Ako

223 4 2
                                    

Andaming gustong sabihin.
Walang nais na makinig.
Andaming daing at saloobin.
Walang nais na pumansin.

Palagi nalang nag-iisa.
Pakiramdam ko'y walang kwenta.
Isang bagay na walang halaga.
Kaya walang nais na magpahalaga.

Bakit ba ako nandito?
Tila mali ang napuntahang mundo.
Bakit kailangan pang dito'y manatili?
Sa mundong parang hindi ko mawari.

Ako lang ba yung ganito?
Yung pakiramdam na laging nag-iisa.
Sa napaka laking mundo.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon