Kinabukasan... Malamang! Umaga na! Pffft.
Ginawa ko na yung morning rituals ko tapos pumunta na sa kusia para kumain. Sabay-sabay pa rin kaing kumakain ng pamilya ko. As always! Nag kwekwentuhan lang kami kung ano na ang nangyari sa school at iba pang echos.
Nalaman na rin nila na may kaibigan na ako at yung anak pa ng may ari ng school. Gulat nga sila eh, at inakala pa nila na nag eembento ako ng kwento dahil doon daw ako magaling. Psh! Pero sabi ni Papa sakayan nalang daw ang kwento ko. Adik lang? Hahaha!
"Buti naman at nagkaroon ka na ng KAIBIGAN sa school Yawe!" nagpipigil ng tawa si Mama. Err! Bakit ba? Mukha ba akong di seryoso.
Nagtataka ba kayo kung bakit Yawe tawag nila sa akin. Kasi ang Yawe, bisaya word ng Kaye. Gets niyo? Sige tagalog nalang. Ang Yawe, bisya word ng susi. Gets? Very good! Matatalino talaga kayong mga nagbabasa. Nag jojoke lang naman ako. Leshe! -_- Nakakahawa si author!
"Himala! Nagkaroon kana ng KAIBIGAN! Alam mo ba kung bakit walang nikikipag kaibigan sa 'yo? Dahil para kang nasa Mars. Earth to Yawe, earth! At takot silang makipag kaibigan sa 'yo dahil para kang Alien." biro ni Kuya. Pero ang rude ha :3
"At least! Magandang Alien!" sabi ko kay Kuya sabay irap ng pabiro.
Sumigaw naman bigla si Papa, "Anak ko yan!!! Wooooh!!" Tapos winawagayway niya pa yung tinidor niya na may meat loaf. Parang bata lang? Hahaha!
Pagkatapos naming kumain, nag toothbrush kami malamang! Haha! Umais na kami ni Kuya pagkatapos. Hindi niya na ako hinatid sa school, sayang sa pamasahe no! Pagpasok ko sa school.
HOLY MACARONI! Titig silang lahat sa akin. Ganun na ba talaga ako kaganda para pag titigan niyo? Biro lang!
Pumasok na ako. Straight lang akong nakatingin. Chill kumbaga. Haha! Pag ako kasi nahiya, ewan ko ba, pero naka chin up ako at parang beauty queen dating ko lesheflan! Saan ba ako nagmana? Kay Mama? Nah! Baka kay Papa :O
Pagpasok ko sa room. Tinignan nila ako. Yung ibang mga babae umirap lang. Sige! Ipagpatuloy niyo yan! Pag ako di nakatiis, tutusukin ko yang mata niyo at gawing eyeball, hindi fish ball -_- KORNIII KOOO!!!!
Umupo na ako sa upuan ko tapos kinuha yung libro sa bag at nagbasa habang hinihintay ko si Kyana.
Nagtataka ako kay Kyana kung bakit gustong-gusto niya ako maging kaibigan. Mayaman siya, mahirap kami. Maganda siya, chaka ako. Hayy! Ewan! Bumalik nalang ako sa pagbabasa ko. Tapos may tumabi sa akin, sabi niya hinahanap daw ako ni Kyana sa may locker. Kaya pumunta na ako kaagad. Aba! Good friend ata 'toh!
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
Teen FictionAno kayang mangyayari sa simple at masayang buhay ng Prinsesa pag nalaman na niya na ang pamilyang nagpalaki sa kanya ay hindi niya pala totoong pamilya? Sasaya pa rin ba siya sa piling ng kanyang totoong pamilya? At matutunan niya bang magmahal sa...