FriendzoneSa tingin ko madaming tao ang makakarelate sa salitang 'to.
Isang salitang kayang magpawasak ng puso ng isang tao - mapalalaki man o babae.
Friendzone? Ano nga ba ang friendzone? Ito yung isang uri ng relasyon kung saan hanggang kaibigan ka na lang. Yung kahit anong gawin mo kaibigan ka lang at hanggang doon ka na lang.
Masakit mang isipin pero wala eh. May mga bagay lang talaga sa mundong ito na may hangganan.
Ikaw na friendzone ka na ba?
Gaya ka ba ng pinsan ko na todo-effort sa panliligaw sa huli friends lang pala o katulad ka ng kaklase kong babae na nainlove sa bestfriend niyang lalaki pero hanggang kaibigan lang pala talaga.
Wooh! Grabe sa twing maaalala ko yong nangyari sa kaklase ko di ko maiwasang hindi maawa sa kanya.
"Uyy classmate patulong naman oh!" Sabi niya sa akin.
"San? Bakit?"
"Pwede bang magtanong?"
"Ano yon?"
"Ano ba pwedeng ibigay sa taong mahal mo? Kunwari may magbibigay sayong regalo ano gusto mo?" Tanong niya sakin. Napaisip naman ako. Ano nga ba?
"Kahit ano naman basta alam kong nageffort siya. Basta wag lang picture frame. Haha" sabi ko.
Siya si Mae. Classmate ko since elementary. Ngayong high school classmate ko padin siya. Sa totoo lang kilala ko na yung tinutukoy niya - kilala ko na yung pagbibigyan niya ng regalo - si John. Siya yung bestfriend ni Mae. Sa totoo nga pag titignan mo silang dalawa parang more than bestfriends pa. Sobrang clingy kasi nila sa isa't-isa tapos may mga times na sobrang sweet din nila.
Dumaan yung oras hanggang sa nagkaroon ng ingay dito sa loob ng room. Tilian ng tilian yung mga classmate ko lalo na yung mga kaibigan ni Mae. Napatingin ako sa harap ng classroom at nakita don si Mae na may hawak ng gitara.
"Hey bhes! Pakinggan mo to ha! Para sa'yo to!"
Tumugtog siya ng isang love song. She's a good singer. Napapasabay niya yung audience. Tumingin naman ako kay John. He's smiling pero mukhang pilit.
After tumugtog ni Mae lumapit sa kanya si John at kinausap ito. Lumabas sila ng classroom.
Lumipas ang oras hindi pa din sila bumabalik. Pero bumalik din sila matapos ang lunch time.
Mugto ang mata ni Mae. Para bang galing siya sa pag-iyak.
Hanggang sa nalaman ko yung totoong nangyari matapos yung ginawa niya. Bali-balita na sinabi daw ni John na hanggang magkaibigan lang daw talaga sila.
Hayyyy.
My Opinion:
Friendzone? Bakit pa kasi nauso yan eh?! Pati tuloy ako nadamay na diyan! Hahaha. Hindi ka normal na tao kapag hindi ka pa nafriendzone! Tama diba? Haha. Pero realtalk na! Hindi naman masama kapag nafriendzone - masakit oo pero hindi naman ibig sabihin nun na ititigil mo na yung nararamdaman mo sa taong yon. Maybe God knows na hindi talaga kayo meant bilang lovers. God plans everything. Maaring dumating siya sa buhay mo bilang kaibigan lang talaga. But it doesn't mean na lalayo ka, na kakalimutan mo siya. Just always remember this - ang pag-ibig mabilis mawala yan pero ang friendship hindi.
-----
Another finished chapter! Woooh!
Comment and Vote pleaseee!
Plug my stories na din :)
BINABASA MO ANG
Bakit Ako Single?
RandomSingle ka ba? Naitanong mo na ba sa sarili mo "bakit kaya ako single?" Maraming dahilan kung bakit single ang isang tao. Alamin....