Sana ol minamahal,
Sana ol may joa,
Sana ol mabait,
Sana ol may pera,
Sana ol may freedom,
Sana ol, sana ol, sana ol.
Salitang hanggang sana nalang talaga.
Salitang iyong nasasambit tuwing gusto mo ang isang bagay,
Salita, salitang hanggang salita nalang,
Sa isang araw siguro marami kang nabibitawan na salitang "sana ol",
Siguro nga kung magiging mayaman ka kada salita mo eh malamang ikaw na ang pinakamayaman,
Sana ol dito, sana ol doon,
Puro sana ol,
Pero sa kada sambit mo ng salitang iyan,
Baka may matupad na hiling,
Eh pano kung wala?,
Pero pano nga ba kung hanggang sana ol nalang? ,
Maybe it's time na ang salitang ol na lumalabas sa bibig mo ay mapalitan ng "kaya ko at gagawin ko".
YOU ARE READING
Spoken Word, Poem, etc.
PuisiHi readers! Sana ay ma notice nyo itong ginawa ko at hopefully ay makatulong at magustuhan niyo. Hindi po ako dalubhasa sa mga ganitong bagay, gusto ko lang pong ibahagi sa inyo kaya sana'y huwag kayong mag- expect. Thank you... ❣️