Bago pa ako makalayo narinig kong sinabi ni si JL na ,”’Lul. Kung ako medyo naiintindihan pa kita. Ewan ko lang siya.”
EHHHHHHH?!!!
Anong usapan ‘yun?
Lakad Vas. Lakad ka na nalng muna.
“Uy! Vas andyan ka pala!” hindi. Hindi wala ako -_________-
Hinarap ko si JL, pero wala na dun ‘yung kausap nya. Haist.
“Ahh. Oo! Hinahanap nga kita. Pinuntahan kita sa may mga magazine kaso wala ka dun.”
“Ahhh. May tinignan lang ako.” Talaga lang?
“Ano naman tinignan mo?”
“Ahh. Ano, notebook. May notebook dun na puro anime eh.” Psh. Ano ba meron JL?!!!
“Ganun? Halika, kain muna tayo.”
“Okay. ‘Lika na.”
Kumain kami sa Jollibee, pero parang wala akong gana.
Tahimik lang kami ni JL habang kumakain.
Tina-try nya mag-open kanina ng conversation pero tango lang at iling sinasagot ko. Maliban syempre sa pag-order ng pagkain.
“Daan muna tayo sa sementeryo.” Sabi ko sa kanya.
“Dadalawin mo ba si Bryle?”
Tumango na lang ako.
Sumakay na kami ng jeep.
Dun kami sa bandang harapan. ‘Yung katabi ni driver. At ako ‘yung katabi nung driver.
Inabot sa akin ni JL ‘yung bayad nya.
“Ako na, sabi ko sa kanya.”
“Ah. Sige.”
“Bayad po.” Binigay ko na kay manong ‘yung bayad.
“Miss, sukli mo.”
Pagtingin ko kay manong driver este kay kuyang driver. Magowdenesess. Ang wafuuuuuuuu.
“Ahh. Miss ‘yung sukli mo.”
“S-sorry.” Napatitig pala ako kay kuyang driver na papable. Buti na lang kami lang pasahero.
“Okay lang.” sagot naman nya.
“May parang kamukha ka kasi.” Nasabi ko na lang bigla, pero parang meron talaga eh.
“Ganun ba? Well, madami talagang gwapo sa mundo eh. *smile*” waaaaaaaaah. Nosebleed. Chos.
“Ge lang kuya. Drive ka na lang, mabundol pa tayo dahil sa lakas ng hangin.” Then I heard him chuckle. Waaaaah. Ang cute.
Napalingon naman sa amin si JL.
“Bakit?” tanong niya.
“Ahh. W-wala.”
Tumango lang siya tapos nag-soundtrip mag-isa. Ay duga di nag-share ng earphone.
“Ohh. Ayan. Baka magdrama ka lalo eh.” ‘yan ang bestfriend, marunong makiramdam hehe.
“Hehe. Salamat.”
“’Kaw pa! lakas mo sa akin eh!”
“Hehe.”
Now Playing: Jeepney Lovestory- Yeng
Wahehehe. Timing ‘yung kanta. ‘yun nga lang driver siya, hindi pasahero.
Buong byahe, tahimik lang maliban sa maingay na makina ng mga jeep, tao at kung anu-ano pang ingay. Tapos pasimple akong lilingon kay kuang driver. Lakas makagaan ng mood hahaha. Para kasing may angelic aura siya, kunsabagay, angelic face naman pagmumukha ni Kuyang Driver.
Sayang bakit driver siya? -_________-
Lingon sa labas, yuko, tingin dertso, pasimpleng sulyap kay Kuya. Tadaaa. Level up ang mood. Wooooooooh.
Energy refill xD
Pero saan ko nga ba nakita mukha ng nilalang na ito? Hmmm.
“Sa tabi lang po.”
Si JL na nagpara dahil busy ako sa pag-iisip at hindi ko na napansin..
Bumaba na kami at naglakad. Pero nilagay nya na sa bagpack nya ‘yung earphone bago pa kami makababa.
Weeeeeeeeeeeeeeeyt!
Aha! Alam ko na kung saan ko siya nakita!
-BT
BINABASA MO ANG
Routed Love
Teen FictionPwede magtanong? tama ba ang daang ito... papunta sa puso mo? -Ongoing- -BT-