"Unggoy..."
Napamulat naman ako dahil sa boses na yon.
"Thanked God you're awa---Ay peste!"
Bigla ko siyang niyakap.
"N-Nasa langit na rin ba ako? Okay lang basta magkasama na ulit tayo."
"Aray ko, kagulat naman to. Miss na miss ako ah! Yaya Manang, patawag po si Doc."
"Okay Ihja."
"Daddy!" Napansin ko yung batang tumawag sakin ng Daddy.
Tinanggal ni Jheacy yung pagkakayakap ko sa kaniya.
"Halika our little boy...okay na si Daddy, gising na siya." Inupo niya sa hospital bed yung bata.
"Daddy giting na ikaw yey!" Napapalakpak ito.
"A-Anak ko?"
"Aba! Halos 5 years na tayong kasal tas pagdududahan mong anak mo yan? Bigwasan kaya kita dyan!"
"P-Paano?"
Napansin ko namang namula ito at tinakpan ang dalawang tainga ng bata.
"So sa harapan ng anak natin mo ba gustong pag-usapan yan? Aba inosente pa yu---"
I kissed her.
Mabilis lang kasi nakatingin anak namin.
"Sa wakas gising ka na. Akala ko mababalo agad ako eh! Thank you Lord at hindi naman!"
"Ano bang nangyari?"
"Inaayos mo yung butas sa bubong natin tas nadulas yung paa mo sa hagdan ayun bumagsak ka at napatama ulo mo."
"Ilang days?"
"7 days kaya batong bato na ako dito sa hospital! Let's do something you like pagkalabas natin dito."
"So sa harapan ng anak natin mo ba gustong pag-usapan yan? Aba inosente pa yung bata." panggagaya ko naman sa sinabi niya kanina.
"Baliw! Ang sinasabi ko ay, gusto mo bang lumabas at panuorin ang paglubog ng araw? Mag travel? Ganyan, what do you want to do? Ang isip mo ha! May anak na tayo, tama na muna."
"We're doing it already."
Napakunot naman ito ng noo.
"I'm doing it already. Di ba tinatanong mo kung anong gusto kong gawin? Eto ginagawa ko na."
"Alin?"
"Staying with you like this...staring at you."
I kissed her forehead.
"I love you my wife..." Hinalikan ko rin yung bata sa tabi ko.
"I love you my son..."
"I love you po Daddy ko!" Hinalikan ako nito sa pisngi ko.
Napangiti naman si Jheacy.
"We love you too, namin ni Kyle...pati na rin yung bago nating baby! Trev I'm 2 weeks pregnant, and guess what! It's a girl!"
Nayakap ko naman silang dalawa.
Salamat sa Diyos isang masamang panaginip lang ang lahat ng yon.
Buti nalang nasa reyalidad na ako.
Buhay siya at may dalawang anak kami.
Pero...
Sana nga ito yung reyalidad.
At yung masamang panaginip na yon ang talagang panaginip.
Dahil kung ito yung panaginip at yon ang reyalidad...
Ayoko ng magising.
END
Author's Note:
Thank you sa mga naghintay ng ending nito. Honestly wala na talaga akong balak gawan ng ending kasi hindi ko talaga alam kung anong ending gagawin ko. Pero isang araw, naisip kong ganito nalang ang gawin kong ending. Pakicomment ng reaction niyo. Thank you and God bless you all!VOTE and COMMENT
BINABASA MO ANG
PESTENG DARE ENDING
Short StoryAng istoryang mahigit 5 years mong inantay ang ending ay finally may ending na! Basahin mo na.