GUSTO KITA

6 2 0
                                    

2 salita lamang,
Oo 2 salita pero bakit?
Bakit ang hirap bigkasin sayo?
Ang hirap bigkasin sa harapan mo?
2 salita pero sa tuwing sasabihin ko na sana ay,  sa hindi sinasadya.. nabubulol ako,
Grabe nakakahiya dahil sa harapan mo pa mismo.
2 salitang dati ko pa gustong aminin sayo, aminin na gusto kita, gustong gusto, pero pa'no ko nga ba sasabihin sayo na.. Na.. GUSTO KITA
Natatakot ako, natatakot na baka hindi tayo pareho ng nararamdaman, na baka hindi mo na ako pansinin, na baka maging awkward ka sa akin, na baka iwasan mo ako, layuan, at huli na baka dedmahin mo lang ang nararamdaman ko para sayo at isawalang bahala mo lang.
Hay naku naman napakadami kong tanong, tanong na alam Kong iisa lang naman ang paraan para malaman ko ang mga kasagutan sa aking isipan,
At yun ay ang.. Ang sabihin at aminin sayo na matagal na kitang... GUSTO...

Spoken Word, Poem, etc.Where stories live. Discover now