"Oi Grey! Ang sama mo talaga! Minsan nalang ako magkaroon ng kaibigan eh!! Kita mo di niya ako tinext kasi akala niya may boyfriend na ako!" Reklamo ko kay Grey.
"Kung gusto ka niyang maging kaibigan kahit may boyfriend ka makikipagfriend parin yan sayo."
"Anong gusto mong ipaabot aber?"
"Nagpapacute yun sayo! Hindi naman cute! Paselfie selfie pa, nilibre kapa ng cotton candy. Bakit Cory ganun ka naba talaga ka pulubi at nagpapalibre ka kung kani kanino?"
"Ayan ka na naman oh.. insulto pa pre! Pasalamat ka talaga mabait ako... at gusto kita.." sinadya kong hinaan ang last words na aking binitawan.
"Ano?"
"Wala! Bakit anong pinuputok ng botse mo? Haha selos ka??" Mang asar nga.
"Oo selos ako..." anu daw??. Teka umiinit ata pisngi ko. Nagseselos siya??? Humaaaaaay!!!!
"Anong nginingiti ngiti mo diyan ha? Dahil slave kita bawal kang makipagflirt sa iba. Its unfair! Nagseselos ako dahil baka magkaboyfriend ka tapos ako na master mo brokenhearted?"
Asar! Ako pala ang maasar kasi naman eh... Slave nga pre!! Tsss
"Aba kawawa naman ako No BOYFRIEND SINCE BIRTH tapos pagbabawalan pang magboyfriend? Asan ang hustisya?... "
Dedma...
Tinalikuran ba naman ako.
----------
Wala na namang pasok kaya its time to work na...
Nagluto ako ng breakfast...
Day off pala ng mga kasambahay dito. Parang sinasadya ata ni Grey to eh.
*knock knock*
"Hi breakfast is---
Ito talaga si Lady Shane... *sigh* gutom na siguro yun.
*knock knock*
"Good morning!! Breakfast is ready!"
Hindi man lang ako binati. Napaka moody talaga nitong mga amo ko...
Nalampasan na ako ni Grey saka ako pumasok sa kwarto ko. Humiga na ako...
Gutom na ako... huhu sana pala nauna na akong kumain kanina.
*knock knock*
"Who's there?"
Agad kong binuksan ang pinto.
Bakit pala nandito patong si Grey akala ko ba bumaba na ito ng hagdan at kumain. Matatagalan pa tuloy ang torno ko sa pagkain."Po??"
"Anong ginagawa mo dito?" Hala diba dapat ako ang magtanong sa kanya kung anong ginagawa niya dito?
"Maghihintay ng torno?"
Kumunot na naman ang noo nito.
"Doon ka sa baba! Huwag kang hihiga higa dyan."
Hai naku!!
Nakasunod ako kay Grey at nang makababa kami ay dumiretso na ito sa hapagkainan ako naman sa couch umupo.
"San Jose!" Nilingon ko si Grey. Kung makatingin to parang mangangain ah.
"Sumabay kana gutom na ako talaga! Si kuya kasi!!" hindi na nakapagtimpi si Lady Shane. Ah haha yun pala?? Kumuha ako ng pinggan ko at kanin at ulam sa kusina. Good for two lang kasi sinet ko eh. Sa pinakadulo ako ng table pumunta at nang ilalapag kuna sana ang mplato ko ay---
"What are you doing? Dito ka!" Naku bakit ba highblood tong si Grey.
-------
Nagkulong lang si Grey sa kwarto nito si Shane naman bumalik sa school may tatapusin daw.
Naglilinis ako ng kusina ng makita ko ang papel na nakadikit sa ref.
-Hija pinagpahinga kami ni Grey at hindi pa pala ako nakapagrocery pwedi bang ikaw nalang muna... salamat hija...--Nanay bebing
Nakita ko ang listahan kasama ng note. Gamitin ko daw muna ang sarili kong pera irefund ko nalang daw pag nandyan na si nanay bebing.
Tumawag ako sa gwapo kong bestfriend.
-Hi my loves nagtawag ka haw? Nahidlaw ka sa akon?- (T:hi my loves bakit ka tumawag? Namiss mo ako?)
"Oo my loves! Haha paano ba gumamit ng ATM card hahaha"
-ikaw talaga my loves!! Sige turuan kita-
Ayun tinuro sa akin ni Fritz kung ano ang aking gagawin. Nakuha ko din naman.
Kumatok ako sa kwarto ni Grey para magpaalam.
Bakit walang sumasagot o bumukas ng pinto. Naku! Pinihit ko ang door knob. Hindi naman pala nakalock pagbukas ko nakita ko si Grey na mahimbing ang tulog naktopless pa. Whew! Nag iwan nalang ako ng note na aalis ako't mamamalengke.
------
Nagulat ako sa lamanng ATM card na bigay sa akin ni tita Jill. May ganoong pera pala ako??? Humaaaaay.... Napakalaking halaga na ang 50,000 pwedi na akong umuwi sa amin kaso kailangan ko pang mag aral sayang naman ang scholarship ko kung diko tatapusin.
GROCERY STORE....
Pinamili ko yung ibang Grocery items. Naisip kong bumili ng mga gulay sa palengke parang mas fresh pa kasi doon at pweding tumawad. iniwan ko ang mga pinamili ko sa grocery storesa kanilang baggage counter. Nagpaalam lang akong may bibilhin lang sa labas saka ko nalang kukunin ang mga grocery items na binili ko.
Sumakay ako sa taxi, hindi ko kasi alam kung saan ang palengke na bagsakan ng mga gulay at prutas. Pagkababa ko ng taxi, nagtaka ako...
Hindi niya ako sa palengke ibinaba...
Humarap ako sa kinaroroonan ng taxi pero pinaharurot na pala nito ang sasakyan.
Malakas ang kutob kong may mangyayaring di maganda.
Ay kasalanan ko to eh!!!
Naglakad ako sa isang iskinita may nadaanan akong mga lalaking nag iinuman at pinag titinginan nila ako. Naku!
"Mga pare dadaan lang ako ha!"
Aba mga siga. Huhu sana makalusot."Miss! Teka!!!" Tawag sa akin ng isang lasing nang malampasan ko sila.
Mahinahon akong tumigil at lumingon.
"Po?"
"Ingat ka miss!"
Woooo nakahinga ako ng malalim. Ngumiti ako at kumaway at saka pasimpleng lumakad ng mabilis. Pagliko ko nagulat ako sa tumambad sa aking harapan.
Oh my gulaaaaay...
"Dead end!!!"
![](https://img.wattpad.com/cover/24820441-288-k215500.jpg)
BINABASA MO ANG
MISTAKEN IDENTITY (Who she is)
RastgeleWhat if you'll find yourself facing something that you don't expect that you're facing right now? will you really face it or run away?... bwahahahaha anu daw?.. ok She's ZELLE CORAZON HULYO SAN JOSE, well known sadako (filipina version?) haunting...