Stuck in the Past
Naranasan niyo na bang magmahal ng todo sa isang tao? Yung tipong sa kanya na lang umiikot yung mundo mo? Yung bawat segundo,minuto at oras ng araw eh lagi siyang nasa isip mo?
Kung oo, edi ang swerte mo! Haha. Joke! Pero seryoso alam niyo ba na hindi maganda sa isang relasyon ang mga ganyang bagay? Kasi once na dumating yung oras na magbe-break na kayo hindi mo kakayanin yung sakit hanggang sa hindi ka makapagmove-on at dahil hindi ka makapagmove-on maiistuck ka. Maiistuck ka sa past mo which is isa sa mga dahilan kung bakit single ang isang tao.
Gaya ng kwento ng tito ko na hanggang ngayon eh single pa din.
Si Tito Dave ay 35 years old na pero hanggang ngayon binata pa din. Isa sa mga rason kung bakit single siya ay dahil mahal pa niya ang ex niya. Si Ate Dianne ang ex niya. 8 years silang magkarelasyon and last year natapos ang lahat.
Sobrang lungkot ni Tito Dave na halos dumating yung point na gusto niya magpakamatay.
Isang taon na ang lumilipas pero hanggang ngayon ramdam padin namin na mahal padin ni Tito si Ate. Hayyy. Pag-ibig nga naman.
My opinion:
Agree ako sa reason na ito. Isa siguro ito sa pinaka the best na rason kung bakit single ang isang tao.
Moving on is not an easy thing. It takes a lot of time to heal the wounds brought by the past.
Siguro sa una mahirap pero dadating yung oras, yung panahon na magiging okay din yung lahat na magiging handa ka na ulit sa bagong tao na magbubukas ng puso mo.
---
Positive vibes babe! XD
Comment and Vote
BINABASA MO ANG
Bakit Ako Single?
RandomSingle ka ba? Naitanong mo na ba sa sarili mo "bakit kaya ako single?" Maraming dahilan kung bakit single ang isang tao. Alamin....