Royal 1

111 4 0
                                    

Kaye's POV

*TING TING TING TING*

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!!!!" napabangon ako agad dahil sa ingay. 

"Ma! Binigyan niyo nanaman ako ng mini heart attack! Ano ba! Pwede niyo naman akong yugyugin para magising ako eh!" bagot na sabi ko kay mama! Aga aga! Binibgyan agad ako ng Nervous break down. Psh!

"Eh! Sa kanina pa kitang niyuyugyug diyan! Eh anong napala ko? Hampas ng kamay mo! Saka halika na nga! May pasok ka pa!" saka hinila ako ni mama paalis sa kama ko.

"Noooooooooo! My precious bed! I can't live without you!!" sabi ko habang inaagaw yung kamay ko kay mama.

"Magtigil ka diyan Yawi! May pa precious bed precious bed ka pang nalalaman. Magtigil ka nga!" sabay abot sa akin ng towel. "Oh! Maligo ka na! Baka ma late ka pa sa school! Hala kaaa! Pag nalate ka hindi mo na makukuha yung award na 'MOST PANCTUAL'" pang-aasar sa akin ni mama. Ginagamit niya nanaman yung weakness ko. Weakness ko ang mawalang ng mga awards. Kasi since kinder pa lang ako. Halos lahat ng awards nakuha ko na. At ako palagi ang top ng klase. 

"Fine! Fine! Maliligo na!" bagot na sabi ko tapos padabog na pumunta sa CR. 

Huhu :( Gusto ko pa talagang matulog. 

Pagkapasok na pagkapasok ko sa CR, kumuha ako ng isang tabo at bumilang ng.

"1...2...3!" sabay buhos sa ulo ko. Napa talon talon ako sa sobrang lamig. "WAAAAAAAAAAAAAAAH! Ang lamiiiiiiiiiiiiiig!!!" nagpatuloy na ako sa pagliligo hanggang sa matapos na ako. 

Nagbihis lang ako ng sandali at nag suklay ng kalahati ng buhok ko. At... Tantantanan!!! I'm done. Sinuot ko na yung makapal na eye glasses ko tapos bumaba na para kumain ng almusal.

"GOOOOOOOOOOOOOOD MOOOOOOOOOOOOORNIIIIIIIIIIIIIIIIINGGGG!!!!" Sigaw ko sa kanilang lahat na siya namang ikinagugulat nila Papa. Hahahaha! Natatawa nalang ako sa reaksyon ni Kuya na nabuga niya yung kape na nasa bibig niya. At si papa naman. WAHAHAHAA! Epic! Nabitawan niya yung kape niya. At napunta sa damit niya. Hahahahaa! 

"Ano ba naman yan Yawi! Bigla ka nanamang nanggugulat. Hindi mo ba alam na nagkaka heart attack ako niyan?!" pabirong galit na sabi ni Papa.

"Correction!! Mini heart attack! Anong heart attack ka diyan Pa? Ano ka excited malibing?" pabiro ko ring sabi. 

"Sumusobra ka ng bata ka!!" tapos naghabulan kami ni Papa sa buong kusina. 

At nung nahuli ko ni Papa sa may sala, kiniliti niya ako ng kiniliti.

"WAAAAAAAH!!! PAPA! HAHAHAHA! WAG NA-- HAHAHAHA-- PO-- HAHAHAHAHAHA!" hindi ko na mapigilan tumawa. Nakikiliti na talaga ako. Idagdag mo pa si kuya at si mama na sumali na rin sa pagkikiliti ni papa sa akin.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon