Ayun pupunta muna ako sa tahanan ng aking pinakamamahal na lolo para sunduin ang mga kapatid kong kulangot. Di naman ‘yun kalayuan pero nag-jeep na ako, nakakapagod maglakad, mapano pa ako sa daan.
Ahh. Ako nga pala si Vanessa Erin dela Fuente. Tunog mayaman ‘no? Tunog lang, may kaya lang kami eh.17 years old. May dalawa akong kapatid, isang lalaki at isang babae. Panganay si Kuya Van Dwayne or Van, tapos ako.. ang pinakamaganda hahaha (joke), at ang bunsong si Vax, Valerie Xena. Mahilig sila Mama at Papa sa V. Si Papa kasi Vincent John, si Mama naman Victoria. At para daw masaya.. kami ang VOLTES V!! Adik lang ‘di ba? ‘Yan tuloy tawag sa amin pag nag-attendance pag-reunion.
Ang eksena pa naman: “At syempre mawawala pa ba ang super hero ng ating lahi? ANG VOLTES V!!! *palakpakan*” o ‘di ba, laughtrip pag-reunion. May VOLTES V theme song pa yan. Syempre may bawi ako sa pinsan kong ‘yun. Pag pamilya naman nila ang tatawagin “Androids”, ‘yung sa Dragon Ball, hahaha. Kumpetong kumpleto sila. Pero syempre, walang samaan ng loob.
So, 2nd year college na ako. Ang course ko Bachelor of Secondary Education, Major in Social Studies. ‘Coz I freakin’ love history. Nag-aaral ako sa isa sa pinakamagandang unibersidad ng Maynila. Di ko na lang sasabihin kung ano, pero talagang prioritize dito ‘yung education despite sa magulo, sira sirang kwarto at kulang na mga materyales.
Inaamin akong maarte ako minsan, may pagka-narcisstic, at medyo perfectionist. Mabait naman ako, kung ka-vibes kita. Pero kung pagmamalditahan mo lang ako, pasensyahan na lang, kaya kong doblehin ang pagiging maldita mo. Mahiyain ako minsan (meron ako kun, tulad mo pa ako sa iyo. Joke lang ^^v). Pero mabait talaga ako. Straight to the point ako magsalita minsan.
At may bestfriend ako, Si Jairee Lou de Jesus, JL for short. Mas matanda siya sa akin ng 2 buwan at syempre bestfriend, classmate ko siya. Hurray!! Siya ‘yung tipong Pilipinang Pilipina sa amo ng mukha pero palaban. ‘Yun nga lang, boyish siya. Mahilig sya manamit ng pang-boy at pumorma ng pang-boy, madalas pati kilos. Pero if I know crush nya si …………….
“Sa tabi lang po.”
At bumaba na ako ng jeep, nung naka-baba na ako, dun ko lang napansin na ang gwapo pala nung katapat ko. Hehehe, behave Vas. At isa pa nga pala, di ako malandi. Na-aattract ako, pero hindi umaabot sa point na nang-lalandi ako.
*Sa bahay ni Lolo.*
*tok tok*
“Lolooooooo? Kuyaaaaa? Vax?”
Pinagbuksan naman ako ni Kuya Van.
“Kuya, uwi na daw. Kakain na. Eto nga pala ‘yung kay Lolo.”
Inabot naman niya at sinabing, “Pasok ka daw muna sabi ni Lolo.”
“Okay.” Pumasok naman ako.
“Mano po ‘Lo.”
“Iha, di mo man lang sinabi may dala ka palang kaibigan.”
“Kaibigan po?”
“Oo. Babae, ayan o, sa likod mo.” Ako namang si Neneng Uto-uto, Lumingon.
“W-wala po akong k-kasama ‘Lo.” Tungunu, nauutal na ako sa takot.
“Meron Iha, nakangiti pa nga eh.”
“Weh di nga? ‘Lo naman eh.”
“Di ako nagbibiro Vas.”
“’Lo, walang ganyanan. Joke time ba ito? May hidden cam ba?” Tapo nilingon ko ‘yung paligid ko baka nga may cam, kaso wala. Tapos tinitigan ko lang si Lolo.
Tinignan naman ako ni Lolo ng nagtataka. Isa lang ang naiisip kong paraan para masigurado ang mga nangyayari.
Lumingon ako kay Kuya Van na nasa isang sulok, at anak ng tokwang basa naman!!!!! Putek. Si Kuya, nakatingin ng deretso sa likod ko. Seryoso ang mukha. Putek, putek talaga. Pwede na ata akong mamatay? Waaah. Asan ‘yung blade?!!
Pinagpapawisan na ako ng malamig. Nakayuko na lang ako. Ayoko ng ganito.
Di ko na alam gagawin ko.
Si Lolo na hindi ko alam kung nang-titrip ay nakangiti dahil nakapagdala ako ng “kaibigan” sa tahanan niya.
At kay Kuya na tanging pag-asa ko para kumpirmahin kung meron nga dahil siya ang malakas ang ESP sa aming magkakapatid ay seryosong seryosong nakatingin sa likod ko. Kuya paalisin mo ‘yung nasa likod ko. Waaaaaaaah..
At ang bunso kong kapatid na di ko pa rin nakikita. O mahal kong kapatid, bahala ka na kila Mama at Papa. Solo mo na ang kwarto natin. Dalawin mo na lang ako ha, pakilala mo ko sa magiging boyfriend mo.
Paalam mga earthlingssssssssssssssssssssss.
Shit lang. Shit talaga. Lamunin mo na ako o, kahoy na sahig! Lamunin mo na ako!
Isinusumpa ko na ang pagpunta ko ditto ng magsalita ulit si Lolo, “Vas, tulungan mo ‘yung kaibigan mo. Natapunan
ata, madumi ‘yung damit eh.”
Paano ko naman tutulungan ang kaibigan kong iyon.. eh di ko naman nakikita?!!
“Sige na, Vas. Kaibigan mo ‘yan, di ka pinalaki nila Mama para mandedma.”
Wooooh. Vas, kaya mo iyan.
Go paaaaaaaayt.
In..
3..
..
2..
..
1..
…
..
Guys! Pray for me!
Lingon…….
Ahh! Patay na ako…
-BT
BINABASA MO ANG
Routed Love
Teen FictionPwede magtanong? tama ba ang daang ito... papunta sa puso mo? -Ongoing- -BT-