"Kish please get up dear, you're gonna be late for school!" naramdaman ko nalang ang pagtapik- tapik sakin ng Mommy ko. Minsan lang yan mang-gising pero kinakareer i-child abuse ang kagaya kong kaawa-kaawang bata na wala naman ibang hiling sa buhay kundi additional time para maging si Sleeping beauty.
"Please 5 more minutes Mom~~" binaon ko pa ng wagas ang ulo ko sa ilalim ng unan. Tsarap-tsarap pa matulog eh! Zzzzzz....
"If you're not up this instant, no pocket money!"
Aishhh... ang buhay ng pagiging estudyante ay nakakapagod.
Full of assignments, projects and exams. Nandyan din ang puyat at pagod.
But if I feel like dying
Isa lang ang pampalubag loob ko:
"PARA SA BAON KO, BABANGON AKO!"
After kong i-grooming ang sarili ko para magmukhang kasing flawless ni Marian Rivera at kasing chicks ni Ann Curtis, bumaba na ako para sa breakfast. Everyday sabay-sabay kaming kumakain nila Mommy at Daddy. Ganito siguro talaga pag only child ka lang, madalas kaming together para hindi lonely. Pero ngayon kami lang ni Paderlets. Si Mommy kasi umalis ng maaga dahil may unting glitches ata sa work nya.
"Iha, if I'm not mistaken, malapit na ang semester break nyo hindi ba?" Ahh siguro? Keber! Malay ko ba. Buti pa ang daddy ko updated sa mga kaganapan sa school, samantalang ako ang estudyante nahuhuli sa balita. Lol
Oh wait, SemBreak? Baka yun yung pinag-uusapan sa school ng mga taong excited at nagwinter clothes na kahit ang lakas pa maka-burn ni haring araw. Sa sunod na linggo na ata yun.
Siyempre, kunwari mabibo din ako sa happenings to my beloved school. Mamaya sermunan pako neto na sayang ang pinambabayad nya sa exclusive academy kuno. Kaya...
"Yes dad, actually, next week na :)" Oha! Ako na ang maalam! Sabay tusok ng tinidor sa ulam. Wow. Anong okasyon? Daming pinahanda ngayon ah, considering na umagahan palang. Kaya lang hindi rin ako makabanat. Si Daddy kasi kadaldal. Daming tanong parang si Boy Abunda lang.
"That's good, you will have time to get ready." Whoa. I smell something fishy and mind you, hindi ang fish fillet ang tinutukoy ko. May binabalak nanaman to ei. Nung huli nyang sinabing 'get ready' pinadala ako sa Japan para pagsayawin ng cha-cha as intermission sa birthday celebration ng isa sa mga business associates nya. Grabeng kembot at tuwad din ang pinamalas ko no! =___=
Tapos may lalaki pa don crush ko na sana kasi ubod ng gwapo! alam mo yun? Babagal ang oras at uulan ng shooting stars ang effects kapag tinitingnan mo
pero!
TANG*NA NYA WITH FEELINGS!
Magkita lang kami ulit at papaslangin ko ng brutal ang herudas na iyon! Ililibing ko sya ng buhay matapos kong sagasaan ng bulldozer!!!
Nong lumapit sya sakin, kilig to the bones na ako! Hindi nyo alam kong gaano ako nagpigil wag tumalon at sumigaw sa sobrang happiness! Nahampas-hampas ko pa yung buffet table sa kiligs. Inisip ko pa baka nabighani 'to sa mala-star performance level kong pagyugyog kanina.
But to my great shock! Tinaas nya yung palda ko at tinitigan ng mahusay ang sa loob non.
Ngumisi sya sabay sabing "Tama ako, Avengers nga panty mo" At umalis na ngiting-ngiti at parang nagpipigil pa ng tawa. Bumalik doon sa mga kaibigan nya at nakipag- apir pa.
I stand there frozen and shocked 😲😨😱
Ang puri ko... 😱
Ang dangal ko... 😱
BINABASA MO ANG
The Falling Idiots
Novela Juvenil"I've never thought I'd be falling this hard and being an idiot at the same time just for you"