Chapter 4: IGNORANCE is :'3

99 12 3
                                    

  ♦♦♦♦♦♦

---ZELLE←

Good morning!!!....

hahaish... Klase na naman ^________^ tsk! Gusto kong maging teacher kaya syempre grab the opportunity na... Buti na lang talaga may scholarship ako...

Pumunta ako sa cafeteria after class. As usual mag-isa ako, uso pala kasi dito discrimination kaya wala tayong magagawa kung walang gustong makibagkaibigan sa akin... Tsk. Ok lang naman yun

hehe feel ko kasi pag nakasabay ko mga tao dito hindi din naman ako comfortable.

May tao akong gustong maging kaibigan. Si Grey, kahit naman masugit yun alam kong mabait naman yun. :)

Speaking of Grey kahit pala an'sama nun kinokonsensya din naman pala. Hindi nga lang marunong humingi ng tawad, minura ba naman ako... B*tch daw at anu pa yung pinagsasabi ng lalaking yun kagabi.

Hinatid niya ako kagabi sa dorm at biruin mo yun pinalitan niya yung benda sa braso ko. ^_______^

Hindi ako nakapag-almusal kanina, ano naman kasing kakainin ko wala nga akong pera.

Ngayon ko lang nakuha ang allowance ko from this school.

Yehey!!! For the first time makakain na ako sa cafeteria.

Pumila ako sa lumilinyang estudyante nang may sumingit sa harap ko.

"P-pumila p-po kayo ng maayos" sabi ko, and why am i stuttering? ano ba naman kasi takot akong may makabangga ako na kahit sino.

Tinitigan lang ako ng babae sa mata at waring nagsasabi na 'Tumahimik ka'. Hindi na lang ako  umimik iniwas ko na lang ang tingin ko. Kaya napatawa ito ng mahina dahil sa inasal ko.

"hey!!!" Angal ng babaeng sumingit sa unahan ko kanina. May sumingit din kasi sa dito.

Aangal pa sana ito pero parang napipi siya ng humarap sa kanya ang bagong dating na sumingit.

Hindi ko inaasahan na hihilain ako ng babae papunta sa harap nito. Hindi pala ito nag-iisa dahil kasunod nito ay isang magandang babae na parang familiar o may kahawig. ?? ♣

Titig na titig ang babae sa akin ng magtama ang aming mga mata, hindi ko alam kung paano magreact kaya naging seryoso na lang ang mukha kong nakatitig sa kanya. Hindi ko maipaliwanag ang naging reaksyon ng babae, umiwas din ito at tumingin sa ibang direksyon.

"Huwag kang sisingit! kung ayaw mo din na may sumungit sa iyo. Matuto kang maghintay!" sabi ng babaeng nasa likod ko ngayon nakapila sa babae na unang naningit sa linya. Mahinahon lang ang pagkakasabi nito pero puno ng diin. Tumahimik na lang ang babaeng pinagsasabihan nito at bakas dito ang takot sa babaeng nasa likod ko.

Bakit sino ba siya???...

Sino ba ang mga taong ito??...

Kumain na ako, hindi kuna talaga kayang hindi kumain.

*burp!*

Yey!!! BUSOG!!! ^_______^

*Natigilan ako.....

Natapunan ako ng Softdrinks at spaghetti sa damit ,may ulam at kanin pang natapon din sa akin.

"Oooh...." narinig ko sa karamihang tao na nasa cafeteria. Nakatingin sila sa direksyon namin.

Natapunan ako ng dalang pagkain ng babae kanina sa pila

(yung unang sumingit)

The stain is all over my white dress na hindi na white ngayon pati ang buhok ko may spaghetti pa at sauce. Ang lagkit lagkit ko, nahihiya ako ang daming nakatingin sa akin at may nakita akong nagbubulungan, nagtatawanan. May mga pasimple pang kumukuha ng litrato sa akin, problema nila???... Bakit sila ganun... Tapos ang babaeng may ari ng pagkain na tumapon sa akin ay pasimpleng ngiti.Hindi ko alam kong anong nararmdaman ko ngayon. Parang gusto kung magtago sa shell ko as if pagong ako.

MISTAKEN IDENTITY (Who she is)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon