Heaven and Earth
May idea ka ba kung ano 'to? Kung wala bahala ka. Haha. Joke lang. Haha. Pero alam mo ba na isa tong rason kung bakit single ang isang tao - heaven and earth. Langit ka, lupa ako or vice versa.
Aminin man natin na mayroon talagang ganyang kwento sa totoong buhay. Yung bang nagkakagusto ka sa taong mayaman sa yo o kaya naman mas mahirap sa yo.
Bakit ko nasabi na isa to sa mga rason? Ganito kasi based on the experience of my schoolmate/friend. Ito kasing kaibigan ko na 'to mayaman as in sobrang yaman sila sa lugar namin. Mayroon kasi silang palaisdaan, manukan at babuyan sa probinsya nila. Lahat na ata ng gusto nitong material na bagay makukuha niya. Pero may isang bagay na hindi niya makuha kuha. Yun ang puso ng iniibig niya. Bakit? Kasi may hadlang - hadlang ang salitang estado ng buhay.
Araw-araw siyang nanliligaw don sa babae. Hatid-sundo sa bahay, kasabay kumain lahat ng ginagawa ng normal na nanliligaw ginagawa niya hanggang sa magmeet sila ng parents nung babae.
Oo nga pala! Yung babae hindi ganon kayaman. Yung magulang niya naglalaba lang at yung tatay naman niya ay tricycle driver naman.
Yun nga pumunta yung kaibigan ko sa bahay nung babae. Masaya siyang nagkukwento samin tungkol kung gaano siya kaexcite pumunta don.
Tapos,
Habang nasa bahay kami ng mga katropa ko bigla siyang dumating. Tinanong namin siya kung kamusta yung lakad niya, kung nagustuhan ba siya nung magulang nung babae. Pero hindi siya sumagot bagkus may tumulong luha sa mata niya.
Sabi niya nung una daw gusto siya nung magulang nung babae. Pero nung sinabi na niya yung mga negosyo nila bigla daw nagbago ang ihip ng hangin. Umayaw daw yung mga magulang dahil daw langit siya at lupa sila.
Nagpaliwanag siya na okay lang, na wala yung problema pero ayaw talaga ng magulang nung babae. Baka daw kaai isipin ng madami na pineperahan lang siya.
Haynako. Kaya ayon hanggang ngayon single padin yung schoolmate/friend ko.
My opinion:
Ako, hindi ako naniniwala sa ganyang kwento. Langit at lupa love story? Sus! Kapag nagmahal ka kahit anong estado mo sa buhay okay lang dahil hindi naman pera ang tumitibok kundi puso.
Pero hindi naman talaga mawawala yung ganyang paniniwala lalo na sa mga mayayamang pamilya. Di ba?
Pero still at the end of the day ikaw padin ang magdedecide sa buhay mo.--
Witwew! New chapter! Yiheeee!
Comment and Vote :)
BINABASA MO ANG
Bakit Ako Single?
RandomSingle ka ba? Naitanong mo na ba sa sarili mo "bakit kaya ako single?" Maraming dahilan kung bakit single ang isang tao. Alamin....