4th Route

17 0 0
                                    

“DAFUQ?!”

*BLAG*

Nilakasan ko ‘yung suntok ko at sapol sa mukha. Gagong ‘yun. Hindi pala kuya ko. Manyak ang putek. Nakangisi pa nung nilingon ko mukha namang damulag.

“GAGO KA AH!” susuntukin ko sana uli kaso biglang dumating ‘yung dalawa kong kapatid.

“OYOY! Vas, bakit? Ano meron?“

“Kuya oh!” tinuro ko ‘yung manyak, ”nang-akbay sa akin! Manyak!”

Inakap naman ako ni Vax. Naluluha na si Bunso. Siya pa talaga naiiyak. Ako na nga biktima. Hehe.

Ooops. Di ako naka-mini short na kita na ‘yung kung ano man ha. Naka-tokong ako at naka t-shirt.

“’LANGYA KA!” tapos sinuntok sya ni Kuya, dalawang beses. Biglang dumating ‘yung mga kagawad tapos pinaghiwalay sila.

“Ano po ba nangyari dito?” tanong nung Chairman sa barangay nila Lolo.

“Eh yung hinayupak na ‘yan inakbayan ‘tong kapatid ko!” tapos inambangan ni Kuya ng suntok kaso napigilan nung mga tao.

“Eh gusto naman ng kapatid mo. *smirk*” Kapal ng mukha nito, feeling.

“’LUL! Susuntukin ba kita kung nagustuhan ko? Ha? Ha? Gusto mo sipain pa kita para pamukha sa sarili mong walang papatol sa iyo? Gusto mo laiitin pa kita ano? Ha? Eh mukha kang dagang kakaahon lang sa imburnal!” Punyeta! Ang malas ko ngayong araw na ‘to.

Inawat naman ako ni Bunso.

“Alisin niyo na nga ‘yang unggoy na ‘yan baka kung ano pa magawa namin dyan!” sabi ni Kuya sa mga kagawad. Buti na lang marunong pa magtimpi si Kuya.

Umalis na sila. Hinarap ko ‘yung dalawang kapatid ko, “ANO BA NAMAN ‘YAN! SAN BA KASI KAYO NAGPUPUPUNTA?”

Kinalabit ni Bunso si Kuya at sinenyasang si Kuya ang magpaliwanag.

“*hingang malalim*. Hinanap namin ‘yung hikaw nya, nalaglag eh.”

“So, mas importante pa sakin ‘yung hikaw kesa sa akin?”

“Hindi sa ganun Vas.. hindi naman din kasi namin aakalaing ------”

“Uy pare!” naputol ‘yung pagsasalita ni Kuya dahil dumating ‘yung dalawang nya sa lugar na ‘to.

“Save by the mokongs.”Narinig kong bulong ni Kuya, tinitigan ko siya ng masama. Binelatan nya lang ako. Aba’t tignan mo ‘tong lalaking ‘to.

“Anyare? ” sabi ni Mike, chinito at babaero.

“Binastos eh.” Tinuro naman ako ni Kuya.

“Ano ba itsura?” tanong naman ni Ivan pagkadura niya (eeew), maangas at palaban.

“Mas maliit sa akin ng konti, maiitim, medyo kulot at may katabaan. Amoy palakang nakatira sa ilalaim ng lababo.”

Ako na ang sumagot. Ngumiti naman sila.

“May peklat ba sa pisngi?” sabi ni Ivan.

Tumango ako. Tapos sabi niya “Ge. Ako na bahala.” Tapos umalis na siya. Hala, di kaya bugbugin niya ‘yun? Nabasag naman ang katahimikan ng magsalita si Mike.

“Wag ka mag-alala kaya nya ‘yun.”

“Ehh?”

“Wala.”

Gagong ‘to. Kung anu-ano iniisip.

“Sige, Sundan ko lang ‘yun. Ingat.”

Tapos umalis na din siya.

Di kaya…

 Siya ‘yung unknown number? Hahahah. Nabubuwang na ako

-BT

Routed LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon