.
Dan's P.O.V
We arrived home safely but a useless comeback. We didn't convinced the deities to support us from the coming war. And another bad news is, Sap was missing. Saan ba naman nagpupupunta yung babaeng yon? All the people in Forbidden city where now in panicked because of the missing princess. At mas lalong nag-panic ang city nang malaman ito ng Wood and Ice kingdom (Which is the two kingdoms where the different two demon foxes are found.). And here we are now at the meeting hall.
Sobrang lawak ng hall nato kaya nagkasya kaming lahat. Ako, si Red, Ebsworth, Felicity, mom, the principal, the prime minister of the city, and the royal family of the two kingdoms (yung sinabi ko kanina.). They both scream authority kaya mukha talaga silang karespe-respeto. Kasama nila ang mga anak nila. Bale eleven yung sa Wood Kingdom kung saan isa na doon si Sap (Pero wala siya kaya sampu lang ang nandito), at twelve naman sa Ice kingdom.
Grabe, padamihan yata sila ng anak ehh. Twelve talaga sila magkakapatid sa Wood Kingdom kung hindi lang nawala yung isa, Sap's twin sister. Kaya ngayong, eleven na lang silang lahat. I look to my glass with water at nilaro-laro yon dahil hindi ko kaya ang tension sa loob ng hall. Walang may balak na magsalita kaya nananatili kaming walang kibo.
"Tutunganga na lang ba tayo ditto?!" inis na sabi ng isang lalaki na mukhang mas nakakatanda sa panig ng Wood kingdom.
"Kailan ba tayo magsisimula? Wala lang ba ang pagpunta naming ditto?" sabi naman ng babae sa panig ng Ice kingdom.
Tumingin ako sa salawang hari sa may harapan namin. Hindi sila magkakamukha, kaya malamang, hindi sila magkakamag-anak. Tumikhim ang Prime minister kaya lahat ng atensyon ay nasa kanya.
"As what you heard the new--" tumigil ang prime minister ng biglang hinampas ng hari ng Wood kingdom ang kamay sa mesa. Sa sobrang lakas, biglang nag-crack ang table namin.
"Nagmumurahan ba tayo dito?" he said in a cold tone. Ahh yes, both two kingdoms don't understand the English language. Only Italian, ang galing diba?
Pero parang alam ko na kung saan nagmana si Saphira.
Tumikhim si mom kaya sa kanya naman napunta ang atensyon ng lahat. "Mga maharlika ng Wood at Ice Kingdom, nabalitaan niyo naman yung pagkawala ng prinsesa--"
"Alam namin yon, bakit ba kailangan pa itong ulitin? " nainis ako sa inasta ng babaeng pangalawa siguro sa panganay ng Wood Kingdom.
"Tss" napangiwi ako ng bigla akong sikuhan sa tyan ni mama.
"Manners." napasimangot ako saka tinaas ang paa sa lamesa.
Hay, babae nasaan ka ba?
Sap's P.O.V
Bakit nga ba ako nandito? Ahh oo nga pala. Ako rin naman ang may gusto nito ehh. "Hindi mo ba nagustuhan ang mga nakahain sa lamesa?" napatingin ako sa kanya habang patuloy ko pa rin iniikot yung tinidor ko sa spaghetti saka ibinalik ang tingin sa pagkain.
Bumuntong hininga ako saka binalik ulit ang tingin sa kanya. "Sana man lang in-approach mo ako ng maayos. Hindi yung kailangan mo pa kong batuhin ng mahika mo." at duon na siya humagalpak ng tawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko?
"Sorry okay? Ginawa ko lang yon para magampanan ko naman ang role ko."
"Ang maging masama kahit hindi naman?" yup! That's Hideous Pollo. Deities chose him to be the guradian of a demon snake. The giant black mamba. "Alam mo, gwapo ka sana ehh. Kaso torpe ka." agad na nawala ang ngiti niya at napaltan ito ng pagkadismayado kaya ako naman ang tumawa ng malakas. Torpe talaga siya pagdating kay Elina. Princess of the sea and chose to be the guardian of the demon seahorse.
"Yah! Wag mo siyang isama dito."
"Tsk, so pano yan? Masama ang tingin sayo ng buong mundo ng other world. Anong gagawin mo? At saka, ano bang ginawa mo? May ginawa ka sigurong katangahan." sabi ko saka sinubo ang spaghetti at nginuya ito ng dahan-dahan habang naghihintay ng sagot kay Pollo.
Umiwas siya ng tingin sa akin at nilarolaro niya yung spaghetti niya sa plato. "Misunderstanding lahat yung nangyari."
"Ano nga yon." pinukpok ko yung kamay ko sa table. Kailangan pa ba niyang magpabitin?
"Hindi mo ako maiintindihan." napaataas ako ng kilay saka kinuha ang kutsilyo sa tabi ko at itinutok ko sa kanya..
"Gusto mong tarakan ko yang mata mo?! Paano ko maiintindihan kung hindi mo sa akin sasabihin?! Tanga ka ba o tanga lang talaga? Torpe na nga tanga pa!"
"Ang init naman ng ulo mo, meron ka ba ngayon?" iniinis talaga ako ng lalaking to!
"So anong gusto mong pag-usapan natin? Yung issue mo o yung kung meron ako?" t*ngin* lang talaga!
Tapos bigla siyang nag-pout. Aba may gana pa siyang mag ganyan ha! "Tumigil ka! Ang pangit mo!" mas Lalo pa siyang ngumuso. "Tumigil ka nga! PWede ka nang itabi sa pato!"
"Ang sakit mo naman mag-salita"
"Well truth is better then lies." bigla siyang naging seryoso kaya nagseryoso na rin ako. Mukhang alam ko na kung ano ang hinuhugot ng lalaking to. "Imbis na mabuhay ka sa katotohanan, masyado kang lumulubog sa kasinungalingan. Tama ba ako?" bigla siya ngumiti ng mapait at derederetsong sumusubo ng spaghetti.
Mukhang pinipigilan niyang hindi umiyak kasi nakikita kong namumula siya tapos nanggigilid na rin yung luha sa mata niya. Ano ba talaga ang nangyari? "Is this the issue of what did they to you?" alam kong may giawa ang ibang kaharian, pat na rin ang pamilya ko sa kanya.
Dahan-dahan siyang tumango saka muli ulit sumubo ng spaghetti. "Hanggang nagyon, hindi ko pa rin kilala kung sino ako. Kung ano ang tunay na pangalan ko, saan ako nanggaling, at kung sino ang pamilya ko." nabulunan ako ng bigla siyang mag-open sa akin. Kaya agad kong kinuha ang tubig sa tabi at derederetsong uminom.
Nang wala ng nakabara sa lalamunan ko ay agad kong ibinaba ang baso saka tumingin kay Pollo na deretso ng nakatingin sa akin. "Ang totoo nan, inampon ako ng tatay mo. Hindi pa lang kayong dalawa ipinapanganak. Malaki ang galit sa akin ni Caspian, ang nakakatanda mong kapatid, dahil lagi na lang akong napapansin ng ama mo." so all this time, pamilya na ang turing naming sa kanya.
"At dumating na kayo. Ang bilis ng pangyayari, hinabol na kayo agad ng panganib. Alam mo, Malaki na kayo non. Habang ako ay nasa mission, kasama ang mga kawal ng ama." the hell! Bakit bigla akong kinabahan? Parang ayaw kong marinig ang mga kasinod na sasabihin niya pero sadyang malupit talaga ang tadhana.
"Sa galit ng kapatid mo sa akin. Sa akin niya ibinunton ang pagkamatay ni Sahamira." kinuyom ko ang kamao ko at biglang uminit ang ulo ko sa sinabi niya. "Sinisisi niya ang halimaw na nasa loob ko. Isang halimaw na tanging kaguluhan at kadiliman lamang ang gusto, pero hindi yon totoo. Hindi ko na nakilala ang sarili ko ng sabihin sa akin ni Caspian na kailan man ay hindi niyo ako ituturing na parte ng pamilya. Na kailanman, isa lamang akong armas dahil sa halimaw na biniyayaan sa akin. Hindi niyo pa ako kilala non kasi lagi akong nasa misyon." duon na nagsimulang tumulo ang luha niya. "Hindi ko magagawang patayin ang mga tao sa iba't ibang kaharian. Hindi ko sila kayang kontroin para lamang sa sariling kagustuhan."
Ramdam ko ang siseridad sa mga sinasabi niya. Walang halong kasinungalingan. He keeps all the burden kahit wala siyang kasalanan. Deities chose him because of his bravery and pure heart. Hindi niya kayang kumontrol at pumatay ng tao. Sa lahat ng nangyari sa kanya, tinaggap lang niya yon ng walang maginhawang kapalit. Tiniis lang niya lahat ng mga pasakit na ibinibigay sa kanya ng mga tao. Eto na nga ba ang sinasabi ko, pero hindi sila nakikinig. Sa lahat ng nangyari isa lang ang masama dito.
Ang kuya ko.
A/N: OMG! Happy 1k readers!! Thank you sa lahat nang nagbasa at bumoto sa story ko! Salamat sa suporta kahit ang tahimik niyo hehehehehehe...
Don't forget to vote or leave a comment if you want! Thanks! Mahal na mahal ko kayo!
BINABASA MO ANG
The Mysterious Girl at The Enchanted Forest
FantasyThis is a work of fiction. Names, characters, business, place, events, and incidents are either product of authors imagination or use in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. ...