Nakatitig na naman ako sa harap ng bahay nila.Ibig sabihin lang nito, lasing ako
Tuwing nalalasing ako, automatic na nagdadrive ako papunta dito.
Wala pa ring pagbabago
Wala pa ring tao
Sarado pa rin ang ilaw
Itataas ko na sana ang bintana ng kotse ko nang mapansin kong bumukas yung gate na tila may lumabas.
And I saw her
Agad naman akong bumaba at hinabol siya. Nang maabutan ko siya hinawakan ko agad ang kaniyang braso kaya humarap naman siya sakin.
"T-Trevor?"
"Yaya Manang..."
Nakaupo kami dito sa back seat ng kotse ko
"Kamusta ho?"
"Maayos naman ako Ihjo, pero di maikakaila na may nararamdaman na rin dala ng katandaan." natatawa nitong sagot.
"K-Kamusta ho siya?"
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito bago sumagot.
"Ang alam ko lang, binebenta na ang bahay kaya pinapunta ako don para tingnan ito."
"Bakit ibebenta ang bahay?"
"Gusto nung may-ari Ihjo..."
"Gusto ko rin yung may-ari ng bahay kaya di ko pa rin sya kayang pakawalan, ganon din ho yung bahay. Yaya Manang this house definitely cannot be sold to others. I want to keep this house..."
"Ibig mo bang sabihin..."
"Yes po, ako ang bibili nitong bahay."
"Pero Ihjo hindi ko sigurado kung gusto nung may-ari na sayo mapunta tong bahay..."
"Yaya Manang nasan ho ba siya? 2 years na pero di pa rin siya bumabalik. Ilang beses ko na ho siyang hinanap. At nung nakita ko kayo...pakiramdam ko makikita ko na siya..."
"Mahirap hanapin ang ayaw magpahanap..."
Natahimik naman ako don.
"Gumagabi na Ihjo, mauuna na ako."
"Salamat po pero hindi ho ako susuko Yaya Manang."
Tumingin muna siya sakin bago siya tuluyang bumaba ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
PESTENG DARE ENDING
Short StoryAng istoryang mahigit 5 years mong inantay ang ending ay finally may ending na! Basahin mo na.