[a/n: pagpasensyahan nyo nap o ‘yung mga typo error, naka-auto correct kasi at tamad akong i-revise :p]
Matapos nung nangyari kagabi, dumalaw si Lolo para kumustahin ako.
Nag-sorry siya, pero di naman niya kasalanan ‘yung nangyari.
“’Lo, ‘nu ka ba naman po. Di nyo po kasalanan na maganda ang apo niyo eh.”
“Hindi Iha, kasalanan ko talaga eh. Kung hindi ba naman gwapo ang lolo mo at nagkaroon ng magandang asawang si Nelia, sumalangit nawa ang kaluluwa ng mahal ko, eh di sana hindi maganda ang nanay mo at magkaroon ng magandang lahi.”
“Lolo, joker ka po talaga noh?”
“Hindi Vas, wag na natin ipagkaila ang mga katotohanan.”
“Ay. Nako itay, tumanda nga po kayo. Lumala naman po kayabangan niyo. Hahaha.” sabi ni Mudra, o ‘di ba? Funky. Kahit 67 na si Lolo parang bagets sumagot. Parang magkakapatid lang kami. Haha.
“Hahahaha.”
“Vanessa Erin dela Fuenteeeeeeeeeee!” o ayan na si Bestfriend.
“’Ma, ‘Lo.. alis nap o ako. Gala muna kami ni JL.”
“Sige ingat kayo ‘nak.”
“Sige Vas, ipagkalat mo sa mundo ang magandang lahi natin. Hahaha.” pahabol ni Lolo.
“Hahaha. Babuuuuush.”
Paglabas ko nag-appear kami ni JL.
“Ganda natin ngayon ‘teh ah!” sabi ko kay JL, pang-asar ba.
“Che! ‘Wag mo nga ako i-teh teh na ‘yan. Ang sagwa, nakakadiri. Sheez.” Hala ka ang dumi ng isip nito.
“Tsaka gwapo kaya ako *pogi pose*.” Muntanga hahaha.
“Eto, piso. Hanap ka ng kausap mo.” Tapos naghanap kunyari ako ng piso sa bulsa ko.
“Tagal naman. Gawin mo ng 50Php, panload tsaka pang-inom.” O.o siya? Umiinom? Weh?
“Loka, para namang umiinom ka!”
“Oo, tubig. Ikaw ba hindi? Kaya pala mukha kang natuyot na sirena. Hahahaha.”
“Kapal mo naman”
“Di kasi ako payat tulad mo *belat*”
“Aba! Seksi ako no! Di na kita lilibre, kala mo! Nyenye!” tapos nauna na ako maglakad, lakas nya mang-asar ngayon. Ay
lagi pala. Mas malala lang ngayon. -___-
“Hala. Sabi ko nga pang-FHM Magazine ang katawan mo eh.” –JL
“Alam ko, seksi nga kasi ako.” Tapos nameywang ako.
“Sino nagsabi? Ibig kong sabihin pang-magazine, kasing payat ng papel. Hahahahaha.”
*Pak*
“Aray naman, joke lang ^^v” binatukan ko kasi. Kala nya ha!
“Hmp.”
“Joke lang, eto naman. Bati na tayo.”
“Ayoko nga.”
“Ah. Ayaw mo ha! Sasabihin ko mahal mo pa si abuleshbabakab., aray ko naman ha. Di mo kelangan takpan bibig ko. Shet germs.”
Yaiks puro laway.
“Ikaw pa lugi? Tignan mo kamay ko puro laway mo. Swerte mo nga nahawakan kita eh.”
“Gags. Ako kaya lugi, tsinansingan mo ko. Nangnakaw ka pa ng laway.”
“Lowl.”
“Hahaha.” natawa na lang kami sa kalokohan namin.
Papunta nga pala kami ng SM. Nagpasama ako sa kanya bumili ng bagong ballpen at yellow pad. Nag-LRT na lang kami para hindi hassle.
*SM/ National Bookstore*
Nakabili na ako ng kailangan ko. Hahanapin ko na lang si JL. Mahilig kasi ‘yun humiwalay sa akin pag nasa NBS kami. Pumupunta siya sa magazine section at makikita mo na lang na nagbubuklat ng FHM Magazine, joke lang. mahilig magbasa ‘yun ng Otakuzine at mga Manga Tutorials. Mahilig kami sa Anime, ah erase pala. Mahilig ako sa anime, adik siya sa anime.
Pinuntahan ko na siya dun at himala. Wala siya dun, asan kaya ‘yung babaitang ‘yun?
Ikot, hanap, ikot, tingin, hanap, hanap.
Aish, asan ba ‘yun?
Ite-text ko na sana sya. Buti na lang naita ko agad siya bago ko pa i-send ‘yung mensahe.
Lalapitan ko sana siya ng mapansing may kausap siya.
At di ako nagkakamali….
Nagabalik na pala siya…
Ang kausap niya ay si……
Hi-hintayin ko na lang si JL sa labas.
Hoooooooh. Behave Vas.
Bago pa ako makalayo narinig kong sinabi ni si JL na ,”’Lul. Kung ako medyo naiintindihan pa kita. Ewan ko lang siya.”
EHHHHHHH?!!!
-BT
BINABASA MO ANG
Routed Love
Teen FictionPwede magtanong? tama ba ang daang ito... papunta sa puso mo? -Ongoing- -BT-