Destiny Addict
Naniniwala ka ba sa fate? Destiny? Tadhana? Soulmate? O sa kung ano pang salitang synonyms ng mga yan.
Kasi kung naniniwala ka sigurado ako na hanggang ngayon single ka! Nganga 'di ba? Haha.
Well, hindi naman maiaalis sa ating mga Pilipino yung maniwala sa destiny lalo na't sa panahon ngayon na laganap na ang mga pelikula o palabas na may temang ganyan.
Yung tipong magkakabungguan kayo tapos on the next day magkikita ulit kayo. Di ba sobrang cliche? Gasgas na. At may certain point na imposibleng mangyari yon lalo na't ang laki ng Pilipinas! Haha.
Isa pang halimbawa. Yung nangyari sa kaibigan ko. Nakwento kasi niya sakin yung tungkol sa babaeng nakilala niya sa perya nung fiesta dito sa bayan namin.
"Pare! Alam mo ba may nakilala akong babae kagabi don sa perya!" Panimulang kwento niya.
"Oh? Niligawan mo? Haha" sagot ko naman.
"Wait lang tol. Patapusin mo muna ako. Kukuwento ko sayo kung paano kami nagkakilala" sabi niya. Tumango naman ako.
"Ganito kasi. Di ba kagabi huli na kong dumating? Paano kasi may isang babae na lumapit sakin tapos nagtatanong kung saan daw makikita yung bahay ni chairman. Ayon sinamahan ko. Grabe pare! Ang ganda nung babae. Alam mo yung simpleng maganda? Yung natural lang. Yung wala siyang kaarte-arte sa katawan. Yung bang parang Kathryn Bernardo! Grabe talaga pare!"
"Maganda nga, alam mo ba pangalan? Nakuha mo ba?" Tanong ko sa kanya.
"Yun nga eh! Umurong nga yung dila ko basta ang huling nangyari nagpasalamat siya tapos umalis na ko. Badtrip nga eh! Gusto ko pa ngang balikan kaso hindi ko naman alam kung anong gagawin ko"
"Tsss. Hina mo bro! Haha"
"Wushu! Di din! Tsaka bro, hindi ka ba naniniwala sa destiny? Alam ko at ramdam ko na magkikita ulit kami"
"Bahala ka"
So ayon nga! Haha! Dahil sa pagiging destiny addict ng kaibigan ko hanggang ngayon single pa din siya! Haha.
6 months na simula nung encounter nilang dalawa pero hanggang ngayon hindi padin niya alam yung pangalan at hindi padin sila nagkikita. Paano ba naman kasi inaasa niya lang sa destiny ang lahat? Ang gusto ata nung loko eh dadaan na lang yung babae sa harap niya. Hahaha.
My Opinion:
Hindi naman masamang maniwala sa destiny at wala naman sa bible o sa Philippine Constitution na pinagbabawal ito. Pero sana naman wag nating iasa ang lahat sa tadhana. Sabi nga ng matatanda "Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa".
----
Woooh! Chapter One finished! Hahaha. Ano pa bang pwedeng rason kung bakit single ang isang tao? Isip. Isip. Isip. HahaComment and Vote Please!
BINABASA MO ANG
Bakit Ako Single?
RandomSingle ka ba? Naitanong mo na ba sa sarili mo "bakit kaya ako single?" Maraming dahilan kung bakit single ang isang tao. Alamin....