1st Route

12 0 0
                                    

“Para po.”

 “Manong para daw.”

 “Para po.”

 “PARA DAW/Para daw manong.” Wow. Supportive.

“Layo na”, sabi nung Ale sa tapat ko.

“Shit”,bulong ko sa sarili ko.

Ayy. Shet lagpas na. Bingi ng ilong ni Manong -_______-

Ayan tuloy ang layo ng binabaan ko. Haba ng lalakarin ko. Buset. Di na nga ako sinuklian, di pa ako binaba sa pinagparahan ko. Tsk.

Naglakad na ako pauwi, gabi pa naman na. buset kasi nag-over time pa professor namin sa last subject.

*bzzzt*

-1 msg. received-

--

[0946*******]

ingat ;-)

--

Sino naman ‘to?! Kindat your face. Lowl.

--

To: 0946*******

Sino ka po?

Ö        Message Sent

--

At nakauwi na rin ako sa aming tahanan (sabi kasi nung prof ko sa Filipino, tahanan daw ay para sa mga tao. Bahay ang para sa mga hayop o kung ano pa ‘yan. At dahil tao ako, tahanan. Ikaw ba?). Shet. Kapagod.

Dere-deretso na ako sa kwarto para makapagpalit. Haist buti na lang sabado na bukas, makakapagpahinga ulit ako.

Ano kaya pwedeng gawin? Alam ko na, papasama ako kay Bestfriend. Tama, tama.

Tapos papasama na rin ako sa kanya dumalaw kay …………………

*bzzzt*

-1 msg. received-

Powtek naman.

--

[09*********]

secret ;-P

--

Di ko na lang rereplayan. Wala ako sa mood mamilit ng taeng ayaw magpakilala. Tsaka sayang load… kahit unli :P. Pinangalanan ko na lang siya ng “Kirat” pero binura ko din naalala ko bigla si hinayupak eh. “Biogesic” na lang. Ingat, lakas maka-Lloydie.

“Vaaaaaaaas. Halika na, kakain na. Tawagin mo na rin ‘yung mga kapatid mo, dun sa lolo mo.”

“Opo. Saglit lang.”

“Hay naku, bilisan mo.”

“Text mo na lang kaya ‘Ma?”

“Naiwan nila cellphones nila.”

“Ok. Hayst

 ‘Yun ang nanay ko. Maingay, makulit, parang araw-araw may PMS, madaldal, maingay, masipag at higit sa lahat maingay. Ganyan siya kaingay. Pero mahal namin ‘yan. Sa sobrang pagmamahal namin niregaluhan namin siya last Christmas ng bagong kahon ng cellphone. As in ‘yung box lang ng cellphone binigay namin. Excited pa naman siya. Pero binigay din namin ‘yung bagong cellphone nya, ganyan lang kami magkulitan. Hahaha, nangingiti ako pag naaalala ko ‘yun >:) Di ako salbahe ha, pasaway lang. Napakagandang pasaway. Hahaha.

Pagbaba ko inabot na niya sa akin ‘yung ulam ni Lolo.

“Alis na ako.”

Tinanguan na lang ako ni Mama at sinabihan ng ingat.

Hindi kaya si Mama ‘yung nag-text? Trip? Trip?

Hindi naman siguro, baka naman si ………………. Ahhh! Vas! Wag ka nang mag-expect! Tigil!

-BT

Routed LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon