47

85 4 0
                                    


Jhaecy's POV

I always imagined my future with him.

But one day, someone slapped me with the truth that I can't have him.

I never knew I would wake up so soon from the fantasy I created and need to get up to face the reality.

This is no fairytale.

I need to let go of him...

Nang makarating kami sa basement ay pinaupo ko siya sa upuan na nasa gitna. Sinenyasan ko naman si Kuya Tomi na buhayin ang ilaw.

Nagliwanag ang buong basement.

Napansin ko naman siyang nakatingin sa projector na nasa harapan niya.

"Sobrang pasasalamat ko sa Panginoon dahil nandito pa rin ako sa birthday mo..."

Lahat ng pictures namin ay nagfaflash sa Projector.

Nung Gabi sa party
Nung unang date namin
Nung sa bahay

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko habang tinitingnan ang mga naka flash sa screen.

Napansin ko rin naman ang pagtulo ng luha niya.

Huminga muna ako ng malalim.

"2 years ang nakalipas pero gusto kong malaman mo na hindi kita nakalimutan. I still remember every single thing about you. I remember the moment we met, it wasn't magical. You were just a random stranger, dahil di naman tumigil non ang oras, hindi naging slow motion ang lahat and my heart didn't even skip a beat, inis pa nga ang naramdaman ko. Yes, at first, I thought it was just nothing. But then, I was wrong." I smiled at him.

"I still remember the the way you talk to me, the way you laugh at me, the way you irritate me, the way you kissed me and the way you held me in your arms. I remember how we argued about the little things na halos araw-araw tayong parang aso't pusa na nagtatalo, at ang nakakatawa don ay walang gustong magpatalo..."

Naka flash ngayon sa projector yung nasa disguise room kami.

"I hope natatandaan mo yang araw na yan. At tanda ko pa rin yung sinabi mo sa guard nung nagpunta tayo sa Mall na nakadisguise tayo. Maraming nagsasabi bakit ako? Ang dami kong basher kasi ang dami mo talagang taga hanga, at naging palaisipan yon sakin kung bakit nga ba? But now I know kung bakit...you are more than enough. Thank you for all the memories and all the firsts. You made me feel like I'm the luckiest girl existing in this universe. And you don't need to win me back because even after almost two years of being away from you, you still have my heart because you never really gave it back. I know we are something that only us can define. We have something that only the two of us know..."

Bigla itong tumayo sa kinauupuan at naglakad papunta sakin.

Hinalikan niya ako sa noo kaya napapikit ako.

"Gusto ko ring magsorry dahil lahat ng pinapakain ko sayo dati ay hindi naman talaga ako ang nagluto kundi si Tori, sorry kasi ganda at talino lang meron ako, ay parang talino nalang ngayon kasi wala na akong buhok kaya di ko masasabi kung maganda parin ako sa paningi---"

Hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil bigla niya akong hinalikan sa labi, mabilis lang yon pero puno ng pagmamahal.

"I-Ikaw lang ang maganda sa paningin ko My Queen..."

Sinubukan kong tumayo at inalalayan naman niya ako.

Niyakap ko siya.

"M-Mahal kita..." bulong ko sa kanya.

"Mahal din kita." He answered.

Bigla naman akong nakaramdam ng panlalabot at nanlalabo na rin ang paningin ko.

"J-Jhaecy?" Narinig kong tanong niya.

Nagpapanic naman na lumapit samin si Kuya Tomi at Yaya Manang.

"Dalhin na natin siya sa hospital!" Narinig kong sabi ni Kuya.

Unti-unting nagdilim ang paningin ko.

Pero alam kong hindi ko pa siya pwedeng iwan hangga't di niya sinasabi sakin na okay na sya...

At pinapalaya na niya ako.

Trevor's POV

"M-My King..."

Nagising naman yung diwa ko nang marinig ko ang pagtawag niya kaya nag-angat ako ng mukha.

"B-Bakit di ka don matulog sa sofa? M-Mangangalay ka..."

Kung hindi ko siguro siya kaharap ngayon, umiyak na ako.

Kitang-kita ko na hirap na hirap na siya.

Kailangan ko na ata talaga siyang pakawalan.

Huminga ako ng malalim at pasimpleng kinagat yung labi ko para pigilan ang aking mga luha.

"I still cry, but I know I can do this. We may not end up the way we wanted, but I will always feel lucky and blessed that somehow in my life someone as beautiful as you passed by. I love you, I will always love you. Alam kong pagod ka na...don't worry okay na ako..pwede ka ng magpahinga. My Queen, my Leon, my Love I'm letting you go now..."

Ito yung mga salita na sobrang hirap bitawan pero kailangan.

She smiled. "T-Thank y-you..."

And then I heard the sound of the monitor.

Pantay na ang linya nito.

Hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina pa gustong kumawala.


-
Author's Note:
Ibuhos mo muna lahat ng luha mo bago mo basahin ang next chapter hehe

VOTE and COMMENT

PESTENG DARE ENDINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon