Kabanata 6 - Slight SPG

63.2K 2.1K 219
                                    

Kabanata 6

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Kabanata 6

Warning: Slight SPG

DALAWANG araw na simula noong narinig ako ni Lucifer sa kwarto. Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng loob ko sa kaniya kahit pa nga hindi magkakilala talaga. Simula ng araw na iyon ay hindi ko na ulit binanggit ang mga salitang 'gusto ko ng umalis' o kaya 'uuwi na ako' dahil napapansin kong kapag iyon na ang gusto kong sabihin ay bigla siyang nagagalit.

Nakikita ko na si Lucifer, iyon nga lang ay nakasuot siya ng maskara.

Sa ilang araw na nakatira ako sa bahay niya ay lagi lang nasa kwarto niya si Lucifer. Tuwing bumababa ako ay may pagkain na ako, never pa kaming nagsabay sa pagkain.

Hindi ko pa siya nakitang kumain.

Matangkad si Lucifer at matikas ang kaniyang pangangatawan. Nakakahalina rin ang kanyang mata na kapag nagtatama ang mata namin ay para akong nahihipnotismo't napapatitig na lang sa kaniya.

Hindi ko alam kung bakit sa tuwing magkasama kami ay hinahayaan ko siyang gawin ang kahit ano sa akin. Sumusunod ang katawan mo sa bawat galaw niya at ni isa ay walang pagtutol ang utak ko roon.

Hindi na nasundan pa ang nangyari sa amin noon. Hindi naman sa naghahabol ako pero napapa-isip ko, ayaw kaya niya sa akin? Hindi ako masarap? Na isang pagkakamali lang iyon para sa kanya?

Napabuntonghininga na lang ako bago ituloy ang paghuhugas ng pinggan. Walang tubig ang gripo, may bantsa lang sa gilid na sa tingin ko'y si Luc ang kumuha. Wala rin mga ilaw ang bahay. Ang tanging gumagana lang sa bahay na ito ay ref. May telebisyon pero ayaw rin bumukas. Pansin kong kumpleto naman ang bahay pero halatang luma na ang ilang kagamitan. Hindi naman madumi ang paligid.

Napatingin ako sa bintanang nakasara. Ilang araw na ako rito pero hindi pa rin tumitila ang ulan. Nakakalakad na ako ng maayos, habang ang mga sugat at pasa ko naman ay unti-unti ng humihilom.

Tuwing naaalala ko rin ang magulang ko ay umiiyak ako. Hanggang ngayon ay hindi ko matanggap. Sinasabi ng utak ko na hindi pa sila patay, na nasa bakasyon lang ako at pag-uwi ko ay nasa bahay sila't papagalitan ako dahil gala ako nang gala.

Halos mapatalon ako ng may humawak sa magkabila kong beywang.

Nahigit ko ang aking hininga ng maramdaman ko si Lucifer sa aking likuran.

"Continue..." tukoy niya sa ginagawa kong paghuhugas ng plato.

Napakurap-kurap ako bago nanginginig ang kamay na nagpatuloy.

"Relax baby," malambing na bulong niya.

Hindi ko siya pinansin pero ang lakas ng kabog ng puso ko. Bakit ba ang lambing niya sa akin ngayon? Pagkatapos no'ng may nangyari sa amin ay ganyan na siya. Kapag nagdidikit kami ay hindi niya maiiwasan humawak sa akin.

Natatakot ako kasi sa tuwing didikit siya ay kinakabahan ako.

Bahagya ko siyang nilingon sa likod ko. Nakamaskara pa rin siyang kulay puti na natatakpan ang buo niyang mukha.

Wala siyang damit pag-itaas!

"Kanina ka pa gising?" tanong niya.

Tumango ako habang abala ang kamay ko sa mga pinggan. "Hmm. Wala akong magawa kaya hinugasan ko na."

Naririnig ko ang buntong hininga niya. "Are you feeling good today?"

"Wala naman na masakit sa katawan ko."

"Mabuti naman. Did you know that I didn't sleep for two days because I'm worried to you," wika niya.

Natigilan ako. "G-Ganon ba? Pasensya ka na at naka-abala ako sa'yo rito, hindi mo naman ako obligasyon pero ito ako't nakatira sa bahay mo. Hindi mo nga alam kung masama akong tao pero pinapasok mo pa rin ako rito."

Lumapit ang mukha niya sa likod ng tainga ko.

Kahit nakamaskara ay rinig ko ang malalim niyang paghinga. "Masaya ako kasi nandito ka, pero natatakot din akong dumating ang panahon na umalis ka."

Nalungkot ako sa sinabi niya. Humarap ako sa kanya kaya nagtama ang aming mga mata.

"Hindi mo naman kailangan matakot, kung gusto ay sumama—"

"No! I can't!" sigaw niya kaya natigil ako.

Napatitig lang ako sa kaniya.

Ano bang pinagdaanan mo at ganyan ka? Malungkot ang mga mata niya.

Nang mapansin niya ang ginawa niya ay hinawakan niya ang braso ko. "Sorry."

Tipid akong ngumiti, "Ayos lang naiintindihan ko."

Ilang sandali niya akong tinitigan sa mata bago bumaba ang kaniyang tingin sa aking labi. Wala sa sariling kinagat ko iyon.

"Damn baby . . ." bulong niya.

Masuyo niyang hinaplos ang aking pisngi kaya napapikita ko. Si Lucifer lang ang lalaking nakakapagparamdam sa akin ng ganitong bagay.

"Baby, can I kiss you?" paos na boses na tanong niya.

"N-Now?"

"Hmm. Yes now."

"H-Here?"

"Yes."

Sandali pa akong napatitig sa kaniya bago niya takpan ang mata ko ng blindfold na hindi ko alam na dala pala niya.

"Close your eyes and be a good girl."

Nangmatali niya iyon sa mata ko ay narinig kong kinalas niya ang maskara niya. Wala akong makita at nakadagdag iyon ng excitement na nararamdaman ko.

Nang tumama ang mainit niyang hininga sa pisngi ko ay napakapit ako sa gilid ng lababo.

Ilang beses akong napalunok bago ko maramdaman ang kaniyang malambot na labi sa akin. Marahan ang bawat pag-galaw no'n animong isang mamahaling perlas ang labi ko't natatakot siyang magalusan ito.

Naramdaman kong idiin niya ang katawan sa akin kaya mas napasandal ako sa lababo.

Ang kaniyang isang kamay ay humawak sa aking batok upang mas palalimin ang aming halik.

Siya ang unang lalaking nahalikan ko, hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko basta sinusunod ko lang ang galaw niya. Kusa kong ipinalupot ang aking braso sa kaniyang leeg habang siya naman ay ay humihimas sa aking beywang.

May kung ano na naglilikot sa tyan ko, ang sarap sa pakiramdam na nasa bisig niya. Pakiramdam ko ay ligtas ako, na kaya ko lahat gawin kapag kasama siya.

Pwede pala iyon? Ilang araw ko lang kasama ang isang tao pero ang gaan na ng loob ko sa kaniya.

Bahagya pa akong napagitla ng hawakan niya ang beywang ko at walang hirap na binuhat ako. Naramdaman ko na lang na inupo na niya ako sa itaas ng lamesa habang hindi pa rin naghihiwalay ang aming mga labi.

"Stay with me, Yngrid. Forget the past and escape the reality."

Hindi ko na maintindihan niya.

Ang sunod ko na lang naaalala ay inuungol ko na ang pangalan niya habang mabilis siyang naglalabas pasok sa akin.

***

SaviorKitty

Illicit DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon