A/N: Hello readers! Wag tayong masyadong maglalabas, delikado na dahil sa may corona virus na ditto sa pilipinas. Please be safe and always wear mask paglalabas kayo ng Bahay. Lagi din kayong magbabaon ng alcohol. Take care!!
..
Dan's P.O.V
"S-Sappy?" tama ba yung narinig ko?
"Dan? Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong sa akin ni ate kaya napatingin na rin sila sa akin.
"I'm just tired sis." pagdadahilan ko na nakagat naman agad nilang lahat.
"Sabagay, malayo-layo rin ang nabyahe niyo." sumenyas si mommy sa amin na sumunod kaya sinundan naming siyang lahat.
Napatingin ako kay Sap na masayang nakikipag-kwentuhan sa pinsan niya. Siya ba si Sappy? Kung oo, hindi ako makapaniwala. Agad akon umiwas ng tingin ng mahuli ako ni Sap na nakatingin sa kanya. Sumakay kami sa dalawang karwahe na kulay puti. Kaso nga lang, magkahiwalay na kami ngayon ni Sap. Tss, wag kayong mag-isip na namiss ko agad siya. Magkikita pa rin naman kami mamaya pag dumating na kami sa destinansyon.
"By the way, how was your trip?" tanong ni mommy na nasa harapan ko habang katabi ko naman si ate na may parang may kinakalikot na kung ano sa bagay na hindi ko alam ang tawag. Basta bagay.
"Exhausted."
"Weh? Hahahaha!" agad kong tiningnan ng masama si ate. Subukan lang niya.
"May tinatago na kayo sa akin ha..." tamping sabi ni mom kaya napatingin ako sa kanya na may ngiting alanganin.
"There's nothing important in our trip mom." I said to convinced her.
"Why are you so defensive baby bro~" she said teasingly. Sh*t!
"It's true!" Ugh! Ba't ba may maingay akong ate?!
"Tama na ang away mga bata. Malapit na tayo makarating sa ating destinasyon..." agad akong napatingin sa bintana ng biglang huminto ang karwahe na sinasakyan naming. "Oh, I think were here!"
Agad kaming pinagbuksan ng nag-drive ng karwahe at agad na bumungad sa aking ang isang napakalaki at sobrang habang kulay ginto na gate. Nakasulat sa taas ang pangalan na "Lockwood Academy?"
"School of wizards.." dugsong ni Sap na nasa tabi ko na pala. Woah! Mas Malaki at maganda pa to sa pinapasukan naming ni Sap sa real world.
Napa-atras ako ng konti ng automatic na bumukas ang gate. Sumiwang lang ito ng konti, kaya agad kaming pumasok don dala ang mga bagahe namin. "Mom, hindi ba pwedeng deretso na lang tayo papasok sakay ng karwahe?"
"Hindi kasi sila nagtatrabaho sa school bilang service."
"Huh?" minsan talaga hindi ko maintindihan si mom. Diba isa siyang guro sa school na ito? Bakit hindi siya hinatid ng school para maihatid kami?
"Hahahah! Sa itsura mo palang, alam kong naguguluhan ka na. Lumabas ako ng school para mag-shopping, kaya sa hotel na lang ako." ow, now I get it.
"Yow King, Sebby!" sigaw ng Khael sa dalawang lalaki na papunta sa direksyon namin. Agad silang lumingon ng tawagin niya sila..
"Yow Khael! Ma'am." nag-bow sila sa harap ni mom na ikinngiti niya bilang ganti sa pagbati.
Bigla namang nabaling ang tingin nilang dalawa sa akin. "Boys, meet my son. Dan." pag[a[akilala sa akin ni mom sa kanila.
"Nice to meet you man." sabi ng King yata ang pagaln at inilahad ang kamay niya sa akin. Tiningnan ko lang ito saka diretso nang naglakad sa kanila.
BINABASA MO ANG
The Mysterious Girl at The Enchanted Forest
FantasyThis is a work of fiction. Names, characters, business, place, events, and incidents are either product of authors imagination or use in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. ...