CHAPTER 5

1.7K 80 29
                                    

"Ang cute mong sapakin." Sabay sapak ko sa mukha nito. Takbo agad ang ginawa ko. Tutal di naman nila alam kung sino ako kaya di nila ako mairereklamo sa guidance haha. Yun lang kung mahabol nila ako. Pero tiyak naman na di nila ako mahahabol. Sa court pangalang wala ng nakakaagaw sakin ng bola eh. Sila pa kaya haha.

Nagahabulan kami sa hallway. Sa isang paliko ay nagtago ako kaya di nila ako nakita at diretso lang sila.

Sumilip ako ng bahagya upang malaman ko kung nakalayo na nga sila at tama ako dahil sobrang layo na nila sakin haha.

"VICTORY!" Sabi ng utak ko.
Patakbo ako ulit na lumiko habang nakatanaw ako sa kanila ng biglang....

"What the f*ck!" Malutong na mura ng isang baritonong boses.

"Ouch!" Inda ko dahil sa sakit ng pagkakatumba ko.

"Wala pang pasukan pero may tanga na kaagad." Pagalit nitong pagkasabi.

At dahil don ay napaangat ako ng tingin sa lalaking nakabungguan ko.

Tumayo ako at tinaasan sya ng kilay sabay krus ng kamay ko.

"Aba pre tinatarayan ka oh haha" tawa ng barkada nito sa likod.

"Ikaw na nga nakabungo ikaw pa magtataray." Ang ibang estudyante ay nakatingin na sa amin.

"Bakit sino ba natumba? Baka sinadya mo nga akong banggain eh." Pagtataray ko dito.

"Miss hindi ako yung tanga na hindi tumitingin sa dinadaanan. Di ako tulad mo." Aba ang kapal ng mukha ng lalaking to oara sabihing tanga ako ha.

"Eh kung tumitingin ka din sana sa daan para di mo ko mabungo. So, sino ngayon tanga?" Rinig ko ang pagsinghap ng mga estudyante sa paligid.

"My gosh! Why did she said that?" Sabi ng girl.

"Tsk tsk! Ang ganda pa naman ni miss pero mukhang may malalagot ngayon" bulungan ng mga boys sa gilid.

Tumingin ako sa lalaking mayabang na to.

Masama ang tingin nito sa akin.

"At bakit ako lilihis kung pagaari ko tong daanan?" Aba mayabang din pala to eh. Anong akala niya sa sarili niya, may ari ng school? Feelingero din pala tong lalaking to eh.

"Bakit? Sino ka ba? Apaka yabang neto." Inirapan ko ito.

Ngumisi lang ito sabay lapit. Hinawakan niya ang baba ko pero winaksi ko din.

"Your worst nightmare" ngayon lang ako nakarinig ng ganito ka lamig na boses. Yung parang nagyeyelo. Nakakatayo ng balahibo.

Sabay layas nito. Nakatulala lang ako sa hallway. Ng matauhan ako ay pinulot ko na lahat ng nahulog ko.

"Tse! Your worst nightmare daw! Yabang yabang ng lalaking yun."

Nagmadali nalang ako baka biglang bumalik yung mga lalaki kanina.

...
"Kumusta anak?" Tanong ni mama pagkauwi ko ng bahay.

"Naku ma, sobrang ganda ng school. Ang hightech ng mga gamit dun ma. Pero puro mayayaman nandun." Pagkukwento ko sa kanya.

"Buti naman anak at unti unti mo nading natutupad ang mga pangarap mo. Masaya ako para sayo anak." Juskq nagdadrama nanaman tong si mama.

Niyakap ko nalang sya.

"Hi! Hello! Mabuhay!" May maingay na bakla nanaman.

"Oh joselito bakit ka naparito?" Tanong ni mama.

"Ano ba tita diba sabi ko jessie. J-E-S-S-I-E" pagaarte nito.

"Ano ba! Bakla bakit nagiingay ka nanaman dito.

"My gosh cassie! You forgot!" Di makapaniwalanag tanong nito sa akin.

"Ano nga?" Tanong ko dito.

"You do note the liar is my peyk!" Naasar na talaga ako. Kaya ang ending sinabunutan ko nanaman ang bakla.

"Nakakaasar ka sis! Sinisira mo yung awra ko for today" juskq magkakaroon ata ako ngayon.

"Ano nga? Anong eksena mo ngayon?"

"Gaga ka! Manonood tayo ng concert ni shawn mendez!" Oh my gosh! Oo nga pala.

"Ano pang hinihintay mo tara na sis!" Hila ko sa kanya. I'm so excited! Makikita ko narin ang future tatay ng mga magiging anak ko. Char!

"Wait lang sis! Wait lang" napahinto naman ako. Kaloka tong baklang to ah. Kahit kelan talaga ang daming sinasabi.

"Ano nanaman ba?" Iritable kong tanong dito.

"Are you going with that look? Seriously?" Pagiinarte nito.

"Eh ano naman ngayon?"

"Sis look at that look! So grossed. Hay naku! Ewan ko talaga sayo sis! Magpalit nalang tayo ng katawan! Irarampa ko yan ng bongang bonga!"hay ang arte talaga.

"Oh ano? Tatalak ka nalang dyan? Baka tapos na ang concert" irap ko dito.

"Magpalit ka muna sis." Hinila niya ako sa kwarto ko.

Binuksan niya ang damitan ko at napaawang ang bunganga niya.

"Seriously! Eto laman ng cabinet mo sis? Mga chararat na damit? Asan na yung mga binibigay kong damit? Alam mo nakakasama ka ng loob. Nageefort akong magregalo sayo pero binabaliwala mo lang." At nagkunwari pa tong umiiyak.

"Pano ko naman isosoot yung mga damit na yun, masyadong nakikita yung kaluluwa ko." Reklamo ko sa kanya.

"Asan na nga?" Tanong nito.

Buksan mo yung isang cabinet. Sinunod niya naman yung sinabi ko.

"Ayan perfect!" Nagniningning ang kanyang mga mata.

Kumuha sya ng mga damit at inabot sa akin. Sinoot ko naman ito.

Jukq talaga di ko kaya suotin to sa labas.  Paglabas ko ng cr nanlalaki ang kanyang mata. Ang soot ko lang naman ay tube at pekpek short na pinarisan ng disruptor shoes.

"Oh diba, i told yah! So perfect! Ganyan dapat mga sinosoot mo!" Ano naman gusto mangyari ng baklang to sakin? Gawin akong pokpok?

"Oh tapos tara na" pagaaya ko ulit dito.

"Hephep, may kulang pa sayo." Haysst ano pa ba ang kulang.

"We have to put some makeup." Inikutan ko nalang ito ng mata.

Kinilayan niya ako, curl ng lashes, blush on at liptint saka konting powder. Nagtataka ba kayo kung bakit ko alam? Syempre bakla padin ako sis. Di ko lang talaga trip yubg mga ganung eksena.

"Siguro naman makakapunta na tayo noh" di na kasi ako umangal sa mga gusto niyang mangyari sa akin kasi libre niya lang naman eh. Hihi.

"Oo sis perfect! Tara na"

Sumakay kami sa taxi papunta sa venue ng concert ni Shawn. Ang daming tao. Nakakamangha. Ngayon lang ako makakanood ng concert.

Sawakas makikita ko nadin si Shawn my bebe boy.


...

Grabe nakakamangha pala dito. Sobrang dami ng tao. Nasa harap kasi kami kaya standing kami dito. Mas enjoy to. Mas masaya.

Ilang sandali lang ay nagumpisa na ang concert niya. Ngayon ko lang sya nakita ng malapitan! Sobrang gwapo talaga ng bebe boy. But sadly inahas sya sakin ni Camila!

Kalagitnaan ng concert dahil medyo siksikan na nga naiipit ako ng tao sa likuran ko.

Palagi ako tinutulak. Napapansin ko ha, parang sinasadya eh. Dinidikit niya yung katawan niya sakin eh.

Hinayaan ko nalang ito at di nilingon.
Tumagal pa ang concert. Pero bungo ng bungo parin ito. Ng di na ako nakatiis ay hinarap ko ito.

"Ano bang pr...." Napatigil ako sa sasabihin ko at nanlaki ang mata.

"IKAW!" ako.



Authors note:
Enjoy mga sis!

Most Valuable Vaklang PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon