____________________________________
WHAT: ACQUAINTANCE PARTY
THEME: BLACK AND WHITE!!!...
July 18, 20××♠Acquaintance Ball♥
YOU ARE INVITED!!!
____________________________________
Acquaintance party??? *sigh*
maaOUT OF PLACE lang ako doon. I don't even have something to wear sa ball na yan. Saan naman ako kukuha ng gown. As if naman may fairy god mother na dumating. Hihi this is reality and there's no such thing as fairy god mother....
-_________- tinago ko ang invitation sa bag ko. Pinagpatuloy kuna ang aking trabaho.
Nagliligpit kasi ako sa faculty room. Naisip ko lang ilang janitor and janitress kaya ang nagtatrabaho dito no? ang lawak ng school at madaming buildings and CR, classrooms etc. Haish mabuti lang at sa main CR ng girls lang ako na-assign whew. Isa lang ang assigned na lilinisan ko MAIN patalaga. Hindi lang pala dun MUCHACHA nga pala ako ng SCHOOL that means kung anu ano lang ang pinapagawa sa akin. Punta ka dun! Dalhin mo to! Gawin mo to! Linisan mo yan! Bilhan mo kami nito!...
Wow! Tinotoo nga nila ang sinabi kong handa akong pagtrabahuan ang half ng scholarship ko.
Do I have a choice???...
Nang natapos ko na ang gawain ko ay pumunta ako sa cafeteria. I'm so glad may professor din pala dito na may konsensya. Binigyan ako ng pera panmeryenda hihi gamot sa pagod ^_________^
Whoaw nalalaway ako sa mga pagkain dito. Humaaaay FOOD yhey I love you! You love me too right? Make me satisfied \^_________^/
"Hoy miss!! Bibili ka ba o hindi???" Sabi ng dalagang tindera. Grabi!! Sungit comrade ata to ni Grey sungit eh. Tsssk Hindi niya ba alam ang salitang MOMENT KO TO? Nagmomoment pa nga...
Nang makabili na ako ng kakainin ay naghanap na ako ng mauupuan.
"Hey I'm so excited! This is my first time of course first year pa lang ako dito."
"oh yeah you won't regret it Jane. Third year na ako dito and three years din akong naamazed sa mga activities dito."
"Hey nakabili ka na ba ng gown mo? four days na lang Acquaintance party na.."
"Not yet."
Oh hey hindi obvious na excited sila ano?... Tsss kahit gusto ko mang pumunta e hindi talaga ako pwedi. Nac-curious ako sa mga ganyan. Hindi pa talaga ako nakakasali dyan, simpleng okasyon lang nga sa school hindi ako makabayad paano pa kaya kung sa school nang tulad nito.
I missed my family, sana hindi na sila guguluhin ng------
Oh my!!!...
Natatakot ako, kinakabahan ako para sa pamilya ko...
Naalala ko ang katagang yun. Ang pagkakasabi nun, natatakot ako sa mga pweding mangyari.
"Hahanapin ko pamilya mo at paparanasin ang impyerno!!! Tandaan mo yan!!! Di namin palalampasin to... Maghintay ka sa kamatayan mo"
Kahit hindi ko man pinapahalata palagi akong inaatake ng pangangamba, takot sa pwedi nilang gawin sa pamilya ko. Wala pa naman akong contact sa kanila. Paano ko masisiguradong ligtas sila???
Dagdagan mo pa ang aking mga bangungut! :( Minsan akong dinadalaw ng masasamang panaginip na parang totoong totoo. Tanging panalangin lamang ang aking nagagawa. I know the God I trust will never leave nor forsake me and my family. I trust His will.
-------
Naglakad ako para makalimutan muna ang aking mga problema :) I'm so blessed to be stressed hehe
I'm back to my senses ng may humila sa akin.
Si Ethan??
"Hoy Corazon!! Who said to you that you are allowed in here?!!!"
Galit na saad ni Grey, nakakunot pa ang noo at whew parang magsasampukan pa ang kilay...PROBLEMA NITO???. =________=
"Malapit kanang tamaan." Sabi ni Ethan at tumingin ito sa isang direksyon kaya narealize ko na kung hindi niya ako hinila baka pinaglalamayan na ako.
"Leave or I'll kill you with this?" Tinutukoy nito ay ang hawak na pana.
Bakas ang inis na saad ni Grey.
Ano bang problema ng bugnutin na to? Bakit palagi na lang itong naksimangot! Kahawig niya pa naman ang guy of my dreams. Kabaligtaran niya talaga si Mario my labs... -_______-
"Naiinis ako sa tulad mong TANGA!!!" wow diniin niya pa talaga ang salitang tanga. Parang naka-capslock in bold letters pa....
whoaw that stabbed me. Can i say OUCH??? Teka mind reader ba siya??
"hoy Grey scholar kaya ako at base kay ms.beautiful Yvone matalino daw ako dahil nakapasa ako." Mas hindi maipinta ang mukha nito.
"SHUT UP!!!" Sinigawan niya ako.
halaaaa hindi niya ba matanggap na matalino ako???
"Naturingan ka ngang matalino hindi ka naman makaintindi!!! I said you don't have the right to call me Grey!!! And don't you mention that girl's name."
"Teka bakit wala akong right? Pinangalan ka pa ng nanay mo kung hindi naman pala----"
"I SAID SHUT UP!!! Sigaw na naman ni Grey habang npasapo sa noo niya ang kanyang palad.
Si Ethan naman palihim na ngumingiti.
"I'll say it again... LEAVE or----" Umalis na ako ng makita kong kinuha niya yung pana at nilagyan ng bala... WhEw!!! Ayoko pang mamatay....
Narinig ko pang tumawa si Ethan.
---------
Nasa kwarto ako ng maalala ko naman si Grey.
W-wait!! What? Grey?? No i'm not thinking about him ... Si MARIO MAURER ang iniisip ko...
May kinuha ako sa bag ko.
Yung notebook ko noong highschool. Hehe pag-open ko nito puro mga pictures ni Mario my labs yung nakadikit sa notebook , hindi naman halata na hinahangaan ko ito. Nung mabuklad ko yung last page nakita ko ang listahan ng mga numbers ng mga kaibigan ko.
^_________^ HOPE
-_________-
WALA AKONG CELLPHONE...
×××××××××××××××××××××××××××××
A/N: Hindi ako satisfied sa chapter na to. Pasensya ^_________^
naSHORT din...
AGAIN madami o maliit ang readers nito i will still do my best na tapusin to. Something's pushing me to write hehe certified author na ba ako??? hihihi
♥LOVE

BINABASA MO ANG
MISTAKEN IDENTITY (Who she is)
De TodoWhat if you'll find yourself facing something that you don't expect that you're facing right now? will you really face it or run away?... bwahahahaha anu daw?.. ok She's ZELLE CORAZON HULYO SAN JOSE, well known sadako (filipina version?) haunting...