Special Chapter

81.7K 4.1K 1.2K
                                    


Special Chapter

"Sige na kasi Yngrid, hindi ko kasi mapupuntahan ngayon 'yong ikakasal e ngayon pa naman usapan namin. Letche kasi 'yong leche plan na kinain ko kagabi, eto ako sa banyo ngayon nagwewelga sa banyo."

Napailing ako sa sinabi ng kaibigan ko.

"Fine! Ako na ang makikipagkita sa kanila. Text mo na lang sa akin saan lugar." Inayos ko ang buhok kong nakalugay.

"Yay! Thank you best friend, say hi to my inaanak. Sige na may meeting ulit kami ni banyo. Bye!"

Napabuntong-hininga na lang ako sa kaniya. Dapat kasi ay may kikitain siyang mag-asawa, nagpapabook sa amin para sa kasal. Siya kasi ang gumagawa no'n. Ang kaso itong si gaga ay sumakit pa ang tiyan.

Nang matanggap ko ang kaniyang text na address ay kaagad akong umalis. Tinext ko rin si Mommy na malalate ako ng sundo kay Lucian kaya sila na muna ang bahala.

Naglagay ako ng liptint bago bumaba sa kotse at pumasok sa restaurant.

Kaagad kong inilibot ang paningin ko. Hays, paano ko ba makikilala ang ka-meeting namin dapat ngayon?

Tinext ko siya kung saan nakareserve ang name. Kaagad naman siyang nagreply ng "Mr. Voldebirt."

Nang may lumapit sa akin crew ng restaurant ay kaagad kong sinabi iyon. Itinuro niya ako sa isang private room.

Huminga ako ng malalim bago pumasok.

Maganda ang loob ng room, may table ay may foods na. Tumuon ang atensyon ko sa lalaking naka-harap sa bintana at may kausap sa cellphone. Nakasuot siya ng tuxedo, nanliit ang mata ko dahil pamilyar ang kaniyang likod.

Nang humarap ito ay nagtama ang aming mata. Ang gwapo niyang mukha ang sumalubong sa akin. Gwapo na nakakaintimida.

"Have a seat," ani ng barito niyang boses at iminuwestra pa ang upuan.

Ngumiti ako at umupo. Titig na titig siya sa akin, hindi ko inalis ang ngiti sa labi ko.

"I guess you are Mr. Voldebirt. Nice to meet you, I'm Yngrid Frey Salvatore. I'm one of the wedding planner you hired." Nakangiting wika ko at inilahad ang aking kamay sa kaniyang harapan.

Nakita ko kung paano niya pag-aralan ang buo kong mukha para bang namamangha siya at hindi niya inaasahan na makakausap ako ng ganito.

"Sir?" kuha ko ng pansin sa kaniya dahil hindi pa niya inaabot ang kamay ko.

Tumikhim siya, "Nice to meet you, Yngrid." Bahagya niyang pinisil ang palad ko kaya hindi ko maiwasan magtaas ng kilay.

Uh-huh.

Umayos ako ng upo ng pumasok ang isang waiter at naglagay ng wine. Nang makaalis ito ay inilibot ko ang paningin sa lugar.

"Where's your bride? I thought we will have a meeting about your wedding," deretsyo kong usal.

Binasa niya ang kaniyang labi gamit ang dila, hindi nakakabastos ang kaniyang ginawa kundi nakakaintimida.

"She's here." paos na boses na aniya.

Tumango-tango ako.

Illicit DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon