"What's your problem, ha? Ilang linggo ka nang ganyan, Max. Nagwo-wonder na kami sa'yo."
Napailing nalang ako kina Andrea at Alice. Wala si Sab, may inaasikaso.
"Nase-stress na ako sa'yo Max. Lalong sumusuplada ka ngayon, wala naman kaming ginawa sa'yo. By the way, ready ka na ba sa graduation natin?" Napahinto ako sa tanong ni Alice. Ready na nga ba ako? Hindi ko alam. Oo na ewan? Maybe.
Tatlong linggo nalang at magtatapos na ako ng Magna Cum Laude. Yes, I know bad girl ako pero may utak din ako. Bulakbol na maayos? Nalilito na kayo, alam ko. Pero mahirap ipaliwanag. Nakakatamad na rin mag explain.
Buti nalang at uwian na, inimbitahan ako nina Alice at Andrea mag-shopping. Pumayag naman ako, tutal may laman wallet ko eh. Kahit na 20K lang 'to, psh sige na nga. Nakisakay ako kay Andrea, tintamad kasi akong mag kotse.
Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng kotse. Gusto kong magsalita pero naiilang ako, first time 'to.
"Hmm... Max?" Napalingon ako kay Andrea nang nagsalita siya. Buti nalang, tumitingin parin siya sa daan.
"Ba't ba nagkakaganyan ka? Parati kang wala sa mood, since last 2 weeks pa ata?" Napabuntong hininga nalang ako ng pina-slowmo. Feel ang moment eh.
"U-umiiyak ka ba?" Napalingon siya sa'kin. Nagtataka. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala luha ko, pinunasan ko naman ito agad. "H-ha? Ano ba 'yan. Psh, andito na pala tayo Andrea. Tara na, gusto ko na mamili ng mga gamit." Agad akong bumaba ng kotse, sumunod naman si Andrea. Nasa loob na si Alice.
Pumunta kami ng Mango, Forever 21, Aeropostale, Channel etc etc. Andito naman kami ngayon sa Department Store, naglalakad nalang habang tumitingin.
May nakita akong isang attractive na dress. Sa lahat ng nabili ko, eto 'yung damit na nakuha talaga ang atensyon ko. Kung eto nalang kaya ang susuotin ko sa graduation? It's simple, feel ko hanggang tuhod lang 'yun. Cocktail dress, mint green ang kulay. Basta mahirap i-explain, I just love it. Napakalamig sa mata.
Habang papalapit na ako at tinaas ko na ang kamay ko para kunin ang last dress na nakasabit, may walang hiyang kumuha agad noon at tinitingnan. I looked at HIM habang tumataas kilay ko.
"Hey, I saw that first!" I exclaimed.
"But I got it first." Cold niyang sabi. Bad mood ako ngayon, kulang nalang tatadyakan ko 'to eh.
But wait, parang familiar siya. Parang nakita ko na siya noon... parehas kaming nagkatitigan.
"Hey, I think I already met you." Nagtataka niyang sabi sa'kin, sasabihin ko rin sana 'yun.
"If nakita mo na ako noon, pwes ako rin." Nag-smirk ako, pakealam ko kung ma-attract siya sa'kin.
"Oh, and by the way, since ako ang nauna, please akin nalang 'yang damit ha?" Kinuha ko agad ang damit sa kamay niya. And for Pete's sake, nahawakan ko kamay niya accidentally. Tumalikod nalang ako at nag hair flip. Naka dalawang hakbang na ako at humarap sa kanya ulit.
"Before I forgot, ask ko lang kung ba't mo 'to kinuha? Are you gay? And if next time magkikita ulit tayo hindi na ako magdududa na stalker kita." Tumalikod na ako at nag walk-out. Feeling beautiful, no I'm beautiful.
"Stalker your shit. Tss." Napalingon ako sakanya at siningkitan ng mata. Bumelat naman ito ng napaka-dry. Tigtuyot ata eh. Psh, bahala siya. Loser. Gay.
Nagpa-counter na ako. Alice and Andrea texted me na nasa Starbucks sila. Sumunod naman ako 'dun.
I noticed guys watching me at napapalingon sa'kin. I just don't mind them. At may lakas loob na lumapit sa'kin.
BINABASA MO ANG
She's the CASANOVA
Teen FictionWho said "HE" can only be the CASANOVA? What if "SHE" is also one of them? What will happen now? Just find it out.