawak ng field! Dyan pa naglalaro ang mga atleta? Blahhh blahh!! Blahhh... blah blah..." Ugh!! Grabe! Kailan ba siya titigil sa kadadaldal? Rinding-rindi na ako sa sobrang daldal niya.
Pati na rin ang mga estudyante na napapatingin sa akin, nawe-weirduhan sila siguro kung bakit may biglang kumausap sa isang panget na katulad ko. At oo nga pala, suot ko ang disguise ko. Iba rin ang pangalan ko pag nandito sa campus. Ako si Dan Pilosopo Masindak, ayos diba. Nagulat ako ng bigla akong hampasin sa braso ni Sap na ikinangiwi ko.
"Hindi ka naman nakikinig ehh!!"
"Bakit naman ako makikinig sa mga walang kakwenta-kwenta mong sinasabi?! At saka, wag ka ngang dikit ng dikit. Nakakairita ka!"
"Huh! Ako? Dikit ng dikit?! Feeling mo ehh noh!" tapos sabay tulak sakin na muntikan ko ng ikatumba. Ugh! Brutal talaga ng babaeng toh! Kaya hin di ako nagpatalo, tinulak ko rin siya at ganon din ang nangyari sa kanya, kamuntikan na rin siyang matumba kaya tumawa na lang ako ng parang sa kontrabida. Alam niyo yon? Yung "Bwahahahahahaha!!!!"
"Grrrr!! Sama nang ugali mo! Kita mong ang ikli ng palda na ibinigay niyo sakin tapos may gana ka pang manulak nang malakas! Paano kung makita ang perlas ng silanganan ko?! Hubuan kita dyan ehh!!" bigla akong namula sa sinabi niya. Hindi ba siya marunong mahiya?!
"Para quits tayo, stupid. Alangang ikaw lang ang manulak. It's unfair you know." pero hindi pa rin siya nagpatalo, bangayan lang kami ng bangayan hanggang sa may biglang tumikhim sa amin para bigla kaming mapatigil sa pag-aaway.
"Ehem!" napalingon kami sa tumikhim at agad na nagbigay galang sa guro. Siya si Mrs. Dela Cruz o Ma'am Mina kung tatawagin. ang adviser ko na magiging adviser rin ni Sap. "The two of you, your late."
"Sorry ma'am." paghingi ng paumanhin ni Sap pero hindi ko a sila pinanasin. Pagkapasok ko pa lang sa loob ay agad na bumungad sa akin ang mga tukso at mga pangiinis na salita na ibinabato sa akin ng mga kaklase ko. Hindi ko na lang sila pinansin kaya dumeretso na lang ako sa seat ko sa may bintana sa pinakadulo.
"Class, i want your attention please!" bigla silang tumahimik at tumingin sa dereksyon ni Ma'am Mina kung saan katabi niyang si Sap. "I want to introduce to you, your new classmate. Her name is Sapphire Hollows, please be good to her. "
"Sapphire fits her name, she's gorgeous like a gem." kommento ni Jack na humanga sa ganda ni Sap. Pero hindi niya ito pinansin, may sinabi siya kay Ma'am na ikinataas ng kilay ko dahil tumingin sa direkyon ko ang guro. "Okay, you can now seat beside to Mr. Masindak." marami ang nagulat lalo na ang mga kalalakihan, pati ako nagulat din. Ano kayang trip ng babaeng toh?!
"Wow! Sana ol"
"Grabe nakakaingit si panget..."
BINABASA MO ANG
The Mysterious Girl at The Enchanted Forest
Viễn tưởngThis is a work of fiction. Names, characters, business, place, events, and incidents are either product of authors imagination or use in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. ...