Kabanata 5

65.1K 2.1K 795
                                    

Kabanata 5

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 5

Nang magising ako kinabukasan ay mag-isa na lang ako sa kama niya. Pakiramdam ko ay binugbog ang buo kong katawan. Ang akala ko ay mamatay na ako sa sobrang pagod ko kaninang madaling araw. Ni hindi ko na matandaan kung ilang beses akong napaligaya ni Lucifer.

Kinagat ko ang ibabang labi ng maalala iyon.

Anong mukhang ihaharap ko sa kaniya ngayon? Paano kung pinagsisihan na niya 'yong ginawa namin kagabi? Paano kung paalisin na niya ako kahit bumabagyo pa sa labas. Paano kung sabihin niya hindi niya gusto 'yon?

Napahawak ako sa dibdib ko.

Parang may kumurot sa puso ko sa naisip ko.

Napailing ako bago napabuntong-hininga. Hindi ko pinagsisihan ang nangyari sa amin dahil ginusto ko naman iyon. Ginusto namin dalawa kaya wala akong pagsisisihan.

Napatingin ako sa suot ko, ibang t-shirt at boxer na. Mabuti at nagkakasya sa akin ang boxer niya. Hmm. Siguro naman ito 'yong mga bagong boxer kaya masikip pa.

Napangisi ako sa nasa isip ko.

Bumaba ako sa kama, sinubukan kong itapak ang paa ko at napangiti ako ng hindi na iyon sumakit.

"Hmm, sex lang pala katapat mo para gumaling." Pati ako ay napailing sa sinabi ko.

Dahan-dahan akong pumasok sa isang pintuan na sa tingin ko ay banyo. Napanganga ako ng makita ang puro pulang leeg ko hanggang dibdib ay meron ako. Inangat ko ang t-shirt ko at mas lalo akong mapanganga na pati sa tiyan ay mayroon ako hanggang puson at paniguradong hanggang legs ko ay meron no'n.

Para kasing linta ang labi ni Luc kagabi kung saan madikit at kaagad sinisipsip o kinakagat at ako naman 'tong si gaga. Go lang nang go. Tsk!

"I'm s-sorry Mom, Dad..." bulong ko.

Pahirapan pa ako umihi dahil masakit talaga. Paglabas ko ng kwarto ay gano'n pa rin ang bahay. Tahimik at madilim.

Kung wala si Lucifer dito ay iisipin kong multo ang nakatira sa bahay na ito.

Tahimik akong naglakad papunta sa sala.

Hmm, may nangyari na sa amin pero hindi ko man lang nakita ang kaniyang mukha. Nagtataka pa rin ako kung bakit ayaw niyang ipakita ang kaniyang mukha. Nahawakan ko iyon kagabi at masasabi kong malambot ang kaniyang mukha, ano ba dapat ikahiya niya? Baka may balat siya sa mukha? Hiwa? Peklat?

Ano naman nakakahiya roon?

Nang mapunta ako sa kusina ay kaagad dumapo ang tingin ko sa isang sticky note doon na nakadikit sa ref doon.

I cooked for you, eat well baby. I left you alone in the house so you could move around freely. I'll see you later.

- Luc.

Illicit DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon