Kabanata 2

61K 2.5K 424
                                    

Kabanata 2

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 2

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto kung nasaan ako. Hinihintay kong bumalik iyong lalaking masungit pero na siya bumalik kaya napagdesisyunan kong lumabas.

Wala naman siyang sinabing huwag akong lalabas 'di ba?

Hawak ko ang isang upuan plastic. Ginagawa ko itong pang-alalay ko sa bawat hakbang dahil hindi ko maitukod ang kaliwa kong paa.

Isa lang ang masasabi ko. Madilim.

Nakasara lahat ng bintana. Pagkalabas ko ng kwarto ay may may hagdanan sa gilid. Ang laki pala ng bahay na ito. Siya lang kaya mag-isa nakatira rito? Malamang! Sa sungit niyang iyon baka wala siyang kamag-anak na magstay sa kaniya.

Huminga muna ako nang malalim bago dahan-dahan bumaba ng hagdanan. Kumapit lang ako sa gilid para hindi mahulog.

"Wew! Para akong nag-gym," wika ko ng makalapag sa pinaka-ibaba.

Kaagad kong inilibot ang aking paningin sa bahay nang makababa ako ng walang basag ang ulo.

Mabahagya pa akong namangha sa luwag ng bahay. Madilim pero malinis ng paligid. Bakit kaya nakasara ang mga bintana?

"Nasaan na ba si sungit?" bulong ko.

Sinubukan ko humanap ng kahit isang picture frame sa sala pero wala akong makita. Tanging mga paintings lang ang nandoon.

Napatitig ako sa bintanang nakasara. Hindi ko naririnig ang ingay ng ulan galing sa labas pero nakakasigurado akong malakas pa rin iyon.

"What the hell are you doing?!"

"Ay palakang what the hell!" sa gulat ko ay napahawak pa ako sa dibdib ko at napakapit sa pinaka malapit na dingding. Mariin akong pumikit, hindi ko alam siguro dahil alam kong ayaw niyang tingnan ko siya.

"Did I tell you to come out?" ramdam ko ang inis sa kaniyang boses.

Pababa siya ng hagdanan. Mas sumandal naman ako sa pader, pinakiramdaman ko ang magkabilang gilid ko kung may pwede ba akong takbuhan kung sakaling biglang manapak 'tong si sungit.

"A-Ah wala, pero wala ka rin naman sinabing bawal," naitikom ko ang aking bibig at kinagat ko ang dila ko.

Shit naman, Yngrid!

Huwag ka na sumagot. Baka ma-beast-mood pa sa'yo 'yong tao palabasin ka pa habang bumabagyo.

"What if you fall down the stairs? What if you injure yourself again? Hindi ka ba nag-iisip?!" malakas na sigaw niya kaya halos mapatalon ako sa gulat.

Kinabahan ako, madalas akong pinapagalitan ni Mommy pero hindi ako kinabahan ng ganito.

"B-Bakit ka ba naninigaw?!" sigaw ko pabalik sa kanya.

"Because I'm fucking worried!"

Natigilan ako sa sinabi niya, bahagya pang-umawang ang aking labi. Gusto ko man dumilat pero hindi ko magawa. Nanatili akong nakasandal sa pader habang nakapikit.

Natatakot akong kapag dumilat ako ay bigla siyang mawala, katulad ng sinabi niya.

"W-Why?" naguguluhan tanong ko.

Hindi siya nagsalita bagkus naramdaman kong lumapit siya sa akin.

Huminto siya sa tapat ko, kaya naikuyom ko ang aking kamao sa kaba. Mas nagulat ako nang hawakan niya ang aking kamay, parang may hinahanap siya roon. Gusto kong sabihin na umatras siya kaunti pero nanatiling nakatikom ang aking bibig. Hindi ko man maamin pero hinihintay ko ang sunod niyang gagawin.

"Where's your ring?" tanong niya.

Naramdaman kong tumama ang kaniyang hininga sa aking mukha. Amoy bagong toothbrush siya na may halong mint.

Napalunok ako.

"I-I take it off. H-Hindi ko naman kasi alam kung kanino 'yon. Nilagay ko sa bulsa k-ko. Ibibigay ko dapat sa'yo k-kaya ako lumabas," paliwanag ko.

Hindi ko alam bakit ako nauutal kapag malapit siya, hindi ko siya nakikita pero pakiramdam ko ay titig na titig siya sa akin kaya naiilang ako. Idagdag mo pa na sa sobrang lapit namin ay baka maamoy niya ang hininga ko.

Oh gosh! Ilang araw akong walang sipilyo.

Wala sa sariling inagaw ko ang kamay ko sa kanya at itinakip iyon sa aking bibig.

"What are you doing?" nagulat ako sa malumanay niyang boses.

Bakit malumanay? Akala ko ba galit siya? Akala ata niya ninakaw ko 'yong singsing niya.

"H-Hindi pa ako nagsi-silpilyo, amoy imburnal ang—"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang tanggalin niya ang kamay ko sa aking bibig at ilipat iyon sa aking mata. Nanghihina na ang aking tuhod lalo't hindi ko maitapak ng husto ang isa ko pang paa.

"You should cover eyes not your lips," bulong niya.

"A-Anong ginagawa mo?" kinakabahan tanong ko.

Naramdaman kong mas lumapit siya sa akin. Napakapit ako sa braso niya dahil mas diniin niya ang kanyang katawan sa akin. Naghumarintado ang puso ko sa kaba dahil sa kanyang ginawa.

"Just close your eyes for me, that's the only rule in my house. Don't look at me, don't ever look at me," bulong niya sa akin.

Ramdam ko ang hininga niya sa aking pisngi.

Yngrid itulak mo siya!

Itulak mas papalit? Gosh, hindi ko na alam.

Nanigas ako sa kinakatayuan ko nang kapain niya ang bulsa ko at siya mismo ang dumukot doon ng singsing. Gusto ko ng ibaba ang aking kamay na nakatakip sa mata pero hindi ko magawa.

"Bakit? B-Bakit bawal kitang makita?" buong lakas na tanong ko.

Gumapang ang kamay niya sa aking braso papunta sa aking kamay. Kinilabutan ako dahil sa kanyang ginawa.

Nang makarating siya sa aking kamay ay itinaas niya iyon. Kahit hindi ko makita ang ginagawa niya ay alam ko kung anong gagawin niya.

Isinuot niya ulit sa akin ang singsing.

"Always wear this ring, my soul will find yours. Yngrid."

Nagulat ako sa sinabi niya.

"H-How did you know my name?" tanong ko.

Mas idiniin niya ang kanyang katawan sa akin, para akong kakapusin ng hininga dahil sa kaniyang ginagawa, naramdaman ko ang mainit niyang balat.

Hindi kaya bampira 'to? Tapos nababasa niya ang nasa isip ko. Kaya sarado ang mga bintana kasi takot siya sa liwanag? Shit!

"I saw it on your wallet, don't think too much."

"W-What's your name?"

Inilapit niya ang bibig sa aking tainga ramdam ko ang bahagya niyang pagngisi.

"Lucifer. Call me Luc."

***

SaviorKitty

Illicit DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon