46

84 5 0
                                    

Sabi niya dalawang araw, pero tatlong araw akong hindi dumalaw sa hospital. Inaayos ko kasi yung plano ko. Magpopropose na ako sa kaniya mamaya. Papakasalan ko siya kahit ilang araw ko nalang siyang makakasama. Ininform ko na rin nung isang araw si Yaya Manang at Kuya Tomi sa plano ko ngayon.

Nag-aayos na ako para pumuntang hospital nang tumunog ang phone ko.

"Hello?"

"Trevor s-she passed away..."

Tumigil ang mundo ko at nanikip ang dibdib ko.

"P-Papunta na ako dyan."

Nanginginig na binaba ko yung phone ko at kinuha ang susi ng kotse.

Hindi ako makapagmaneho ng ayos dahil napupuno ng tubig yung mata ko. Halos paliparin ko rin yung sasakyan para lang agad akong makarating sa hospital.

Akala ko ba pagbalik ko nandito pa rin siya at naghihintay?

"N-Nasan na siya?"

"Ang bilin niya sakin, icremate ko muna siya bago ko sabihin sayo na wala na siya. Nagbiro pa nga siya, na baka pag sinabi mong di mo kayang mabuhay ng wala siya ay bigla siyang bumangon."

Halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko ngayon.

Sobrang sakit, doble pa sa sakit na naranasan ko nung una siyang nawala sakin.




It's been 3 days since that day...

Hindi ko pa rin matanggap na wala na siya.

"Lumabas ka nga dyan sa kwartong yan."

Natigilan naman ako sa narinig ko.

"J-Jhaecy? S-Sige ayos lang na dalawin mo ako...miss na miss na kita."

"Buksan mo na yung pinto."

Nagtaasan naman ang balahibo ko.

"Ayos lang kahit nakakatakot ka, at least alam kong binabantayan mo ako."

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ko.

"A-Akala ko..."

"Sabi na eh, magiging ganyan ka..."

"B-Bakit sabi nila...."

"Huwag mo silang sisihin, ako ang nagsabi sa kanila na sabihin sayo."

"B-Bakit?"

"Kasi ayokong magpropose ka sakin! Ayokong matali ka sa taong malapit ng mamatay. Ayokong makulong ka sa sitwasyong ganito...gusto kong tuparin mo yung pangako mo sakin..."

"Hindi ko pala kaya." Umiyak na ako sa harapan niya.

"Birthday na birthday mo umiiyak ka. Ano ka ba! Tara nga don sa basement niyo." Hinawakan niya ako sa kamay. "Pero syempre itulak mo tong wheelchair ko."

PESTENG DARE ENDINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon